Chapter 78 : The Fall of Royal Creation Pt. 3

309 15 7
                                    

Sa huling yugto nang laban ni Franzine at ng Royal Boss na si Sam. Makikita ang unti-unting pag-lamang ni Franzine sa kaniyang kalaban.

Sa tulong nang mas pinalakas na sandata ni Franzine. Madali niyang nadadaig ang katunggali. Bawat wasiwas nang kaniyang espada ay napapaatras ang royal boss.

Ramdam ni Sam ang kakaibang bigat nang espada sa tuwing tatama ito sa kaniyang sandata. Hindi niya mawari pero tila unti-unti siyang nanghihina sa bawat atakeng tinatanggap.

Dahil sa paglabas nang buong potensyal ng sandata ni Franzine. Hindi na ito narereset sa dating status at patuloy na lumalakas nang lumalakas lang sa bawat pagtama nito. Hinihigop din nang espada ang mana at enerhiya nang kung sino mang tamaan nito at ang enerhiyang nahihigop nito ay napupunta sa may hawak ng sandata.

Nagpatuloy pa ang palitan nila nang atake hanggang sa mapansin ni Franzine ang unti-unting pagbagal nang royal boss.

Umatras ang boss dahil hindi na niya matagalan ang mabigat na pakiramdam sa tuwing tatama ang espada, pero mabilis na nagdash si Franzine, hindi siya papayag na makapagpahinga ang kalaban.

Sa isang iglap ay matagumpay niyang natamaan ito at nabawasan muli ng HP.

Napaluhod ang boss matapos tamaan ng atake.

"H-humanda ka. M-magbabayad sa ginawa mo." Ani Sam. Ngunit mahahalata mo rito na paubos na ang kaniyang enerhiya.

Kahit paano ay nakakaramdam na rin ng pagod si Franzine sa tinagal nang kanilang paglalaban.

Sadyang wala yatang balak magpatalo ang Royal Boss kahit panga nanghihina na ito.

Kaya naman inipon na lahat ni Franzine ng enerhiyang mayroon siya at nahigop ng kaniyang sandata. Sa palagay niya ay sapat na ang naipon na damage upang tapusin ang kalaban.

Ginamit niya ang kaniyang skill na pangpalakas ng kaniyang critical.

Ang huling atakeng gagawin niya ay ang magdidikta sa kanilang laban. Oras na magawa pa rin mabuhay nang babaeng boss sa atakeng gagawin niya. Sigurado mawawalan na siya ng malay at ang boss  ang tatanghaling panalo.

Ginamit niya ang final skill na Seventh Sense.

Ang huling version nang kaniyang ultimate skill.

Ipinikit niya ang kaniyang mata at halos mag down to zero ang kaniyang HP. Pero kapalit naman nito ang damage at bilis na walang katumbas.

Hinanda na rin ni Sam ang sarili niya para sa huling atakeng gagawin niya. Inipon na niya ang lahat nang lakas na mayroon siya.

"Inaamin ko malakas ka nga talaga. Pero sisiguraduhin kong nasa akin pa rin ang tagumpay." Usal ni Sam.

Pumalibot sa buong katawan niya ang kakaibang aura. Tumawa pa ito ng malakas na para bang nawala na sa sarili.

"Heto na ang pinakamalakas kong atake. Siguradong dito mag-wawakas ka na!!!" Tumawa ulit ng malakas ang royal boss.

At sa isang saglit lang ay bumulusok siya patungo sa nakatayong katunggali.

Naramdaman naman ni Franzine ang pag galaw ng royal boss kaya sinabayan na niya ito. Walang muwang siyang sumugod at kusang gumalaw ang kaniyang katawan dahil sa naramdaman niyang paparating na banta ng panganib.

Nagtagpo ang dalawa sa gitna at magkasabay na iwinasiwas ng mabilis ang kanilang mga sandata.

Nilagpasan nila ang isat-isa.

Huminto sila at nagpalit ng lugar na kinatatayuan. Magkatalikod sila ngayon.

Ngumisi ang babaeng royal boss.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon