JANA
Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas dahil parang hinang-hina ako sa nangyari. Bwisit na Ada talaga 'to. Kung wala lang siyang sakit, binigwasan ko na siya.
Hindi ako maka-get over. Naiwan yata sa utak ko yung nakita ng virgin kong mga mata. Stupid, bakit kasi siya naka hubad? Kaya rin nilamig siya ng bongga e.
Pasalamat siya at dinamitan ko agad siya. Baka kung anong mangyari kung hubad pa rin si-- Damn, ano bang iniisip ko?
"DelaCruz!!" Sigaw ni Ada.
Napalingon ako sa kaniya baka kasi napano na siya. Pero pagkakita ko sa kaniya, naka kunot ang noo nito at magkasalubong pa ang kilay. Ano nanaman bang problema niya?
"Why are you shouting?" Walang emosyon kong tanong sa kanya.
"I've been calling you for the nth time, but it seems like you didn't hear even a single call because you're in deep thought.." Dire-diretso niyang litanya.
Napa-irap ako. Nang tumingin ulit ako sa kaniya, naka ngisi siya at nagtaas-baba ng kilay niya. May sakit ba talaga siya?
"Maybe... You're still thinking about my naked body." Mapang asar na sabi niya at nakuha pang mag wink.
Ang kapal din tal-- Ano raw? Iniisip ko yung hubad niyang katawan? Idiot, syempre nasa isip ko pa rin. Pero asa naman siyang aaminin ko 'yon.
"W-what? Hindi noh!! Teka, may sakit ka ba talaga? Tsaka, bakit ka nga pala sumisigaw?" I try hard para hindi mautal.
"I am really sick. I won't let you come here if this is nothing. I'm shouting because.." Parang nahiya siya dahil humina ang boses niya at yumuko pa siya.
"Because?" Nabitin kong tugon.
"I'm.. uhm.. I'm.. h-hungry." Nahihiya niyang tugon.
Ang cute mo sana Ada. Kung 'di ka lang panget.
"Bawal ang fast food so I'll cook for you." Ma-awtoridad kong sabi.
"But I want pizza." She said then pouted.
"No buts. I am your private doctor." I said smiling and tap her head before I leave her room and proceed to the kitchen.
Mas makakabuti talaga para sakin yung paglabas sa kwarto niya at paglutuan siya para malipat yung isip ko sa ibang bagay kaysa sa hubad niyang katawan.
Nang makarating ako sa kitchen, kinuha ko na agad lahat ng kailangan ko sa pagluluto pati na ingredients ng lulutuin ko. Good thing, mukhang hindi nauubusan ng pagkain dito sa kusina niya.
Chicken Carrot Soup ang napili kong lutuin. Tamang-tama ito sa mataas niyang temperature. Pagpapawisan siya at bababa ang fever niya.
Habang inaantay kong maluto yung soup, chineck ko si Ada. Tinanong ko kung may mga gamot ba siya dito sa bahay niya. Tumango lang siya dahil nanlalambot nanaman siya.
Ilang minuto lang ang lumipas at naluto na rin yung soup. Nagsalin na ako sa bowl, nag ready rin ako ng isang baso ng tubig at inilagay ang mga ito sa tray.
Pagpasok ko sa kwarto ni Ada, naka-idlip na pala siya. Nilapag ko yung tray sa side table at tinapik ang pisngi niya.
"Ada.." Pang gigising ko sa kanya.
Agad naman siyang nagising at nagkusot ng mata.
"What am I going to eat?" Tanong nito at ngumiti ng napaka tamis.
"You will take soup. Come on, umupo ka na at kakain na." Sabi ko at tinulungan siyang maka upo ng maayos.
Inilapit ko ang tray para makakain siya ng mabuti. Kukunin niya na yung spoon pero napansin ko yung panginginig niya kaya inunahan ko siya na kuhain 'yon. Nagtataka siyang tumingin sa'kin pero nginitian ko lang siya.
"Ako na. Nanginginig ka e." Natatawang saad ko.
Mukhang nahihiya pa si Ada pero wala na siyang nagawa pa. Ako ang nagsusubo sa kaniya ng pagkain, minsan ay nilalaro ko pa siya na parang baby para maging magana siya. Napapailing na lang siya at ngumingiti ng tipid.
"Very good naman si baby Ada. Oh drink na ikaw ng water. Tapos take mo na medicine mo ha?" Baby talk ko sa kaniya.
"I will never drink medicines." Masungit niyang sabi.
"Paano ka gagaling kung 'di ka iinom ng gamot ? Ang dami mong inaarte ha. Ako ang masusunod dito. Doktor mo ako." Sabi ko sa kanya habang naka crossed-arms.
Napakamot siya ng ulo at inabot ang baso ng tubig, nag take na rin siya ng gamot niya.
Ilang araw ko na ring nakakasama si Ada. Sa school, sa office, at dito sa condo, nagkikita kami palagi. Inis ako sa kaniya dahil sa taglay niyang kamalditahan. Ayoko nga siya maging kaibigan e. Ayoko sa kaniya. Sa ilang araw naming magkasama, ngayon lang 'to na malapitan kaming nag uusap. Si Ada, napaka tapang na babae sa labas. Pero sa napapansin ko, may ginintuang puso siya.
"Stop staring at ... me.." Ada said while bowing her head.
"I'm not staring at you." Kibit balikat kong sabi.
"You are. Stop doing that and your other stuffs. I might fall for you." Sabi niya habang nilalaro yung dulo ng unan niya.
Ano raw sabi niya?
BINABASA MO ANG
The Antagonist
RandomIs it even possible to fall in love with the antagonist of your life story? This is not a "the more you hate, the more you love" kind of story. Because from the very beginning, they loved each other but were afraid to admit it. Each tries to outmane...