Chapter 21 : Battle between members. BEGIN!

4.2K 186 7
                                    

Troy's POV
      
       
"Haha pasensya na bro, kasama talaga yung pausok sa plano eh" pang-aasar ko sa kaharap kong kalaban.
        
          
"Wag mo akong tawagin bro, di tayo close pre" sagot naman nya.
      
      
"Ok, edi wag mo rin akong tawagin pre. F*cktard!" mapang-asar na turan kong muli sa kanya.
     
     
"G*go! Lakas ng loob nyong labanan kami ng 1 on 1 ha. Humanda ka dahil sisiguraduhin kong mapapahiya ang guild nyo" galit na turan ni kupal.
      
         
       
Kasabay nun ay hinugot nya sa likod nya ang isang armalite. Haha army style ha. Siguro pangarap nitong maging sundalo.
              

          
Hindi ako nagpasindak at hinugot ko rin mula sa holster ko ang aking dual handgun.
            
         
"Dual handgun ha, nagpapatawa ka, sa tingin mo matatalo ako ng pipitsugin mong armas" pang iinsulto nya sa akin.
       
            
"Oo naman. Wanna bet?" Mapang hamon kong pang-aasar sa kanya.
          
            
           
"Wanna bet your ass, eto i-bet mo! kala-BET!" kasabay nun ay ang pagkalabit nya sa gatilyo ng armalite.
      
        
*Ratatatatatatatatat*
     
      
Agad akong na-alarma at nagside step ng paulit-ulit habang pinapaulanan nya ako ng bala.
       
       
Ano daw sabi ng taenang 'to? Kala-BET?? Ang corny! Pwe!!
     
        
*ratatatatatatat*
     
      
Side step lang ako ng side step hanggang sa makapagtago ako sa isang malaking puno.
     
       
     
Tss, malakas ang armas nya ha. Kailangan kong mag-ingat.
     
       
      
"Ano magtatago ka nalang ba dyan? Haha coward!" pang-aasar nya sa akin.
    
       
Tss, coward nya mukha nya.
      
          

Eto saluhin mo.
   
     
"Blind bu---"

Ha? Nasaan yun?
      
    
Natigilan ako sa pag atake dahil bigla syang nawala sa kinatatayuan nya.
        
               
             
Shit! hindi kaya?
       
            
       
"Pssst," mula sa likod ay isang tinig ang narinig kong tumawag sa akin. Agad akong lumingon sa kinaroroonan ng tinig.
       
            
"Booo!!!" Kasunod nun ay isang malakas na pwersa ang tumama sa pisnge ko. Parang isang suntok. Tumilapon ako ng bahagya dahil sa impact.
       
          
"Haha, masakit ba?" Nakangising wika sa akin ng kalaban ko. Sabay dila sa kaunting dugo sa naiwan sa kanyang kamao. Dito ko napansin na dumudugo pala ang ilong ko. Tumayo ako at pinunasan ito gamit ang braso ko.
         
            
Ramdam kong nabawasan ng bahagya ang HP ko.
  
     
Malakas ang physical ng isang ito dahil nagawa nya akong mabawasan gamit ang brute force. Nakapagtataka kung paano nya nagawa yun? At isa pa, mukhang na unlock na nya ang skill na yun.
    
        
"Haha nagtataka ka ba?" tanong nya.

      
        
Huh? Alam nyang nagtataka ako?
     
       
"Uhhh,, hehe medyo...parang masyadong malakas ang physical mo para sa isang striker." diretsahan kong sagot sa kanya. Baka sakaling sabihin nya kung paano nya ginawa yun.
       
          
"Haha, kawawa ka naman. Wala kang alam." pang-aasar nya. "Pasensya ka na pero hindi ko sasabihin sayo" sabay hugot ulit ng armalite nya sa likod at kasunod nun ay pinaulanan ulit nya ako ng bala.
       
         
*Ratatatatatat*

   
  
Muli akong nagside step hanggang makarating ulit sa isang puno at magtago dito.

     
        
"Haha Wala kang kwenta, puro tago" muli nyang pang-iinsulto sa akin.
     
       
Tsk! Paano ko kaya tatalunin ang hambog na ito.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon