JANAIsang buwan na rin ang lumipas mula noong makausap ko si tito Adrian.
Kung may magtatanong kung may balita ba ako kay Ada, well, ang alam ko lang nasa California na ulit siya. Ni-hindi ko alam kung for good ba o nagpalamig lang ng utak dahil sa pagkabigla nung hinalikan niya ako.
Nasa punto ako ng buhay ko ngayon kung saan parang wala ng patutunguhan. Pero charot lang, tuloy lang ang buhay kahit walang Ada. Pero pagbalik ni Ada, gagawin ko ang lahat, maging akin lang siya. Paano pag 'di siya bumalik? Hindi ko rin alam.
Sa ngayon, umuwi muna ako sa bahay namin. Hindi ko kasi ma-take na mag-stay sa condo. Si Ada lang palagi nasa isip ko, para siyang multo na 'di matahimik. Bawat sulok ng condo ko, nakikita ko siya.
Sa opisina naman, pinaki-usap ko kay tito na ibalik na lang muna ako sa dati kong cubicle. Hindi ko rin kasi kaya sa office room namin ni Ada. Dati sanay ako sa lamig doon, pero ngayon parang ikakamatay ko 'yon.
Iminove ni tito Adrian yung big event at anniversary celebration ng company. Kaya hindi masyadong busy at walang mabigat na trabaho.
Sa sobrang pag-iisip ko kay Ada, di ko namalayan na graduate na pala kami. Ipinasa ko yung naiwang modules ni Ada kasabay ng sa akin. Kinausap rin ni tito ang head ng department namin, nagkaroon ng arrangement na may ipapadalang staff sa California para makapag exam si Ada to graduate with a bachelor's degree. Gusto ko nga sana maging staff noong time na 'yon. Kasi zero communication talaga kami ni Ada. I tried to send her e-mails pero wala kahit isang reply. Sa Social Media Accounts niya naman, deactivated lahat.
Noong graduation day namin, ako lang yata yung grumaduate na hindi masaya. Yung mga friends ko, masasaya silang lahat. At proud ako sa kanila. Si Shara ay dentist, si Rosie naman ay OB. Si Paul naman Chemist na. Magkakasama silang nagtatrabaho sa isang hospital. Si Cheska naman, nakapagtapos sa course na Accounting Technology, sa isang business firm siya nagtatrabaho kasama si Amber na isa namang HR graduate. Si Roxy naman ay Commerce graduate, sa bank siya nagtatrabaho. Si Emy naman, tapos ng HRM. Isa na siyang pastry chef sa isang restaurant.
Masyado yata akong naging busy kay Ada, sa trabaho, at sa sarili kong buhay. Kaya di ko namalayan na ang bilis lumipas ng panahon. Hindi ko rin nabigyang pansin yung mga kaibigan ko, alam kong nagtatampo yung mga 'yon sakin.
Nakakatuwa na naging magkakasama pa sa trabaho ang ilan sa kanila. Hanggang magkaroon yata ng sariling pamilya ang bawat isa samin, mag i-stick kami sa circle of friends na 'to. Speaking of family.... si Emy, kahit na maagang nagkaroon ng sariling family, hindi ito naging hadlang para tumigil siya sa pag-aaral. At maganda rin naman ang lagay nilang mag-ina sa kamay ng asawa niya.
Ako? Sa ngayon, sa Tiptop pa rin ako nagtatrabaho. Pero sabi ni Papa, lumipat na ako sa sariling naming firm dahil gusto niya na itong ipamana sa amin ni kuya. Ang pinagkaka-abalahan ko ngayon ay ang pagtulong sa wedding preparation ni kuya.
"Sherry, kanina ka pa nagkukulong dyan sa kwarto mo. Lumabas ka nga rito. May bisita ka." Katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko.
Bisita? Wala naman akong matandaan na may inimbitahan ako na magpunta rito sa bahay.
Teka, hindi kaya bumalik na si Ada?!
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa thought na 'yon. Posibleng si Ada talaga iyon.
Nagmadali akong bumaba sa sala namin para makita kung sino ba yung bisita ko.
"Disappointed much? Sorry ka na lang, girl. Hindi kami si Ada." Pang-aasar ni Sha.
Nandito silang lahat ngayon. Kumpleto. Walang labis, walang kulang. Nakakatuwa namang makita ulit sila.
Tuluyan na akong pumunta sa pwesto nila at isa isa silang binati at kinamusta. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit ako dapat ang bumawi sa kanila dahil matagal akong Missing in Action, sila pa talaga 'tong dumayo sa akin.
"Malakas yung radar namin na kailangan mo kami ngayon, e." Nakangiting sabi ni Rosie.
Sakto namang naghatid si Mama ng snacks sa amin, sinalubong siya ni Paul para tumulong.
"At malakas ang radar ko na maghahanda ng snacks si tita." Tumatawang sabi ni Paul habang nilalapag ang snacks sa center table.
"So, nasaan si Ada ngayong kailangan mo siya?" Medyo inis na tanong ni Amber.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi maganda sa pandinig ko ang tanong na 'yon.
Hindi ko na lang siya pinansin para hindi na magkaroon ng gulo. Baka kasi ano pa ang masabi ko. Iba pa naman ako pag si Ada na ang pinag-uusapan.
"Okay ka lang ba, ate Jana?" Tanong ni Cheska.
"Che, ilang beses ko ba ipapaalala na huwag mo ko tawaging ate?" Natatawang sabi ko sa kaniya.
Napa-roll eyes lang siya at inulit ang tanong.
"Okay lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay?" Tanong ko sa kanila pabalik.
"Kasi iniwan ka ni Ada." Sabay na sabi ni Roxy at Emy.
Napatigil naman ako roon. Napa-isip ako, iniwan niya na ba talaga ako? Wait, parang 'di niya naman ako iniwan e. Alam kong may rason kung bakit siya umalis. May rason kung bakit pinayagan ni tito Adrian na bumalik si Ada ng California kahit di pa tapos ang big event sa company.
"Guys, tumigil nga kayo. Hindi pa natin nami-meet ng personal si Ada, para niyo na siyang hinusgahan." Sabi ni Rosie.
"Oo nga naman. Itong mga 'to talaga." Umiiling na sabi ni Sha.
"Makinig kayo sa dalawang doctora." Pagpapagaan ni Paul sa usapan.
"Pagbalik ni Ada, pag sa akin na siya, ipapakilala ko siya sa inyo." Proud at confident kong sabi.
"Ay, magiging kayo?" May pang-aasar na sabi ni Amber.
Napa-roll eyes na lang ako. Ayoko siyang patulan baka hindi ko siya matantsa.
"Jana, masaya ako para sayo kasi finally narealize mo na yung matagal ko ng nakikita sayo whenever we talk about your Ada. Pero nalulungkot ako kasi kung kailan naman alam mo na yung totoo mong nararamdaman, doon naman siya wala. Pero wag kang mag give-up agad-agad. Alam kong alam mo kung kailan dapat mag give up. You are old enough and clever to make wise decisions." Seryosong litanya sakin ni Shara.
Ngumiti ako sa kanya, sa kanilang lahat. Isang ngiti na matamis at totoo.
Lord, thank you for giving me these people.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...