JANA
Ayaw pa rin mag sink-in sa utak ko na hindi si Adrien ang ite-train ko. Akala ko naman, pagkakataon ko na para magkamabutihan kami.
Tito told me na ilagay muna raw yung mga gamit ko sa office na ibinigay niya sa akin at bumalik sa office niya dahil dadating yung sinasabi niyang si Ada.
Dulo ang office ni tito, bali mauuna ang office ko kaysa sa kanya.
Glass door din ang pintuan ng office ko pero hindi ito transparent kagaya ng kay tito.
Nang pumasok ako, nagulat ako dahil malaki ito. Nagtataka rin ako kung bakit dalawa ang lamesa na magkatapat rito. May dalawang wood door din na hindi ko alam kung saan patungo. I got curious kaya naman tinignan ko ang mga ito.Ang pintuan na malapit sa glass door ay ang Comfort Room. Hindi ko nga alam kung CR ba talaga ito, ang laki kasi. At ang nakapagtataka ay may bath tub at shower area.
Yung isa pang pintuan ay medyo tago at nasa bandang sulok ng office ko. Kung hindi mo lilibutin ang lugar ay hindi mo talaga ito mapapansin dahil nasa gilid ito ng isang malaking shelf.
Nang pasukin ko ito ay muntik na akong himatayin. Ano bang pumasok sa isip ni tito at binigyan niya ako ng gantong klase ng opisina?
Kwarto kasi ito at malaki rin. May queen-sized bed, may sariling Smart TV, may mga cabinet, at fully-airconditioned ang kwarto. Bukod pa ang aircon nito sa aircon ng office ko.
Nakakaloka naman. Ganoon ba ka-pursigido si tito na makuha ang loob ko? Parang mas gusto ko na rito kaysa sa unit ko e.
Paglabas ko ng aking opisina ay nasa labas rin sina tito at Adrien. Kapwa silang nakangiti sa akin. Pinantayan ko sila para pormal na magpasalamat kay tito.
"Uhm, tito.. you don't have to give me this kind of office para lang po mapa-payag niyo ako. But thank you pa rin po. Sobrang nagustuhan ko po yung office ko. Thank you po talaga." Natutuwa kong pahayag.
"You're welcome, anak! Alam mo namang hindi ka na iba sa akin, sa amin." Masayang pahayag ni tito.
"Thank you rin po, sir Adrien." Pagpapasalamat ko sa gwapong nilalang na ito.
"You don't have to thank me, little miss. Isa pa, kuya na lang ang itawag mo sa akin." Cute na sabi ni Adrien.
Ano raw? Kuya? Tawagin ko raw siyang kuya? Pero hindi pwede!! Magpapakasal tayo tapos kuya? Huhu 😭 Ay, charot lang.
"Oh, ayan na pala si Ada." Sabay na sabi nina tito at kuya Adrien at turo sa likod ko.
Napaharap naman ako sa direksyong iyon at ito pala si Ada. Isang parang five years old-- WHAT?! SERYOSO BA SI TITO, GUSTO NIYA AGAD TURUAN ITONG BATA NA 'TO PARA MAGING BIHASA SA BUSINESS?! MASYADO PA SIYANG BATA, JUSKO. BABYSITTING YATA TALAGA ANG GUSTO NIYANG GAWIN KO.
Tumakbo ang bata papunta kay tito Adrian kasabay ng pagsigaw nito ng "Papa."
So, siya nga si Ada? Jusko, Lord. Tulong.
"T-tito, siya po ba si--" Magtatanong sana ako but a familiar voice cutted me off.
"I'm Ada." Sabi ng pamilyar na boses.
Pag lingon ko sa likod ko... Wait nga, nung nagpaulan si Lord ng kagandahan, basang-basa ako. Pero itong babae sa harap ko? Siya yata yung nagdo-donate ng kagandahan doon sa langit. Ganito ba talaga lahi nilang mga Garcia? They all look like gods and godesses.
"Eew. You're drooling." Sabi ni ateng maganda sabay roll eyes sakin.
Ano raw? Tumutulo raw laway ko? Ahh-- WHAT?!
Napapunas naman ako bigla. Pero wala naman. Loko yun ah.
"Hello, dad. Nice to see you again. I haven't seen any of you since I arrived here in our country, Its's just been through phone calls or video calls." Pagbati nito kay tito Adrian.
Sa pagsasalita nito ng English, mahahalata mo na fluent siya at para bang foreigner talaga dahil sa accent niya. Pero she sounds like a brat at the same time.
"Ada, nasa Pilipinas ka na. Pwede ka na sigurong mag tagalog." Sabi ni kuya Adrien.
"I can't. My Tagalog is very bad, kuya." Maarteng sabi nito.
"Bakit nga pala kasama mo si Charlotte? Nagkita na kayo ng ate mo?" Tanong ni tito kay Ada.
"Ate Ady left early, and Charlotte wants to see me, so yeah." Sagot naman nito na may mga hand gestures pa.
She's really beautiful. Mas ikinaganda niya pa ang suot niyang off-shoulder top at pencil cut skirt tapos naka white shoes siya.
"Done checking me out?" Natatawang sabi ni Ada.
Hindi ko maiwasang yumuko sa hiya. Habit ko ba ang i-check silang magkapatid?
"Siguro pasok muna tayo sa office ko." Sabi ni tito.
Pumasok nga kami sa office niya at naupo sa harap ng lamesa niya. Magkatapat kami ngayon ni Ada habang si kuya Adrien ay karga si Charlotte at naglalaro sa may couch na hindi kalayuan sa amin.
"So, Jana.. to formally introduce to you... she's Ada Gaile Garcia, bunsong anak ko." Pormal na sabi ni tito.
Tumango lang ako rito dahil kanina pa ako naiirita sa kanya. Mula pa kanina ay nakaka ilang roll eyes na siya sakin. Dukutin ko mata nito e.
"And, anak.. Siya naman si Jana Sherry DelaCruz. Anak siya ni kumpadreng Jon. Siya yung magte-training sayo para maging bihasa ka sa business pati na rin siguro sa pagtatagalog." Natatawang sabi ni tito.
We gave each other our handshakes.
Walang hiya 'tong Ada na 'to. Madumi ba ako para mag hand sanitizer siya pagtapos namin mag handshake?!
"Kelan po ba kami mag i-start, tito ?" Tanong ko kay tito.
Naiirita na talaga ako sa babaeng ito. Kung hindi lang siya anak ni tito.. Hay naku! Mukhang hindi kami magkakasundo nito. Sana naman ay matagal pa kami---
"Bukas na bukas rin." Tito said with delight in his tone.
Pinapanalangin ko pa lang na sana ay matagal pa kami mag start, bukas na pala kaagad iyon. How nice is that?
Good luck, Jana Sherry!! God Bless you.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RastgeleIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...