Chapter 54.1 : Stronger Together

2.5K 120 37
                                    

Yuna's POV:

Nagkatinginan kami ni Riyoko matapos magfighting stance ang mga kalaban namin. Sabay kaming nagtanguan, palatandaan na dapat nang isagawa ang planong napag-usapan namin nila Raven kanina.

Sabi ni Raven, we needed to fight them two on two, and we need to switch target too. Alam kasi niyang mas makakaya kong patamaan si Treboe, kaysa kay Riyoko.

Marahil gusto niyang talunin ko muna si Treboe bago si Hell, at yun muna ang gagawin namin ng kapatid ko. Riyoko will distract Hell while I'm taking down Treboe.

"Alright sis, on the count of three," Tumango ulit si Riyoko sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kanyang staff "One...two," Palihim akong kumuha ng smoke bomb sa item sheath na nasa aking likuran at inipit ito sa gitna ng aking daliri.

"Haaaa!!!" Sumugod naman ang dalawang heneral na animo'y mga torong manunuwag.

Ngunit bago pa nila magawang makalapit sa amin...

"Three!" Mabilis kong ipinukol sa sementadong sahig ang mga hawak kong bomba. Sumabog ito, at agad napuno ng usok ang espasyo sa pagitan namin ng mga heneral.

"Ngayon na Riyoko!" Agad na tumakbo si Riyoko papunta sa fairy niyang si Gelo. Kailangan muna niya kasi itong gamutin.

Ako naman ay nagback fade step ng ilang beses upang makagawa ng distansya. Nung makalayo ay agad akong umupo sa aking kanang binti at sumilip sa telescope ng aking rifle--umasinta ako sa loob ng usok.

Nakita kong  patuloy pa rin sa pagsugod ang dalawa at hindi na inalintana ang makapal na usok. Sinamantala ko ang pagkakataon at tinarget ko si Treboe.

Nung masiguradong tatamaan ko na siya ay agad kong kinalabit ang gatilyo ng aking baril.

"Poison Bullet..." Bang!

Ting! Tinamaan siya nito sa suot niyang armor.

"Isa," Nakita kong bahagya pa siyang nagulat dahil sa pagtama ng aking skill. Ngunit hindi na niya yun inalintana at nagpatuloy pa rin sa pagsugod.

"Bwisit kang babae ka! Humanda ka sa akin kapag nahuli kita!" Inis na bungad ng babaeng demonyita matapos maka alpas sa makapal na usok.

Cough! Cough! Uubo-ubo pa ito, habang ipinapaypay sa tapat ng ilong niya ang kanyang kamay.

Nagcharge siya patungo sa akin, habang si Treboe naman ay tinungo ang kinaroroonan ni Riyoko.

"Sorry, pero wala akong panahon sa 'yo." Wika ko sa aking sarili. Agad ulit akong kumuha ng smoke bomb sa aking item sheath at ihinagis ito sa kinaroroonan ni demonyita.

Boooosssh... Mabilis ulit siyang binalot ng makapal na usok at napaloob rito.

Kumilos naman akong muli at pumunta sa ibang pwesto. Nung makadistansya, agad akong umupo at sinipat muli sa telescope ng aking rifle ang lalaking heneral.

Nakita kong ilang metro na lang ang layo niya kay Riyoko, kaya agad ko siyang inasinta ng mabuti.

"I won't let you..." Nung malock down ko siya ay agad akong nagpakawala ng sunod-sunod na normal attack.

Bang! Bang! Bang!

Lahat ito'y direktang tumama sa kanya at nagtala ng 5% na damage sa kanyang HP. Malaking damage ang nagawa kong 'yon, para sa isang normal attack.

Mukhang tama ang sinabi ni Raven na mababa ang Defence at HP ng isang 'to.

Napahinto sa pagsugod kay Riyoko ang kalbong heneral at inis na napatingin sa akin.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon