Chapter 9

3K 96 7
                                        

JANA

Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong unang araw ni Ada sa training niya. Isang linggo na rin mula nung hinalikan niya ko sa pisngi.

Hindi 'yon maalis sa isip ko. Kasi nakakainis siya!! Bakit niya ba ginawa 'yon?! I mean, normal 'yon kung magkaibigan kami pero hindi naman e. She even called me Sherry 😑 She's really getting into my nerves.

Isang linggo na rin, walang araw na 'di kami nag away. At sa 'di ko malamang dahilan, tuwang tuwa si Tito Adrian 'pag ng aaway kami ng anak niyang pinaglihi sa kamalditahan.

Sunday ngayon at umuwi muna ako sa bahay namin. Kinuwento ko kay Papa ang lahat at sa tingin ko ay hindi maitatanggi na mag best friends nga sila ni tito.

"I'm glad to know that, anak. Mabuti naman at nakakapag get along kayo ni Ada." Ganiyan na ganiyan ang pagkakasabi niya with matching masayang masaya na tone.

Seriously, Papa?! Get along ba yung halos 24/7 yata kaming nag aaway. It would be better if I talk to Mama or Kuya instead. Nasaan ba kasi sila?

"Pa, where's mama?" Tanong ko kay Papa habang nililibot ang paningin ko sa bahay.

Tutok sa gadget si Papa, as usual. Workaholic kasi 'yan.

"Nasa kitchen yata si Mama mo, nagluluto. I-check mo na lang, anak. Busy ang Papa." Sabi niya na 'di man lang ako tinapunan ng tingin.

"Papa, today is Sunday. Magpahinga ka naman. Puro trabaho iniisip mo e." Sermon ko kay Papa.

"'Nak, 'di naman ito tungkol sa trabaho." Sabi nito.

Ipinakita niya sakin ang laptop niya. Naglalaro lang pala siya ng Candy Crush.

Napatango na lang ako at hinanap na si Mama.

"Mamaaaaaa!!!!" Sigaw ko ng tinamad akong isa-isahin ang parte ng bahay namin.

"Sherry, ngayon ka na nga lang pumasyal dito, nag iingay ka pa." Sabi ni Papa na mukhang narindi nga sa boses ko.

Pumunta na lang ako sa kitchen at tama nga si Papa, busy naman si Mama sa pagluluto.

"Mamsh.." walang gana kong tawag kay Mama.

"Yes, anak? Care to share?" Sabi ni Mama nang makalingon siya sa akin.

She's really my Mom. Hindi pa man ako nagsasabi, alam niya na agad na meron akong kailangan o gustong sabihin. Or is it way too obvious sa kilos ko? Pero kasi naman. Ewan ko ba, basta bwisit na bwisit ako sa babaeng iyon.

Kinuwento ko rin kay Mama ang lahat. Mukha namang nakikinig siya habang nagluluto.

"Sherry, anak. There's nothing wrong sa pag tawag niya sa'yo ng second name mo. Bakit ba big deal sa'yo yun?" Naka ngiting tanong ni Mama.

"E, Ma, kasi nga di'ba special yung name ko na 'yon. So, gusto ko sana mga special na tao lang tatawag sa'kin noon. Ikaw, si Papa, si Kuya, tsaka ..." Napahinto ako, nahihiya akong ituloy ang sasabihin ko.

"Tsaka?" Mas lalong lumawak ang ngiti ni Mom.

"Sa mapapang-asawa ko sana, Ma. She's not even a friend of mine. Kaya there's no way para tawagin niya akong ganoon." Inis na inis kong sabi.

Tumawa ng bahagya si Mama bago nagsalita.

"Alam mo anak, ganiyan na ganiyan ako sa Papa mo bago ko siya nagustuhan at minahal. Inis na inis ako sa kaniya to the point na isumpa ko na siya. At yung presence niya? Sobrang nakaka bwisit. Try to befriend her. Baka naman special talaga siya sa'yo." Mom said and winked after.

Seryoso ba si Mama sa sinasabi niya? Paano magiging special 'yon? Special child pwede pa.

"Aba, may boyfriend ka na babygirl?" Out of nowhere, sumulpot si Kuya at nag litanya.

"Kuya!! Wala noh, alam mo naman gusto ko muna grumaduate before that. And Mama, ano ba? She's a girl, so imposibleng magaya ako sa love story niyo ni Papa." Napa-irap kong saad.

"So what if she's a girl? Anak, kung 'yon ang sinasabi ng puso mo, 'yon dapat ang sundin mo. There's nothing wrong kapag nagmahal ka ng kapwa mo babae." Seryoso pero malambing na sabi ni Mama.

"Bunso, tama si Mama. Kung mahal mo na yang girlfri--" Pinutol ko ang sasabihin ni kuya, alam kong hindi ko 'yon magugustuhan e.

"Kuya, she is not my girlfriend and she's not going to be!! I'm not into girls at kung magkaroon man ako ng interest sa kapwa ko babae, hinding hindi sa kaniya because she is sooooo annoying." Hindi ko na mapigilan ang inis ko.

"'Wag magsasalita ng tapos, Sherry." Sabay na sabi ni Mama at Kuya.

Napa-sigh na lang ako. Hindi ba talaga nila ako kakampihan? Maski si Sha, mukhang mas close niya na nga si Ada kesa sakin.

*Ring .. ring*

Nanggigigil na talaga ako sa Garcia na yan!!

*Ring..ring*

Hinding-hindi ako maiinlove sa kaniya. Itaga niyo sa bato. No way. Not her. Sa kuya niya pwede pa pero hindi sa ka--

"Bunso yung phone mo kanina pa nagri-ring." Kalabit ni kuya sa'kin.

Sino naman ang tatawag sa oras na 'to? Ang aga aga pa e.

Muntik kong mabitawan ang phone ko nang makita na si Ada ang tumatawag.

Utang na loob naman. Sunday ngayon. Kahit ngayon lang pagpahingahin niya ako 😪

Mukhang labag naman sa gusto ko ang kinilos ng katawan ko. Na-slide ko ito to answer the call.

"Hello?" I uttered.

"Sher-- Jana... Come to my *cough* unit please.. I can't call my family.." She said and sounds like she's suffering from something.

"Ada, Sunday ngayon. Ano bang nangyari?" Naguguluhan kong tanong.

Bakit parang some part of me, nag aalala kay Ada?

"I'm.. sick *cough*.. I don't know what to do.." Mahinang sabi nito na halos 'di ko na marinig.

"Leave your door open. I'm coming."

Napa-sapo ako sa noo ko dahil sa nasabi ko. What the fudge did I just say?

I need to have a check-up. Magkaiba na talaga ang iniisip ko sa kinikilos ng katawan ko.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon