Chapter 36

1.4K 55 9
                                    

ADA

"Would you mind if I asked you to narrate the incident?" Unang tanong ni PJ.

May hawak siyang notebook at pen, siguro ay mag jot down siya ng details as I speak.

Tumango lang ako bilang sagot at kinwento na sa kaniya yung nangyari. Halos maiyak pa nga ako roon sa part na nagsacrifice ako to save someone's life.

Nakikita ko namang nakikinig talaga si PJ dahil ang dami niyang nasusulat sa notebook niya.

"As I already mentioned, papagaanin natin 'to para hindi ka ma-pressure to answer kasi it would be bad for your condition. We will take this one step at a time until I can see and tell that you really recovered from what happened." Nakangiti nitong sabi.

Nagtuloy-tuloy pa ang pagtatanong niya gaya ng kamusta ako before the incident happened at ngayong gising na ako and such things. Para lang kaming nagku-kwentuhan to keep up with each other's life.

Humaba pa ang usapan at nauwi na nga sa chikahan. Matagal rin kaming hindi nagkausap kaya ang dami naming napag kwentuhan.

"I guess, that's all for today. Siyempre, we'll see each other in oftentimes kasi first session pa lang naman. I'll be back maybe tomorrow or the day after." Nakangiti nitong sabi at nagpaalam na.

Hindi pa bumabalik sila ate Aila dito sa hospital room kaya ang tahimik. Napa-isip tuloy ako sa mga bagay na dapat yata sinabi ko rin kanina sa psychiatrist ko.

Three days na akong gising pero laging sina ate Aila at ate Dyann ang nandito para samahan ako. Si kuya Adrien minsan ko pa lang nakita at sumaglit lang. Si ate Ady ay kakabisita lang naman. Si Dad ang nagbabantay sa akin tuwing gabi kahit ayoko dahil napupuyat siya. Yung parents ni Jana bumibisita rin, lalo na yung Mama niya. Three days straight ng may dalang masarap na pagkain para sa akin. Ang Mommy ko, di ko alam kung nandito pa ba sa Pilipinas. At si Jana, bakit kaya hindi pa siya bumibisita?

~*~

JANA

"Pa, sige na kasi. Hawak naman na ng mga pulis yung gunman. Gising na si Ada, payagan niyo na 'kong bisitahin siya." Pagpupumilit ko kay Papa at sa buong pamilya ko.

"Baby steps lang muna, Sherry. Nagising na si Ada pero di pa naman siya nakakalabas ng hospital. Di'ba sabi ko, tsaka mo na siya guluhin kapag magaling na siya. At isa pa, hindi naman porket nasa pulisya na ang gunman ay safe ka na. Hindi pa nga siya umaamin kung sino ang nag-utos sa kanya e." Seryosong sagot ni Papa.

"'Di ba talaga pwedeng magpa-escort sa pulis, ganon? Mula nung isugod sa hospital si Ada, 'di na ulit ako nakadalaw sa kaniya." Pagsusumamo ko.

Kung nagtataka kayo bakit walang media na gumugulo sa amin, siyempre sila ni Tito Adrian ang umasikaso para matahimik ang buhay naming lahat.

Kaunting pilit na lang dito kay Papa, alam kong papayag na rin siya.

"Pwede na siguro natin ituloy ang kasal nila kuya Josh pero limitado ang mga bisita, hindi pa pwede ang big crowd dahil pwedeng kuhanin ulit 'yon na pagkakataon para maulit ang trahedya." Pag i-inform ni Papa na para bang walang pake sa sinabi ko.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon