Chapter 46 : Ranz in Danger?

3.2K 156 64
                                    

-LIBERCUS SWAMP-


[ Yuna's point of view ]

Agad kong tinakbo ang kinaroroonan ng bunso kong kapatid na si Riyoko.

Ewan ko ba.

Ngunit sa mga sandaling 'to, ay tila sasabog sa saya ang aking puso habang tumatakbo ako palapit sa kanya.

Unti-unti nang nanggilid ang luha sa aking mga mata, at halos magkandarapa rin ako dahil sa sobrang pananabik sa aking kapatid.

"Riyoko..." Pigil luha kong sambit habang tumatakbo palapit sa kanya.

Siya nama'y nanatili lang na nakatayo, habang humahagulgol na parang isang bata. Sa tingin ko'y hindi rin siya makapaniwala sa nangyayari.

"Ate..." Lumuluha niyang wika.

Mas binilisan ko pa ang takbo...

At no'ng pulgada nalang ang layo ko sa kanya ay ibinukas ko ang aking mga braso.

At hinagkan siya ng mahigpit.

"Riyoko huhuhu. Salamat sa d'yos at buhay ka, huhuhu" Hindi ko na napigilan pa ang luhang kanina pang gustong kumawala sa aking mata.

Humagulgol ako habang yakap-yakap ang katawan ng mahal kong kapatid.

"Huhuhu. Ate Yuna, ikaw nga. Ate sorry" Umiiyak din niyang wika. Naramdaman kong niyakap din niya ako pabalik. "Sorry, pinaglaruan ko yung gamit mo huhuhu. Hi-hindi *sob* ko naman *sob* akalaing ganito pala ang mangyayari, kapag ginalaw ko 'yun huhuhu sorry ate Yuna." Dagdag pa niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at bahagyang pumantay sa kanya. Hawak ko siya sa magkabila niyang braso at tinitigan ko siya sa mata.

"Ano ka ba, wag ka nang magsorry. Ang mahalaga nakita na kita, nagkita na tayo huhuhu" Kalmado ngunit naluluha ko paring wika. Wala namang dahilan upang magalit ako sa kanya. Mas mahalaga parin sa akin yung nalaman kong buhay siya.

"Huhuhu. P-pero ate-"

"Shh...it's ok sis. Im not even mad at you" Pagputol ko sa dapat na sasabihin pa niya.

"S-Salamat ate. Huhuhu, ang akala ko magagalit ka sa akin" Pahikbi-hikbi niyang usal, tsaka siya muling yumakap sa akin.

Napangiti ako at niyakap ko rin siya pabalik. Namiss ko talaga ang kapatid kong 'to.

"Ang buong akala ko, hindi na kita makikita dito. Pero salamat sa d'yos at narito ka ngayon, yakap ko" Usal ko pa habang nanatiling nakayakap sa kanya.

"Huhuhu. Ako din ate, akala ko hindi na kita makikita ulit. Salamat kay lord at naririto ka" Umiiyak niyang sabi.

Nanatili lang kaming magkayakap sa loob ng halos tatlo, apat, lima? Ewan, hindi ko na alam kung ilang minuto kaming magkayakap. Halos hindi ko na nga namalayan na humupa narin pala ang pag-iyak ko dahil sa tagal naming yakap ang isa't-isa.

Basta ang alam ko lang, ayaw ko nang mawalay muli sa'kin ang kapatid ko...

"E-ehem, ehem" Boses ng isang babae 'yon. Nakuha ang atensyon ko dahil sa ginawa n'yang pekeng pag-ubo.

Naghiwalay kami ni Riyoko mula sa pagkakayakap at sabay na nilingon 'yung babae.

"So...siya pala 'yung kapatid mo Lily?" Wika ng isang babaeng may blonde red na kulay ng buhok. Siya yung nakita ko kanina. Maamo ang kanyang mukha at maganda rin ang hubog ng pangangatawan-sexy.

Maganda siya, and...

Her face reminds me of someone. Si Ranz. Yeah, they're somehow have a similar resemblance...

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon