Chapter 20

2.5K 82 2
                                    

ADA

I was trying to open my door. Nagloko kasi ang electronic lock nito. Narinig kong bumukas ang pinto sa katabing unit ko. Nagkatinginan kami pero agad akong umiwas.

Umiwas ako kasi baka manghingi nanaman ako ng tulong. Pero hindi ko na dapat gawin 'yon. Lalo na sa kaniya.

Bago ko mabuksan ang pinto ko, nakatalikod na siya at papunta sa elevator. May dala siyang trolley. Teka, aalis siya? Saan siya pupunta? Hindi na ba siya rito titira? Paano na kam-- what ever.

Itatanong ko na lang kay Dad kung saan pupunta 'yang babae na 'yan. Malamang, alam ni Dad kung saan.

~*~

JANA

Hindi pa rin ako maka-get over na ikakasal na si kuya Josh. Gustong gusto ko tuloy malaman kung sino yung babaeng napikot niya.

Kidding aside, alam kong swerte rin naman kahit paano yung babae na papakasalan ni kuya. He's like Papa, hardworking at responsible.

Pagtapos namin kumain, pinagpahinga muna ako nila Mama. Tatawagin na lang daw nila ako pag kakain na ulit. How cute di'ba.

Inilibot ko ang tingin sa kwarto ko. Ganon pa rin, walang pinagbago. Parang yung kwarto ko sa condo, akong ako yung sinasalamin ng hitsura. Magustuhan kaya ni Ada kapag nakita-- Teka, bakit si Ada nanaman ba naiisip ko?

Kailangan ko nga pala makausap ang Dad niya para makapag file ng leave.

Tinawagan ko agad si tito. Agad naman nitong sinagot ang tawag.

"Hello, tito?"

".........."

"Tito? Are you there?"

May naririnig naman ako sa kabilang linya pero 'di ko masyadong maintindihan. Parang may kausap si tito.

"Uhm.. tito, tatawag na lang po ulit ak--"

"Sorry, anak. May kausap lang ako kanina. Bakit ka napatawag?" Biglang putol sakin nito.

"Ah.. tito... Ano po kasi.. uhm.. since marunong naman na po yung anak niyo sa paperworks.. baka po pwedeng mag file muna ako ng leave?" Nag aalangan kong tanong.

"Anong klaseng leave ba 'yan, anak?" Nagtataka naman nitong tanong.

"1 to 2 weeks po sa--"

"WHAT?! NO!!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Parang si Ad-- hay nako nevermind.

"May kausap pa po yata kayo, tito? Tatawag na lang po ulit ako."

"Wala naman, anak. Sige, go on. Ano na nga yung sinasabi mo?"

"1 to 2 weeks leave po sana yung hihingiin ko."

"Bakit naman masyadong matagal, Jana? Alam mo naman ikaw lang napagkakatiwalaan ko sa company." Malungkot na sabi ni tito.

"Nandyan naman po si.. s-si.. A-ad-- yung a-anak niyo." Ni-hindi ko kayang banggitin pangalan niya.

"Kahit na, anak. Kailangan ka pa rin niya." Mahinahong sabi nito.

Napalunok ako sa sinabi ni tito.

"Parang h-hindi naman na p-po, tito." Kinakabahan kong sagot.

"Pasensya ka na, Jana. Hindi ko kayang i-grant yung 2 weeks." Malungkot na sabi nito.

"Okay lang po tito, kahit 1 week na lang." Hopeful kong saad.

"Hindi rin pwede, sorry talaga. 5 days lang ang kaya kong ibigay sa'yo." Sagot ni tito.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon