ADA
What the hell!!! She's really getting into my nerves 😑 How dare she raise her voice at me?! I hate her!! I really do!! I'm serious about ruining her life.
I don't know why my dad wanted me to take care of our top business. I just can't get him. My Ate and Kuya are taking care of our small businesses and enjoying their lives. While me... Gosh!! But what can I do? I do love my father that much so I granted his wish.
I can't go back to sleep, so I did my morning routine and dressed myself in corporate attire.
A few more minutes left, and it's already 8 o'clock, and I'll be—I mean, we. Yeah, we. We are heading to the office.
~*~
JANAHindi na 'ko nakatulog ulit matapos sirain ni Ada yung umaga ko. Kabahan na siya dahil malamang sa malamang, sira na buong araw ko.
I got myself ready para sa isang mahabang nakakabwisit na araw kasama si sungit.
Lumabas na ako ng unit ko para katukin na si Ada. Ilang minuto pa naman bago mag 8:00.
*Knock.. knock*
"Wait up. I'm coming!" Sigaw nito na parang nasa loob pa siya ng kwarto niya.
Kelan ba siya kakalma? Lagi siyang nakasigaw. Pag hinalikan ko siya siguro mananahim-- wait, ano bang pinag iisip ko? Weird.
Ilang saglit pa, niluwa na siya ng pintuan. Hindi na ako tumingin sa kanya, baka sabihin niya nanaman I'm checking her out kahit hindi naman. Dumiretso na ako sa elevator para pumunta sa parking lot.
Tahimik lang ang paligid nung nasa elevator kami kahit maraming tao. Pero bigla akong may narinig na kalam ng sikmura kasabay ng pagbukas ng elevator.
Sigurado akong hindi sakin ang sikmura na 'yon dahil nag breakfast naman ako. Hindi ko na pinansin 'yon at hinanap na agad yung baby car ko.
Nang mahanap ko ito, agad ko iyong tinungo. Hinanap ng mata ko si Ada. Nakasunod lang pala siya sa akin. Buntot ko ba 'to?
Nakayuko ito at ang kamay niya ay nasa likod niya. Aba, biglang amo si gaga.
"Why?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm.. I... Uhmm..." Parang nahihiya niyang simula.
"You what? Tigilan mo ko sa kaka-uhm mo."
"I don't have a car." Tuluyan nitong sabi pagkatapos ay nag pout.
Akala niya ba bagay sa kanya mag pout? Tama siya. Bagay nga sa kanya. Ang cute cute. Sana ganyan talaga siya kaamo.
"Hey, I said I don't have a car. Why are you looking at me? Do I have dirt in my face?" Kunot-noo nitong tanong.
Seryoso? Wala siyang kotse? E mas mayaman pa nga siya sakin tapos wala siyang kotse?
"E ano namang pake ko kung wala kang kotse?"
"How can I go to the office? I don't know how to commute." Nalulungkot nitong sabi.
Hay. 'Yan ang hirap 'pag anak mayaman e.
"Sumakay ka ng taxi ta's sabihin mo sa TIPTOP. Alam na nung driver 'yon." Paliwanag ko sa kaniya.
"Are you serious? Isn't it dangerous? Can I just ride in your car? We are heading to the same destination anyway." Prenteng sabi nito.
Aba. Akala ko pa naman may hiya pa siya sa katawan. Wala na pala.
Pero may point siya. Delikado mag taxi. Pag may nangyaring masama sa kaniya, kargo ko pa.
"Do I have any choice? Get in." Kibit-balikat kong tanong sabay turo sa kotse.
Sumakay siya sa likurang bahagi ng kotse. Aba talaga nga naman. Nasa labas pa lang ako ng kotse ramdam ko na yung ka-kapalan ng mukha niya. Gaga ba siya, ano ako, driver niya? Swerte niya naman.
Pumasok na ako ng kotse at tumingin sa kanya.
"Hindi mo ako driver. Lumipat ka rito sa harapan." Sabi ko sabay roll eyes.
Napa roll eyes din siyang lumabas at lumipat sa harapan. Pero ayaw mabuksan ng pinto. May problema ba si baby car?
Inabot ko ang pinto kaso bigla niyang nabuksan kaya sumubsob ako sa upuan. Malas talaga sa buhay ko 'to.
"Are you alright?" Tanong niya.
"Ano sa tingin mo?" Sabi ko habang nakataas ang kilay.
Nang painitin ko ang engine, narinig ko nanaman yung pagkulo ng sikmura. At doon ko napag alaman na sikmura ni Ada 'yon.
"Did you have your breakfast?" Tanong ko rito habang pinaikot na ang manibela.
Umiling lang ito at kumagat sa labi niya. Uhm, can she stop that? I'm going to kiss h-- WHAT?! Ano bang ginagawa sa'kin ng babaeng 'to at kung ano-anong ka-weirduhan ang naiisip ko. Siguro ginagayuma niya na ako. Crush niya ako. Hay, hirap naman maging maganda. Haha! Charot.
Dumiretso ako sa drive thru ng McDonalds. Umorder ako ng pancake w/ sausage, McNuggets, hot chocolate, and hot coffee.
"Here. Eat. This will be a tiring day so make sure you're full." Sabi ko sabay abot ng mga inorder ko maliban sa coffee.
"Can we switch drinks? I like McCafe." Walang pakundangan niyang tanong.
"No. And no buts, Ada." Ma-awtoridad kong tugon.
Baka mag palpitate siya sa kape. Marami pa akong ipapagawa sa kaniya ngayong araw.
"Bill?" She's asking for the receipt. Siguro ay babayaran niya ito.
"Ako na bahala." Sabi ko sabay kindat sa kaniya.
Natawa naman siya roon at nagsimula ng kumain. Out of way yung McDo kaya umikot pa kami. Medyo traffic pa kaya naubos na niya yung pagkain niya bago pa kami makarating ng office.
Saktong pagkamatay ng engine ko....
*Burp*
Napatunayan niya sakin na matakaw siya dahil naubos niya 'yon lahat.
Natawa kaming dalawa dahil sa dighay niya.
"Thank you, Sherry." She said together with her wide smile. She quickly kissed me on the cheek before siya lumabas ng sasakyan.
Para akong nanigas dahil sa ginawa niya. May kung anong kuryente na dumaloy sa sistema ko at may kung anong malikot sa tiyan ko.
Jusko, Ada Gaile. Bakit ba ganito epekto mo sa'kin?
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...