Chapter 55 : Something's Fishy Ey?

2.8K 130 36
                                    

Yuna's POV

"A-aacckk! S-sumpain ka Yuna! A-aaacckk!" Napaluhod sa semento si Hell matapos kong i-activate ang nastack na poison sa kanya.

Halata sa itsura niya na unti-unti na siyang kinakapos sa hangin at hindi makahinga. Ilang sandali nalang at siguradong mawawalan na siya ng malay hanggang sa madrain-out ang HP niya.

"Hindi Hell. Sumpain kayo. Kayo ng mga kasama mo at lahat ng masasamang ginawa ninyo." May lamig sa boses ko habang sinasambit ko ang mga katagang 'yon. Tila ba wala akong maramdamang awa sa kanya habang pinapanood ko siyang unti-unting maubusan ng lakas.

Ewan ko ba, alam ko hindi tama ang nararamdaman ko. Ngunit hindi ko ito mapigilan dahil nadadala ako ng pagkamuhi at pagkasuklam ko sa kanya at sa mga kasamahan nya.

Tinitigan ko ng walang emosyon si Hell, at doon ko nakita ang madilim na reaksyon ng kanyang mukha, at bahagya ko itong ipinagtaka.

"S-sumpain k-kami!? B-bakit, a-ano bang mali sa ginagawa namin!? M-mali bang pangarapin namin ang mabuhay sa isang mundo, kung saan kami ang malakas!? Gayong sa mundong ating pinanggalingan ay puro panghuhusga at pangungutya ang lagi naming dinadanas. S-sabihin mo Y-yuna. M-MALI BANG IPAGLABAN NAMIN ANG ISANG BAGAY NA HINDI NAMIN NARARANASAN SA TUNAY NATING MUNDO!!?" Sigaw ng heneral na sadya kong ikinagulat. Ramdam na ramdam ko sa pananalita niya ang pagkamuhi at hinagpis sa tunay na mundo. "K-kayo!? A-ano bang ipinaglalaban n'yo!? K-kahit kailan, h-hindi nyo maiintindihan ang nararamdaman namin, d-dahil hindi nyo nararanasan ang mga mapapait na bagay na dinadanas namin sa tunay na mundo!!!" Saad pa nya, na lalo kong ikinagulat. Nagsimula ding pumatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Hindi ko akalaing may kinikimkim siyang ganitong bagay. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na ito. Mukhang bawat isa sa kanila ay biktima ng mapait na karanasan sa tunay naming mundo.

Kung gano'n hindi ko pala sila maaaring sisihin kung bakit nila ito ginagawa.

Subalit...

"Mali ka." Sambit ko.

"A-ano?" Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"Marahil may punto ang lahat ng ipinaglalaban ninyo. Ngunit hindi yun dahilan upang gawin nyo ang masasamang bagay tulad ng ginagawa nyo." Seryoso kong winika sa kanya habang bahagyang nakayuko. "May kilala ako. Isang taong hindi nalalayo sa inyo. Katulad nyo, nakakaranas din siya ng pang-aabuso sa tunay na mundo. Madalas siyang mabully sa skwela. Wala din siyang gaanong kaibigan, kaya madalas niya ginugugol ang oras niya sa paglalaro ng online games. Ngunit kahit gano'n, ni minsan, hindi niya kinamuhian ang tunay na mundo sa pagiging hindi patas nito. Nagagawa pa rin niyang ngumiti sa kabila ng mapapait na bagay na nararanasan niya. Kaya naman, mali ka nung sinabi mong hindi namin kayo naiintindihan." Mahabang saad ko pa.

"K-kalokohan." Tila naiinis naman niyang tugon.

"Hindi Hell, hindi ito kalokohan. You know what? Hindi pa huli ang lahat para magbago. Kung kailangan mo ng kaibigan sa tunay na mundo, naririto kami. Puwede mo kaming maging kaibigan kapag nakabalik na tayo. Dadamayan ka namin sa mga problema mo." Sinsero kong wika sa kanya. Ewan ko ba, pero may kung anong bagay ang nag-udyok sa akin upang sabihin 'yun. Sa kabila ng inis at pagkamuhi ko sa kanya.

Marahil ay nakaramdam na din ako ng awa, matapos kong marinig ang hinanakit niya sa tunay na mundo.

"K-kaibigan? N-nagpapatawa ka ba?" Namilog ang mata niya sa pagkabigla. Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Umiling-iling ako.

"Seryoso ako Hell. Maaari mo kaming maging kaibigan." Paninigurado ko sa kanya.

"K-kaibigan, k-kayo?" Tinanguan ko siya.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon