Chapter 37

722 28 0
                                    

ADA

Almost two weeks pa akong nag stay sa hospital dahil sa mga tests at paghihintay ng results ng mga 'yon. Another thing is ang OA ni Dad kaya ang daming tests na ginawa sa akin.

Buti na lang, my stay is not boring kasi si Tine ang nurse ko so may ka-chikahan ako. Plus PJ na madalas bumibisita para sa mental therapy. Pinag therapy ako ni Dad kasi shocked talaga ako sa nangyari. Helpful naman yun sa akin.

And siyempre hindi magiging masaya ang stay ko kung wala yung mga pagkain na niluluto ni Jana. Joke ko lang na hindi masarap. Balak ko na nga siya pakasalan para araw-araw niya ko lutuan. Charot.

Sobrang okay na ako, I just need a long rest. Pero hindi naman pa-rest in peace na.

Meron lang akong napansin kay Jana tuwing bumibisita siya. Nakakabwisit siya. Charot ulit.

Walang araw na bumisita siyang hindi naka busangot. Halata rin yung kagustuhan niya na kausapin ako pero 'di niya magawa. Pero kausapin about what? Sa nangyari ba sa akin? Sa nangyari sa amin?

Kapag lumalabas na si Tine ng room ko, nawawala na yung lukot na mukha ni Jana. Tapos kapag dumadating si PJ, parang gusto niya ng sapakin palagi. Nagseselos ba siya? Kung oo, bakit?

"Girl, sino ba kasi yung laging bumibisita na may dalang pagkain mo tsaka mga nakahiwa ng mansanas at nakabalat na oranges?" Tanong ni Tine.

Ewan ko ba kay Jana, simula nung naabutan niyang sinusubuan ako ng apple ni Tine lagi ng sliced apple at peeled oranges yung dala. Kulang na lang, isuot niya uniform ni Tine kung makapag nurse siya sa akin.

"Bakit? Type mo?" Tanong ko pabalik.

"Gaga, engaged na ako noh!" Natatawang sabi nito at ipinakita sa akin ang singsing.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa lovelife at  magiging kasal niya. Napag iiwanan na yata talaga ako ng panahon, halos lahat ng ka-edad ko ay kinasal o ikakasal na. Hay nako, kung sino yung next na papasok sa pinto ng hospital room na 'to, ayain ko na magpakasal. HAHAHAHAHA.

"Oh, ayan na pala yung psychiatrist mo at yung mag pu-prutas mong bisita." Tumatawa na sabi ni Tine.

Joke ko lang yung sinabi ko kanina. Hehehe. Ayoko magpakasal sa dalawang tao. Bakit ba kasi sabay silang pumasok?! Pwede namang si Jana muna. Charot.

"Oo nga pala, siz. Pupuntahan ka ni Doc mamaya to give the last result na hinihintay mo. Tapos baka i-discharge ka na rin." Sabi ni Tine bago siya umalis.

"Kahit i-discharge ka na, tuloy ang therapy. May ilang sessions pa tayo. Makakasama mo pa ako ng matagal." Natatawang sabi ni PJ.

Nakita ko namang umirap lang si Jana. Dumiretso siya sa pantry para ayusin yung mga dala niya. Ito namang si PJ, hindi ko alam kung therapy pa ba yung ginagawa. Tumatambay lang 'yan dito minsan.

Lumapit sa akin si PJ, "Gorl, type ka nung papi na yun." Bulong niya sa akin.

"Ha? Sinong papi?" Pabulong ko rin na tanong. Teka, bakit ba kami nagbubulungan?

"Yung nasa pantry. Type mo rin ba? Kung oo, press 1. Charot. Kung ayaw mo, sa akin na lang." Bulong niya ulit.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon