VOL. 2 - Celestial War Online : The Darkest Days

3.7K 188 8
                                    

[ Prologue ]

Tatlong buwan ang nakalipas simula nang mangyari ang isang malagim na trahedya—isang trahedyang bumago sa buhay ng mga kabataang na trap sa mundo ng Celestial War Online.

Simula noong araw na 'yon maraming pagbabago na ang naganap: Nagsimula ito sa pagkawala ng mga patakaran at batas na syang bumabalanse sa mundong iyon—kung saan naging malaya ang kahit na sino na pumaslang at kumitil ng buhay ng kapwa nila manlalaro. At dahil doon ay maraming mga sakim at makasariling player ang sinamantala ang pagkakataong iyon. Ginamit nila ito upang pagsamantalahan ang kahinaan ng iba.

Tulad na lamang ng mga manlalaro mula sa matataas na guild. Noong araw ding 'yon ay nagsimulang maghasik ng kasamaan ang lima sa pinakamalalakas na guild sa mundo ng CWO. Ang Royal Warriors, Frixer, Greek Demon, Demon's Crow at Reapers. Pinaslang nila ang ilan sa mga guildmaster na may hawak na matataas na klase ng sandata at kinuha nila ang mga ito. Dahil doon ay natakot ang mga guild members nang ilang napaslang na guildmasters. Wala silang nagawa kung hindi ang isuko ang lahat ng mayroon sila—sandata, armor, items, zell at kung ano-ano pa, kapalit ang kanilang buhay.

Ngunit hindi naman lahat ng guild ay tuluyang nawala, dahil may ilang guildmasters kasama ang ilan nilang guild members ang nakapagtago pa.

Dahil doon ay naisipan ng limang guild ang magsanib-sanib ng pwersa at magkaisa sa iisang mithiin: 'yon ay ang ubusin ang lahat ng natitira pang guild at guildmasters. Tinawag nila ang samahan nila na EINST. Isa itong dark guild na layung pagharian ang mundo ng CWO at tapusin ang sinumang magtatangkang tapusin ang laro.

Kabi-kabila ang naging hakbang ng Einst upang matupad ang masama nilang balak. Isa-isa nilang hinunting ang mga natitirang guild—at dahil doon ay maraming mga guild members ang napaslang. Sa sobrang takot ng iba na matulad lang sila sa sinapit ng kanilang mga kasama, ay napagpasyahan nalang ng mga ito na talikuran ang dati nilang guild at umanib sa mga Einst. Kung saan ipinagkalulo nila ang kanilang mga guildmasters kapalit ng kanilang mga buhay.

Tatlong buwan ang lumipas at nawala na lahat ng mga dating guild at ang tanging natira na lamang ay ang Dark Guild na Einst. Hindi malinaw kung napaslang nilang lahat ang mga natitirang guildmasters, ngunit isa lang ang malinaw. At yun ay sila na ang naging pinakamalakas at pinaka kinatatakutang guild sa mundo ng CWO. Wala nang kahit sino pang nagtangkang tapusing ang laro. Karamihan sa mga manlalaro ay naging normal na mamamayan nalang ng CWO at tinanggap na hindi na sila makakalabas sa mundong iyon.

Kadiliman, kasakiman, kasamaan, kawalang pag-asa, takot at pangamba. Yan ang nananaig ngayon sa mundong ito. At tinawag ito ng karamihan na The Darkest Days of CWO.

Ngunit magkagayon man ay may ilan parin namang hindi nawawalan ng pag-asa. Na isang araw, may isang taong tatapos sa lahat ng kasamaang ito. Isang taong magsisilbing ilaw sa dumidilim na mundo ng CWO. At syang gagawa na paraan upang mailabas sila sa kanilang mundong kinasadlakan.

[ End of Prologue ]

Authors Note: Prologue po muna ha. Tinatapos ko pa yung first chapter ng VOL.2 eh. Baka bukas ko na I-publish or sa saturday yung Chapter 26. Basta oras na matapos publish ko po agad. Excited na ako eh. Pero bago yun. Pa vote at comment muna dyan. Pampagana lang. ^_^

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon