[ Ranz point of view ]
May ilang oras din kaming naglakad bago makarating sa mataas na bahagi nitong bundok.
Konti nalang at malapit na kami sa tuktok.
Ngunit,
"Mukhang marami sila ah?" Si Nizu yun.
Napahinto kami sa paglalakad ng nagsilabasan mula sa likod ng mga puno, ang nasa mahigit tatlumpung player. Lahat pawang mga naka full battle gear at mukhang handang makipaglaban.
Pinalibutan nila kami.
"Haha sabi ko naman sa inyo eh. Hindi n'yo alam ang pinapasok ninyo." Nakangising sabi nung bihag naming bandido.
"P-p'wede ba tumahimik ka nalang!" Pasigaw na utos naman ni Max dito. Ngunit lalo lang lumapad ang ngisi ng bandido.
"Yari na kayo" May pagbabantang sagot pa nito.
"Talaga ba? Haha" Di papasindak na tugon naman ni Death. "Eh mukhang mahihina naman sila eh. Sa tantya ko nasa level 35 to 36 lang ang bawat isa sa mga yan. haha" Natatawang saad pa nya.
"Haha eh ano? Marami parin sila para sa inyo." Pagyayabang pa nung bandido.
Ngumisi lang ng matipid si Death at tsaka lumingon kay Max.
"Maxie boy, kaya mo na yan mag-isa" Usal niya.
Halata ang pagkagulat sa reaksyon ng mukha ni Max.
"H-ha? A-akong mag-isa?" Natarantang tanong nito habang nakaturo pa sa kanyang sarili.
Tumango lang si Death bilang tugon.
"T-teka, p'pwede bang magpatulong kahit kay Yuna lang?" Naduduwag na sabi ni Max.
Tch! Ang hina at ang duwag talaga ng isang 'to. Puro salita.
Kung tutuusin kaya naman talaga nyang mag-isa ang mga yan. Baka nga hindi pa sya mabawasan sa tibay ng armor nya. *Sigh*
Konting utak lang ang kailangan at saglit lang sa kanya ang mga yan. Pero dahil nga walang utak ang isang 'to. Eh walang magagawa.
Mabuti pa...
"Ako nalang" Kalmado kong pagpepresinta.
Agad namang napalingon sa akin ang lahat.
"Oh ayun pala eh. Si Ranz nalang. Mamaya nalang ako sa rambulan" Wika ni Max na animo'y nakahinga ng maluwag.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan.
Bago magsalitang muli si Nizu.
"Sige, ikaw nalang Ranz. Mabuti kung tapusin natin sila agad para hindi masayang ang oras natin dito." Wika nya.
Wala akong itinugon na kahit ano at naglakad ako paabante. Nagpapahiwatig na ako ang makikipaglaban sa kanila.
"T-teka? Nasisiraan na ba kayo? Gusto nyo bang mamatay ang kasamahan ninyo?" Narinig kong usal nung bandidong bihag namin.
"Manood ka lang" Sagot ni Death.
Hindi na nagsalita yung bandido at nanahimik na lamang.
Agad akong tumayo sa pinaka gitna ng lugar na pinalibutan ng mga bandido.
Huminga ako ng malalim at marahang ipinikit ang aking mga mata.
"Hoy pulang buhok!? Wag mong sabihing ikaw lang ang lalaban sa amin?" Narinig kong wika nung isa sa mga bandido sa hindi kalayuan.
Dahan-dahan akong dumilat at lumingon sa kinaroroonan nito.
Isang lalaking may hawak na malaking palakol. Nakasampay ito sa balikat n'ya.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Ciencia FicciónHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...