Chapter 80 : Armageddon

65 3 1
                                    

[Third Person's POV]

Tuluyang nabalot ng puting liwanag ang silid na kanilang kinaroroonan hanggang sa nanumbalik ito sa dating itsura ng paligid.

Dahan-dahang iminulat ni Raven ang kanyang mga mata.

Sa harap niya ay tumambad ang Dark Queen, nanigas ito sa kinakatayuan habang naka postura pa na tila handa nang atakihin ang binata.

Nagulat pa si Raven dahil ang buong akala niya ay hindi tumalab ang bagay na hawak niya.

Ngunit, ilang sandali pa'y...

Makikita sa nakatayong babae ang tila unti-unting pagbabago ng kalagayan nito. Para yatang nagiging isang matigas na bato ito. Isang petrification effect.

Nagsimula itong gumapang mula sa kanyang paa patungong mukha hanggang sa tuluyan na itong naging estatwa.

Hindi naman makapaniwala si Taiyō sa kanyang nasaksihan. Ang pinaka malakas niyang nilikha ay tuluyang naging bato. Na detect ng Artifact na siya rin ang lumikha ang pandarayang ginawa niya sa Dark Queen boss. Kaya naman mabilis itong pinetrify ng device upang ma-immobilize ito.

Ngayong napigilan na ang Dark Queen at tuluyan na ring nalipol ang mga Royal Bosses. Wala nang ibang pagpipilian si Taiyō kung hindi ang umaksyon nang sarili niya.

"Hindi ito maaari..." Paulit-ulit niyang sambit habang nakayuko at tila ba malapit ng umiyak. Inuulit-ulit lamang niya ang mga katagang 'yon.

Maya-maya'y mula sa pag-iyak, napalitan  naman ito ng isang malakas na halakhak. Walang humpay na pagtawa. Mukhang nasiraan na talaga siya ng bait.

Hanggang sa huminto siya at tila nagdilim ang mukha ni Taiyō.

"Hindi pa tapos..." Aniya.

Tumawa siya ng mahina. "Humanda kayong lahat sa akin!" Tumawa muli siya ng malakas. "Hindi ako makakapayag na masira ang mundo ko!"

Ibinukas niya ang kanyang braso at mga palad. Lumiwanag ng kulay pula ang kanyang mata at tumingala siya sa ere.

"Armageddon..." Sambit niya.

    

Biglang lumindol sa buong Colosseum kung saan naroroon ang lahat ng manlalaro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biglang lumindol sa buong Colosseum kung saan naroroon ang lahat ng manlalaro.

"Anong nangyayari?" Tanong ng mga manlalaro mula sa iba't-ibang palapag.

Naalerto naman ang grupo nila Elijah mula sa palapag na kanilang kinaroroonan.

Mabilis na napadilat si Max at napatayo sa kanyang pagkakahiga. "Guys! Lumilindol ata!" Sigaw niya sa mga kasama.

Hindi siya pinansin ng mga kasama dahil mukhang alam naman ito ng lahat at tila siya lang ang huling nakaramdam.

"We need to get out of this building!" Sigaw naman ni Yuna.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon