JANA
Sobrang bilis ng mga araw. Sobrang bilis ng panahon. Baka mas mabilis talaga kapag masaya? Pero nakakatakot din. Baka kung gaano kabilis naming napunta rito, ganon din kabilis na babawiin ang lahat.
Ang daming nangyari sa nakalipas na mga taon. Maraming nagbago, pero masaya sa pakiramdam na halos lahat ay para sa ikabubuti. Hindi ko alam kung paanong ipapaliwanag kung gaano ako kasaya, ka-thankful na kahit sobrang daming nagbago, nasa tabi pa rin namin ang isa't isa.
Mas naging busy man sa lahat ng bagay, lalo sa trabaho, alam kong may uuwian pa rin ako. Lumalaki yung mundong ginagalawan namin pero alam kong uuwi at uuwi pa rin kami sa tahanan namin.
Inaamin ko namang mas marami akong oras ngayon sa trabaho kaysa sa oras na ini-spend ko sa bahay, hindi pa ako nakakabawi ulit sa kaniya. Lumalago kasi ng sobra ang parehong kumpanya ng pamilya namin, nakakapang hinayang naman na bitawan. At para rin naman sa future namin itong lahat.
Isang araw na lang naman at uuwi na ako ulit kay Ada.
~*~
ADA
Nasa Macao sina Sherry, kuya Josh, at kuya Adrien dahil sa mahalagang contract signing at launching ng isang malaking project katuwang ang mga bagong business partners at investors.
Hindi nga sana sasama si kuya Josh dahil anytime soon ay manganganak na si ate Lj sa second baby nila.
Oo, ganon kabilis lumipas yung panahon. Sobrang bilis na akala mo ay parang kahapon lang ang lahat.
Nasa hospital na kami ngayon dahil nga due date na ni ate Lj. Ako ang bantay ngayon dahil umuwi muna ang Mommy niya para kumuha ng mga gamit at si Mama Sherlie naman ang nagbabantay kay Lyndon, yung panganay na anak nina ate Lj at kuya Josh.
Ang ate ko rin ay dalawa na ang anak. Matagal din bago sinundan ni Chad ang ate Charlotte niya. Si kuya Adrien naman ay magiging ama na rin sa makalawa. Napang-asawa nito ang isa sa school mate niya noon na si Xyrille. Akala nga namin ay hindi na siya mag aasawa at puro trabaho na lang ang iisipin.
Ako naman, isang taon ko na pinag titiisan si Sherry. Isang taon na kaming engaged. Tinatapos lang yung malalaking projects sa company pagtapos ay magpapakasal na kami. Intimate lang ang gusto namin gawa ng mahal nga ang magpakasal sa ibang bansa. Hindi sa nagtitipid kami, gusto lang talaga naming maging peaceful ang araw na iyon.
Sa sobrang daming nangyari at bilis ng panahon, yung mga pagkakataong ganiyan ay 'di pa rin maalis sa akin ang mag worry o maging paranoid.
Ngayon ngang nasa hospital ako ay parang bumabalik sa akin lahat, para akong nagkaroon ng trauma sa nangyaring insidente noon.
Kahit kasi ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin matukoy kung sino ang salarin. Nakakulong yung gunman, pero hindi ang nag-utos sa kaniya. Sobrang makapangyarihan yata nung tao kaya takot magsalita yung gunman.
Hindi mapapalitan ang mga magagandang nangyari sa amin sa mga nakaraang taon, pero hindi rin maalis sa akin yung takot dahil kahit pa matagal na kaming tahimik, hindi pa rin guaranteed ito. Kahit anong oras, pwede pa ring may aatake nanaman sa amin.
"Ada, pakitawagan naman si kuya Josh mo. My water just broke." Mahinahon na sabi ni ate Lj.
Siya lang yata ang kilala kong pumutok na ang panubigan pero kalmado pa rin. Teka, bakit si kuya Josh ang pinapatawagan niya at hindi ang doctor???
"Ate, hindi ba dapat doctor muna bago yung asawa mo?" Natatarantang tanong ko.
Tumawa pa siya bago sumagot, "Hindi pa naman ako manganganak kaagad, at nag page na rin ako gamit itong button." Sabi nito.
Wala na akong nagawa kung hindi kuhain ang phone niya at tawagan si kuya Josh. Dali-dali naman itong sumagot kaya binigay ko na pabalik para silang mag-asawa ang mag-usap.
Nag message na rin ako sa Mommy niya at kay Mama Sherlie sa mga pangyayari rito.
Sobrang intense naman, hindi ako ang perfect person na dapat pinagbantay sa kaniya. Mas mauuna pa akong manganak sa kaniya kahit hindi ako buntis e.
Maya-maya pa ay dumating na rin yung dalawang nurse na maglilipat sa kanya sa Delivery Room.
Intense na yung scenario, sumabay pa talaga ang Daddy ko. Nakatanggap ako ng message sa kaniya na mas lalong nagpabilis ng heartbeat ko.
Ada, nag update ang mga police. May testimony na raw yung gunman. Malalaman na natin kung sino ang may pakana ng lahat.
Hindi ko naman pwedeng iwan si ate Lj, wala pa yung kapalitan kong magbantay. Kabado akong nagreply pabalik kay Dad.
"Hintayin ko lang po Mom ni ate Lj tapos punta na rin po ako sa presinto, Dad."
After all these years, matatahimik na rin kami.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
OverigIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...