JANA
Gulong-gulo ako sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko iniiwasan si Ada. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang ikinikilos niya. Hindi ko alam kung bakit nanggagalaiti ako tuwing kasama niya mga kaibigan niya. Hay, ano ba talagang nangyayari?
Habang finifigure out ko ang mga bagay, nakatanggap ako ng text mula kay Sha. Oo nga pala, magkikita kami sa unit ko dahil may problema raw kami.
Palabas na ako ng office room nang buksan naman ni Ada ang pinto.
"Where are you going? There's a celebration in a while. Aren't you joining us?" Kunot-noo nitong tanong.
"I have a meeting. Magpapaalam na ako kay Tito." Sabi ko rito at lalabas na sana pero hinarangan niya ako.
"Dad will say you have to be there. The company couldn't done that without you." Ada said.
Hindi ko na siya pinakinggan at tuluyan ng lumabas at magpaalam kay Tito.
Maybe Ada knows her father too well. Sinabi nga ni Tito ang mga sinabi niya. Gumawa na lang ako ng excuse para payagan akong hindi sumama sa celebration.
Dumiretso ako sa parking lot at hinanap ang kotse ko. Mukhang nasa unit na si Sha kaya naman hinarurot ko ang sasakyan para makarating agad sa condo.
Hindi naman ako nagkamali dahil nasa tapat na nga siya ng pintuan ko nang makarating ako sa highest floor.
"Come on, Jana!! Bilisan mo naman." Pagra-rush nito sa akin.
Agad naman akong tumakbo palapit sa unit at binuksan ito.
"So, ano nga yung problema natin, Sha?" Sabi ko rito pagkaupong-pagkaupo niya.
"Naaalala mo ba yung ex mo?" Tanong niya sakin habang pinangliliitan ako ng mata.
Ano raw? Ex ko? Wala naman akong ex. NBSB ako noh.
"Gaga, sinong ex? May ex pala ako? Hindi ako na-orient ah." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Ay, hindi ba naging kayo noon? E patay na patay kasi siya sayo di'ba. Hanggang ngayon nga yata e." Sabi ni Sha na may tono ng pang aasar.
"Sino ba kasi yan Sha ? Tsaka ano ba yung problema ?" Diretso kong tanong dito.
"Kahapon kasi, Jana. Si Sobrepeña nasa bahay. Hinahanap ka." Sabi niya sa akin.
Sino raw? Si Sobrepeñ ? Sino yun?
"Sinong Sobrepe--" Naputol ang sasabihin ko ng makarinig kami ng doorbell.
Ay, naks. May doorbell pala dito? Akala ko kasi katok katok lang e. Si Ada kasi kumakatok la-- Wait, bakit ko ba siya inaalala?
Pagtapos ng limang sunod-sunod na doorbell ay isang boses naman ang narinig namin.
"Jana, babe!! Are you there?" Sabi ng boses mula sa labas.
Wala kaming balak ni Sha na buksan ito. Paulit-ulit na doorbell at tawag sa pangalan ko ang naririnig namin.
"Mukhang alam ko na kung sino 'yan." Sabi ni Sha sabay kamot sa ulo niya.
"Sino ba 'yan Sha?" Sabi ko sa kaniya.
"Lucy Renée Sobrepeña, our childhood best friend who turned out to have a crush on you." Mapang-asar na sabi nito.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Naririnig ko kayo!! Buksan niyo na yung pinto!!" Sabi ng tao sa labas.
"Oh my gosh. Lagot na." Napa-facepalm ako dahil sa nangyayari.
Bakit ngayon pa bumalik si Lucyfer?
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...