Third Person's POV
[ YUNA, RANZ, LILY & MAX VERSUS LUKH & IKAAPAT ]
"Kuya Max!" Tumilapon ng may ilang metro si Max matapos bigyan ng isang malakas na suntok nang kaniyang kalaban.
Kung pagbabasehan ang physical at purong lakas. Walang panama kahit ang matigas na depensa ni Max laban sa Royal Boss na ito. Animo'y isa itong maso sa lakas sumuntok at halos sintigas ng bakal ang katawan niya kaya balewala ang mga physical na atake ni Max.
May ilang minuto na rin ang nakalipas simula ng nag-umpisa ang kanilang laban. Ngunit ni isang porsyentong damage ay wala man lang silang nagagawa.
Kahit ilan na silang nagtutulong ay tila balewala lamang sa boss. Nauubos lang ang kanilang stamina at mana habang tumatagal. Tuloy ay tila nawawalan sila ng pag-asa.
"Kuya Max, ayos ka lang ba?" Tanong ni Lily mula sa hindi kalayuan.
Bumangon naman si Max mula sa pagkakasalampak dahil sa lakas ng sinalo niyang atake. "Ayos lang ako Lily. Kailangan ko lang ng kaunting heal." Sagot naman ni Max.
"Ah, oo, sige." Mabilis na gumamit ng healing skill si Lily kaya nanumbalik ang HP ni Max.
"Salamat." Anito.
Walang kaabog-abog na umatake muli si Max sa Royal Boss. Ginamitan niya ito ng isang spearlance. Bawat atakeng gawin niya ay sinasangga lamang ng boss gamit ng kanyang dambuhalang braso. Ni isang atake ay walang lumulusot sa depensa nito.
"Balewala talaga ang atake ni Max. Kailangan ko muling subukan."
Muling naglabas ng apoy na skill si Ranz sa kaniyang dalawang kamay.
Agad na nakuha noon ang atensyon ng Royal Boss. Pansamantala itong gumawa ng isang malakas na atake upang patalsikin muli si Max. Tumilapon si Max sa malayo dahil sa ginawa ng boss.
Agad naman bumaling ang atensiyon ng boss kay Ranz at tila ba handa ng salagin ulit ang skill na ibabato ng binatilyo.
Bagay na kanina pa napapansin ni Ranz sa Royal boss na ito.
Napansin niyang tila mabilis mabahala ang Royal Boss sa tuwing gagamit siya ng Magic Skills. Mabilis nitong ina-activate ang skill na Magic Absorber upang ma-nulliffy and damage ng kaniyang atake.
Tila nagkaroon tuloy ng kutob si Ranz na baka mahina ang magic defense ng boss na ito kaya ganun na lamang ang pagkabahala nito ng sobra sa tuwing gagamit siya ng magic skills.
Ihinagis muli ni Ranz ang kaniyang dalawang bolang apoy.
At gaya ng inaasahan, gumamit nga ito ng skill na magic absorber. Kaya nabalewala muli ang atake ni Ranz.
Ngunit dahil din doon ay unti-unting nabubuo ang isang teorya sa kaniyang isipan. . .
Samantala,
Patuloy naman ang ginagawang pakikipaglaban ng warwolf form ni Gelo sa babaeng royal boss. Si Yuna ay pansamantalang dumistansiya upang maghanap ng magandang puwesto. Mabuti nalang at may mga rock formations sa palapag na ito na puwede niyang pagtaguan.
Hindi kasi biro ang taglay na bilis ng babaeng boss at mabilis siyang nasusundan nito kung saan siya magpunta. Tila siya talaga ang pinupuntirya nito dahil alam nitong mahina ang kaniyang physical na pangdepensa.
Mabuti nalang at nagagamit niya ang kaniyang smoke bomb upang makatakas sa boss. Mabilis ding rumeresponde ang warwolf na si Gelo upang makuha ang atensiyon ng babaeng royal boss at malihis ito kay Yuna.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...