JANA
Bago siya nagsimula sa talagang speech niya, nag-acknowledge muna siya sa presence ng mga bisita, lalo na nung mga VIPs.
Habang nagsasalita siya, sigurado akong wala sa kaniya ang atensyon ng lahat. Pero lahat ng atensyon ko, nasa kaniya lang. Hehehe.
Masaya ko siyang pinapanood habang binabanggit niya ang speech niya. Nasa gilid lang kasi ako, malapit sa entry papuntang backstage.
Ang tagal namin nagkasama ni Ada bago siya biglang umalis. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito. Bagay na bagay sa kanya yung shape ng mukha niya.
Ang ganda ng mga mata niya, kulay hazelnut ito at mala-manika ang size. Mahahaba ang kanyang pilikmata. Hindi katangusan ang ilong niya pero bumagay sa hitsura niya. Yung mga pisngi niyang natural na mapupula. May katabaan ang pisngi niya pero isa iyon sa asset niya.
At syempre, yung mga labi niya na natural ang pagkapula, kahit hindi na siya mag lipstick ay okay lang. Hindi manipis, hindi makapal. Sakto lang ang hugis at sukat ng mga labi niya. Ang ganda pala talaga ni Ada, kung hindi lang talaga siya naging panget. Wahaha. Pero kidding aside, maganda talaga siya, inside and out.
"...and of course, to the people who helped me to made this celebration possible, thank you so much. TIPTOP Corporation has topped the board for so many years now. From the utility personnel, office clerks, managers, directors, board members, and the CEO. The Corporation wouldn't done that without great employees..."
Hindi ko mapigilang ngumiti nung usapang labi na. Naalala ko kasi yung paglapat ng mga iyon sa sarili kong labi. Ako lang ba? O para talagang ginawa ang mga labi namin para sa isa't isa. Nagbigay iyon ng matinding kuryente sa aking katawan, may kung anong naglilikot rin sa aking tiyan.
Wala akong balak tapusin ang panonood sa kaniya, sa mga ngiti niya habang nagsasalita siya, pero parang patapos na yung speech niya. Sa totoo lang, wala nga akong naintindihan kahit isa sa sinabi niya, english kasi. Charot. Di talaga ako nakikinig, pinapanood ko lang siya.
Nabalik ako sa katotohanan dahil sa kung anong ingay. Akala ko nagpapalakpakan na ang mga tao. Pagtingin ko sa crowd, may nagkakagulo na. Para bang natataranta sila at hindi alam kung anong gagawin. Puro sigaw at iyak ang maririnig. Bakas sa mga mukha nila ang takot.
Sa hindi ko malamang dahilan, si Ada ang una kong inalala. Binawi ko ang tingin mula sa mga tao at ipinukol sa podium kung nasaan siya. Pero natakot ako dahil wala na siya roon. Laking gulat ko ng makita siya sa harapan ko mismo. Para bang may hinaharangan siya.
Bigla na lang akong kinabahan ng may kakaibang tunog akong narinig.
~*~
ADA
This celebration is important for me. Ito kasi yung way para patunayan ko kay Dad na pwede na talaga akong pumalit sa kaniya. Kaya nga siguro binigay niya rin sakin ang event na 'to para pangunahan.
The preparation lasted for about three months. Hindi naman dahil sa nape-pressure ako kay Dad, pero alam ko na I need to take this seriously. Naging hands-on ako ng sobra, every detail yata rito ay alam ko.
Pero hindi lang naman ako ang naghirap to make this possible. Maraming kamay rin ang hiningian ko ng tulong kaya naging sobrang maganda yung kinalabasan.
Habang nasa intro na si Jana, kabado na ako. This time kasi, hindi na ako basta host lang. Oras na para i-share ko ang speech sa mga tao.
Hindi ako nagsulat ng speech, outline lang ang na-prepare ko. Ayoko kasing scripted ang mga sasabihin ko. Sinimulan ko sa acknowledgement sa mga bisita. Then I discussed the big project that will be launched right after the founding anniversary celebration.
Yung project talaga ang naging pinaka nahirap na part ng preparation sa gabing ito. Hindi lang kasi yung mismong event ang nabigay na task sa akin ni Dad. Tatlo kasi ang pangunahing dahilan ng gabing ito. The first one is the celebration for the company's anniversary. The second is my debut to the public as the heiress of the corporation. And the third is the big project.
Actually, kaming dalawa ni Jana ang napagbigyan ng task na ito. Ang TIPTOP kasi at ang firm ng family nila ang pinaka magbebenefit mula rito. It may look like a typical merging of business firms, but this time, global na ang ka-partner kaya tinawag na Big Project.
After talking about the project, sinimulan ko na ang pagpapasalamat sa mga tao na parte ng TIPTOP. Low-key kong pinapasalamatan si Jana behind my speech. Alam kong matalino siya kaya mapapansin niya yon kung nakikinig talaga siya.
Kahit nasa crowd ang tingin ko, yung attention ko naman ay naka-focus sa peripheral view ko. Mukha namang nakikinig talaga siya sa speech ko. May napansin akong kakaiba. White, blue, at yellow lang kasi ang kulay ng lights na nakasindi ngayon, sa After Party pa bubuksan ang red lighting. Pero may pulang ilaw na nakatapat kay Jana.
Ibinalik ko ang tingin sa crowd, sinubukan kong hanapin yung pinanggalingan ng red light. Pero madilim ang lugar at hirap rin ako pag madilim dahil may kalabuan na ang mata ko.
Bigla na lang akong kinabahan. Feeling ko, may mangyayaring hindi maganda.
And I guess, I'm right. Bigla na lang kasing nagkakagulo yung mga tao na nakapwesto sa gilid, malapit sa stage. I got really nervous when I saw a man holding a gun, nakatutok 'yon kay Jana.
Galing siguro sa baril ang red light na nakita ko. Hindi ko na natutukan ang speech ko. All I know is I need to protect Jana.
Puro sigaw at takot ang maririnig sa mga tao. May mga umiiyak na rin. Sobrang ingay ng mga tao.
Tumakbo agad ako papunta sa pwesto kung nasaan siya, nakaharap ako sa kaniya at tinapatan ko yung red light na nakatutok sa kaniya.
Narinig ko pang tinawag niya yung pangalan ko. But suddenly, everything went silent and black.
End
Charot.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...