ADA
May dumating na malaking offer sa company. Naisip ko agad na kakailanganin ng bumalik ni Jana sa trabaho. Syempre, 'yon din ang magiging desisyon ni Dad dahil hindi naman mapapalagpas ng kumpanya ang ganitong klase ng offer.
Lalo pa ngayon na kailangan tumaas ang shares at sales dahil bumaba ito ng slight nitong nakaraan.
Ang naging ka-meeting ni Dad doon sa restaurant ang siya ring nag-offer nito.
After that day, tama nga ang hinala ko na pababalikin na si Jana sa trabaho. Nag rason pa nga ang babaeng iyon na busy daw sa preparations ng kasal ng kuya niya pero hindi naman umubra.
Hindi rin namin inaasahan ang malaking pagbabago sa buhay namin. Kinailangan kasing mag full time kami sa business dahil nga sa project na ito. Ila-launch rin kasi ito sa nalalapit na founding anniversary ng kumpanya.
Kaya naman nag pull out na kami ni Jana sa University. Mag mo-modular na lang kami para makapag comply at grumaduate pa rin. Sinabi naman ni Dad na kapag mas mabilis na natapos ang project, pwede kaming mag break muna sa business at mag focus sa studies.
Knowing Jana, priority pa rin niya ang studies. Hindi ko alam kung anong magic ang meron si Dad at napapa-payag niya sa lahat si Jana.
"Why are you staring at me?" Bumalik lang ako sa realidad ng magsalita si Jana.
Oo nga pala, nandito na ulit siya sa office room namin.
"Assuming. Hindi kita tinititigan." Palusot ko.
Hindi ko naman kasi talaga siya tinititigan. Sa kaniya lang ako nakatingin nung nag mo-monologue ako.
"Yeah, right. Alam mo, mag trabaho na lang tayo." Sabi niya at ibinalik ang atensyon sa laptop na nasa harap niya.
Napa-iling na lang ako at bumalik na rin sa task ko.
~*~
JANA
Nagulat ako sa desisyon ni Papa para sa akin. Mag pull out daw ako sa University dahil mas kailangan ako ngayon sa kumpanya.
Inisip ko na lang yung kapalit kapag mas napa-aga ang tapos ng project. Pwede ko na kasi kuhanin ang kursong gusto ko talaga.
Sa totoo lang kasi, gusto ko naman talaga ang business. Kaya lang, gusto kong maging negosyo ay yung interesado ako. Hindi gaya nitong business ni tito Adrian at ni Papa. Puro real estate, real properties, malls, condominiums, at kung ano-ano pang malalaking building.
Kapag natapos ang project na ito ng mas mabilis, mas maraming beses ko ng makakasama yung mga friends ko. Miss na miss ko na sila.
"Lunch na muna tayo." Aya ni Ada.
"Hindi pa ako gutom." Pag-tanggi ko.
Pero taksil ang sikmura ko dahil tumunog ito.
"Parang gutom ka na." Tumatawang sabi ni Ada.
Napa-kamot na lang ako ng batok ko.
Sabay kaming lumabas ni Ada mula sa office room namin. Nagsisimula na ulit kami na maging komportable sa isa't isa. Sana naman ay tuloy-tuloy na ito.
Inaya ako ni Ada na kumain sa pantry. May pa-welcome back party raw kasi ang Dad niya para sa akin.
~*~
SHARA
Pagkatapos na pagkatapos i-pull out nina Jana at Ada sa University, ibinalita agad sakin ito ni Jana. Sinabi niya rin sa'kin na makakasabay pa rin naman namin silang grumaduate at alam kong kaya niya yon kahit modular lang ang sistema nila. At nai-share niya rin yung magiging advantage kapag natapos yung project ng kumpanya nila.
"Sha!! Have you heard the news?! Ipinull out daw si Jana at yung Ada na 'yon dito sa University ah?" Madaldal na sabi ni Cheska.
Nandito kaming magkakaibigan sa Cafeteria. Nakagawian kasi naming sabay-sabay mag lunch once in a while para naman magkita-kita pa rin kami kahit magkakaiba kami ng course. At si Jana lang ang kulang sa'min.
Oo nga pala, sa akin lang nagkwento si Jana. Nahihiya na raw kasi siya sa iba naming friends dahil lagi na lang siya ang kulang kapag may get together. Pero sakin hindi nahiya noh? Grabe talaga yung babae na 'yon.
"Yeah, I knew about that." Maikling sagot ko habang kumakain ng fries.
"Bakit daw?" Sabay-sabay nilang tanong.
"I'm in no position to tell you guys. Sor--"
"Come on, Shara. Sayo lang naman nagsasabi yun." Pagputol ni Roxy sa akin.
"Okay, okay." Sabi ko while raising my two hands as a sign of surrender.
"Spill the beans." Sabay-sabay ulit na sabi nila.
"Nahihiya raw kasi siyang magsabi sa inyo since lagi siyang wala sa meetings natin. Please do understand our friend, alam niyo namang may mabigat na role siya sa buhay. So ayon, kaya sila ipinull out kasi may tututukan silang company project. As soon as matapos yon, mas madalas na natin siya makakasama and she's going back to the University and will be taking her own choice of course." Mahabang litanya ko.
"Wait, so basically drop out siya?" Tanong ni Amber.
"No. They, I mean Jana and Ada, will have modules para hindi sila mapag iwanan at kasabay pa rin nating grumaduate." Sabi ko naman.
"Ganon sana, Sha. Sabay-sabay sana gagraduate." Natatawang sabi ni Paul.
"Oo nga naman, Sha. Sana all makaka-graduate." Pag sang-ayon naman ni Emy.
"Tumigil nga kayo. Sabay-sabay tayong ga-graduate. Magtiwala lang kayo sa mga sarili niyo." Pangaral ni Rosie.
"Wala na, finish na. Nagsalita na si Rosie." Natatawa kong sabi.
Sabay-sabay kaming tumawa at ipinag patuloy ang pagkain. Masaya ako kasi naintindihan nila si Jana. Ganon naman talaga kapag tunay na kaibigan di'ba? At masaya rin ako para kay Jana kasi finally makukuha niya na yung gusto niyang course after nito.
But at the same time, nalulungkot ako. Kasi bilang best friend niya sana habang maaga pa makita niya yung nagbibigay sa kanya ng happiness kagaya ng kung ano ba ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
De TodoIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...