JANA
Kasasakay lang namin sa sasakyan ni Ben. Si Sha ang nasa kabilang dako ni Ben habang ako ay sa likod.
Nang paandarin ni Ben ang makina ng kanyang sasakyan, kasabay naman nito ang pagri-ring ng phone ko.
Mr. Garcia calling ...
Nagtataka ko itong sinagot.
"Hello, sir? Napatawag po kayo?" Magalang kong tanong.
"Jana, how many times do I have to tell you? Tito na nga lang ang itawag mo sa akin." Maligalig niyang tugon.
Si Mr. Garcia-- or tito Adrian kasi ang may-ari ng TIPTOP Corp. Matalik na magkaibigan sila ni Papa kaya nga madali akong nakapasok sa kumpanyang ito.
"Uhh, okay. Yes po, tito." Naiilang kong tugon.
Tinatawag ko naman kasi siyang tito pero outside the company. Ayaw ko kasing mapag-isipan ng kung ano ng mga katrabaho ko.
"Anak, where are you? Dumiretso ka rito sa office ko. May importante akong ipapagawa sa'yo."
"As in now na po, tito ? May exam po kasi ako ngayon sa isang subject ko." Alanganin kong sagot.
"I cancelled all your school schedule for today. At pumayag naman yung prof. mo na bukas ka na lang mag take ng exam."
Si tito talaga. Ginamit nanaman ang power niya.
"Alright, tito. I'll go there right away."
Matapos kong sumagot ay nagpaalam na si tito at in-end ang call.
"Wait, guys. I need to go." Paalam ko kina Ben at Sha.
"Drop by ka na lang namin." Suggest ni Ben.
"No, I'll use my car na lang. Isa pa, out of way ang company papunta sa school. Male-late pa kayo." Sagot ko naman.
"Okay, then. Drive safely, babe." Malanding pag sang-ayon ni Ben.
Napa-roll eyes na lang ako bilang sagot.
Ben immediately stop the car. Buti na lamang at hindi pa kami nakakalabas ng parking lot.
I gave them my goodbye at lumabas na ng kotse ni Ben.
I'm pretty sure that Sha will thank God, tito Adrian, and me for this emergency.
Sha has a secret crush on Ben since we were, I think, twelve. I knew this even if she didn't tell it to me. Because, hey, we have been best friends since birth.
Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ayaw ko talagang payagan manligaw si Ben sa akin noon at kaya rin hindi ko siya sinasagot. Pero from the first place, hindi ko naman talaga trip si Ben. Ewan, he's just not my type.
Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at pinaandar na rin ito papunta sa kumpanya.
~*~
Sandaling minuto lang ay nasa kumpanya na ako.
Sumakay ako ng elevator para pumunta sa office ni tito.
When I got to his door, I saw him talking to someone over the phone.
Glass door kasi ang pintuan ng opisina niya.
I knocked three times, then Tito mouthed, "Come in." So I did.
He said goodbye roon sa kausap niya sa phone and faced me.
"So, Jana.. Glad you came." Bigla namang sumeryoso ang tono nito.
"Uhm, what is it po ba, tito?" Kinakabahan kong sagot.
"I have a special task for you." Ma-awtoridad niyang tugon.
"Kaya ko po kaya 'yan, tito?" Mas lalo akong naging kabado nung narinig ko yung "special."
"Of course, anak. Kaya nga ikaw yung napili ko para gawin ang trabahong ito."
I sighed. Sana nga kayanin ko.
"Alright, tito. Ano po ba iyon?"
"Remove your things from your cubicle. From now on, hindi ka na magtatrabaho rito sa kumpanya."
Wait, tama ba yung narinig ko? Is this his way of saying "you're fired"?
Wala akong maalala na may ginawa akong mali para tanggalin ako ni tito. Sa totoo lang ay isa ako sa pride ng kumpanya niya.
"But... why, tito ?" Naiiyak kong tanong.
"Gawin mo na ang pinapagawa ko, Ms. DelaCruz." Seryosong sabi nito.
Mapagbiro itong si tito Adrian pero wala akong makita kahit isang bakas na nagbibiro lang siya. Kaya wala na akong magagawa.
"Yes, sir." Tugon ko.
Wala na ba talaga akong trabaho? Ang pagtanggal kaya ng mga gamit ko sa cubicle yung sinasabi niyang special task? At ito rin yung dahilan kung bakit niya pina-cancel lahat ng school schedule ko? Para lang tanggalin ako sa trabaho?
Oh, tito. You must be kidding me.
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...