Chapter 17: Part 1

2.6K 89 1
                                    

ADA

Hindi talaga ako tumayo mula sa pagkaka-kandong kay Jana kahit pa nakita na kami nung babae niya.

I can't understand why I felt jealous when I saw this bitch flirting with Jana. Siguro dahil ngayon ko lang nalaman na may iba pa palang kaibigan si Jana bukod kay Shara.

Naiyak talaga ako dahil hindi ko akalaing makakalimutan ako ng babaeng nakatira sa kabilang unit. Halos ilang buwan na kaming nagsasabay, walang mintis tapos sa isang iglap nakalimutan niya. Sakit beh.

I'm glad I am learning Tagalog really well and all thanks to Jana. Pero tampo pa rin ako sa kanya. Hmp.

Nang tumawag si Dad at sabihing 'wag na muna kami bumalik at mag bonding na lang muna kaming dalawa, medyo natuwa ako kasi at least magagantihan ko si DelaCruz.

Nabwisit naman akong muli nang tumawag yung babae. Ano nga ulit pangalan noon? Lucia? Ay, ewan. She's not important naman.

Nasa labas na raw siya ng unit ko. Ang kapal rin talaga. I know that Jana is honest about what is her relationship with the girl. Pero the way na tignan siya nung babae, alam kong hindi lang friend ang tingin nito sa kanya. Marami kasi akong bisexual friends sa California kaya alam ko ang tinginan at may radar yata ako kaya nalalaman ko kung bisexual or hindi. At yung babae ba kasama ni Jana Sherry, no doubt, bisexual yun at may gusto sa kaniya. Ang sarap tirisin napaka lantod. Haliparot.

You sound like a jealous girlfriend.

Nah. Hindi ako bisexual and never akong na-attract sa kapwa ko babae. Nagkakaroon ng girl crush, yes, but that's natural. Pinoprotektahan ko lang si Jana dahil feeling ko, sex lang habol ng bitch na 'yon sa kaniya.

Nakarinig ako ng doorbell at katok pero mukhang hindi iyon narinig ni DelaCruz. Busy yatang tumitig sa ganda ko. 'Wag niyang sabihin na nababakla na siya sakin dahil 'di naman siya na-sense ng radar ko e.

Mukhang yung bitch yung kumakatok at nag doorbell since sabi niya nga nasa labas daw siya ng unit ko. At dahil bwisit ako sa panglalandi niya sa kaibigan ko, gaganti muna ako.

Nilapitan ko si Jana at kumandong sa kaniya. Nilandi ko rin siya gaya ng nakikita ko sa mga kaibigan ko sa California. Ang hirap pala gawin nito lalo na kung straight ka. Malamang nandidiri na 'to si Jana. Pero keri pa, makaganti lang ako sa bitch na nasa pinto.

Habang trying hard akong akitin si Jana, may kung ano-ano akong nararamdaman sa loob ko. Binalewala ko lang talaga kasi determined akong makaganti doon sa panget na kasama niya kanina.

Sakto namang nasa likod lang ni Jana ang remote ng pintuan ko. Kaya pinindot ko ito para magbukas ang pinto at maabutan kami nung babae sa ganoong posisyon.

May bumagsak at sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng tunog. Nakita kong nagulat si Jana. Syempre mas nagulat yung babae. At ako? Heto, naka-ngisi lang.

May tatlong minuto ring nanatili ang mga reaction nila. Naputol lang ito ng tumayo ako mula sa pagkaka-kandong kay Jana.

"S-sorry for the interruption. I t-think I s-should lea--"

Pinutol ni Jana ang sinasabi ni bitch.

"It's not what you think, Lucy." Sabi ni Jana at napahilamos na lang sa mukha niya.

"What is she thinking ba? And who is she?" Pa-inosente kong tanong.

Napataas ang kilay ng babae. Aba, bitch talaga. Nakakalimutan niya yatang nasa loob siya ng unit ko. Trespasser.

"I'm Lucy Renée Sobrepeña, Jana's girlf--"

Pinutol ko ang sasabihin niya when I realized she's about to say girlfriend.

"Girlfriend? Really ? Parang wala namang nababanggit sa'kin si Sherry. By the way, I'm Ada Gaile Garcia. Soon to be DelaCruz." Pag-introduce ko sa sarili ko at nag wink.

Napatingin sa akin si Jana at binigyan ako ng 'what-are-you-saying-look' . Binigyan ko naman siya ng 'trust-me-I'll-explain-later-look'. Na-gets naman namin ang isa't isa at sabay kaming tumingin kay Lucy na ngayon ay naka nganga na.

"You're crazy! Come on, babe. Tell that girl that I am your girlfriend." Matapang na sabi ng bitch na si Lucy.

"No, Lucy. You are crazy. You heard her. You heard my fiance. Now, leave." Sabi naman ni Jana.

"What the?! Don't tell me, hindi ka talaga straight?" Naiinis na tanong ni Lucy kay Jana.

"Yes, my charm made her realize that she wasn't straight that's why we're getting married." Sagot ko naman kahit hindi ako yung tinatanong.

Huh! Bitch lang siya pero super bitch ako.

"Gaano na ba kayo katagal?!" Pikon na tanong ni Lucy.

"Turning six years this year. Nine months engaged." Sagot ni Jana na siyang ikinagulat ko.

Huling-huli ko naman ang gulat sa mukha ni bitch. Tinaasan ko siya ng kilay, mukhang may sasabihin pa e.

"You know what, I think you should leave by now because you just interrupted our moment." Mataray na sabi ko rito.

Wala na siyang nagawa kundi sumigaw out of frustration.

Tawa ako ng tawa ng makalabas siya ng pinto at pabagsak na isinara ito.

Kunot-noo akong tinignan ni Jana at saka sinabayan akong tumawa. Nang matigil na kami...

"Now, tell me what was that show all about." Seryosong sabi niya sa akin.

Ang tangi kong nasagot ay "Uhm.."

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon