Chapter 10

2.8K 108 2
                                    

JANA

Hindi ko na inisip yung inis ko kay Ada for the past week. May malasakit naman ako kaya tutulungan ko siya. Feeling ko, may kasalanan din ako kung bakit siya nagkasakit. Sa sobrang inis ko kasi sa kanya, tinatambakan ko siya ng trabaho. Baka dahil sa pagod kaya siya nagkasakit.

Nakakapagtaka naman at ako ang tinawagan niya. Bakit hindi yung family niya?

Siguro ang akala niya, nasa condo ako ngayon kaya ako na ang naisipan niyang tawagan.

Nagmadali na akong bumalik sa condo at pumanhik sa pinaka mataas na palapag. Halos hinarurot ko na nga ang kotse ko makapunta lang ng mas mabilis.

Gaya ng sinabi ko, iniwan nga ni Ada na bukas ang pintuan ng unit niya.

Pumasok ako at wala akong makita. Nakapatay ang mga ilaw. Wala akong naririnig na anumang ingay.

Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko para hanapin si Ada.

"Ada Gaile?" Katamtamang lakas ang pinakawalan ko para marinig sa buong unit niya.

Bigla naman akong nakarinig ng ungot sa dakong kaliwa ko. Agad ko itong tinapatan ng flashlight. Pintuan siguro ito papunta sa kwarto niya.

"Ada? Nandyan ka ba?" Saad ko habang patungo sa pintuan.

Naka-awang ng kaunti ang pinto at may maliit na liwanag na nagmumula sa loob.

"Come.. in." Matamlay na sabi ni Ada.

Tuluyan na akong pumasok. Madilim pa rin ang kabuuan ng kwarto at tanging maliit na lamp shade lang ang nagbibigay ng liwanag.

"Ada, nasaan ba yung switch ng ilaw rito sa kwarto mo?" Halos pabulong ko nang sabi.

"What? *cough* Make your voice louder." Nanginginig nitong tugon.

Aba talaga nga naman. May sakit na't lahat nagmamaldita pa rin. E kung 'di ko kaya siya alagaan?!

"Sabi ko, nasaan yung switch ng ilaw?" Pabalang kong tanong.

"Shhh. No shouting inside my room." Sabi nito.

Ay magaling. Sabi niya laksan ko boses ko tapos ngayon bawal daw sumigaw. Saan ako lulugar? Tsaka di naman ako sumigaw. Duh.

"Anak ng teteng naman, Ada. Bilis na, sabihin mo na kung nasaan ang switch. Paano kaya kita tutulungan kung wala akong makita? Baka nawalan ka na ng malay tapos hindi ko pa alam." Napairap ako kahit di namin makita ang isa't isa.

"You're so talkative. Tss. Clap your hands three times." Mahina nitong sambit.

Ano raw? Papalakpak ako? Bakit ko naman gagawin yun? Pinagtitripan lang yata ako ng babae na 'to.

"Wala kong panahon makipagbiruan, Ada. Nagpapahinga dapat ako. Nagmadali akong pumunta dito kasi naghihingalo ka na. Tapos pinagtitripan mo lang pala ako? Maghanap ka nga ng mapagti-tri----"

Naputol yung mahaba kong litanya nang matamlay siyang pumalakpak ng tatlong beses at nagbukas ang ilaw.

Ay. Wow. Amazing. Hehe. Kaya pala niya ako pinapa-clap.

"I won't call.. you if *cough* I can take care of myself." Mataray na sabi niya.

Alam niyo, siya lang talaga yung nangangatog na pero mataray pa rin.

Nang makita ko ng tuluyan si Ada, somehow naawa talaga ako. Balot na balot siya ng comforter niya at talagang nanginginig siya. Kita rin ang pamumutla at tamlay sa mukha niya.

"Nangangatog ka na sa lamig. Hindi mo man lang naisip i-off ang aircon. Stupid. Tss." Litanya ko habang kinuha ang remote ng AC at pinindot ang fan mode.

Nilapitan ko si Ada upang hipuan.... yung noo niya. Wag kayong ano. Di kami talo.

Masyado siyang mainit. Kailangan pagpawisan siya para bumaba yung lagnat niya.

"Kukuha lang ako ng lukewarm water and towel para punasan ka, okay?" Mahinahon kong sabi.

Tumango lang siya bilang tugon at pumunta na ako sa bathroom niya. Pinili kong maging mahinahon ngayon, may sakit naman siya e. Pagbigyan. Haha.

Nag mix ako ng hot and cold water para maging lukewarm. Kumuha rin ako ng maliit na towel mula sa cabinet na nandito sa CR.

Bumalik ako kay Ada na may dalang maliit na basin na naglalaman ng lukewarm water at nakababad dito ang bimpo.

"Ada, umayos ka ng higa. Pupunasan kita para bumaba yung temperature mo." Utos ko rito.

"You don't... have to. Just *cough* stay here and.. I'm fine." Matamlay niyang tugon.

Napaka tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to.

"Bakit ba kasi ako agad ang tinawagan mo at hindi ang pamilya mo?" Saad ko habang pinipiga ang towel.

"Wala silang lahat e." Napatingin ako kay Ada nang mag Tagalog siya.

Walang hiya, kaya naman pala niya mag Tagalog. Pabebe pa. Pero nakakatawa yung tono ng pagtatagalog niya. Pinigilan ko lang tumawa.

"Pupunasan na kita ha?" Sabi ko rito at inayos ang pagkakahiga niya.

Una kong pinunasan ang mukha niya hanggang sa leeg. 'Yon lang naman ang nakalabas sa comforter. Nang matapos ako sa bahaging iyon, nilabas niya yung dalawa niyang braso at iyon naman ang pinunasan ko.

"Mind if you sit down? Kailangan mong mapunasan ng mabuti." Sabi ko rito.

Dahan-dahan naman siyang umupo. Nakatakip pa rin siya ng comforter. Oo, Ada. Pano kita pupunasan kung ayaw mong tanggalin yang comforter? 😑

Ako na mismo ang nag alis ng comforter dahil wala yata siyang balak gawin 'yon. Pero dapat pala hindi ko na lang talaga ginawa.

"Why? Is it the first time you saw a naked person?" Natatawang tanong nito.

"Y-ye-- of course, not. It's f-fine with me. Parehas naman tayong b-babae." Nauutal kong sabi.

"If you say so." Mapang-asar nitong tugon.

"Kaya m-mo naman yata magpunas e." Iaabot ko na dapat sa kanya yung bimpo pero hinatak niya yung wrist ko at dinala ang kamay ko sa hubad niyang katawan.

Bakit biglang uminit ang paligid?!

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon