Chapter 70: "Let the Massacre Begin!"

304 22 5
                                    

Raven's POV:

Mula sa ibaba ay matatanaw ang maraming manlalaro sa gitna ng Adelbard Town. Ang lugar kung saan nagtitipon tipon tuwing may event. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Ewan ko ba, alam ko matagal na akong naka moved on sa pangyayaring naganap tatlong buwan na ang nakalipas. Ngunit hindi ko parin maiwasan makaramdam ng kaba dahil sa takot na baka maulit 'yon dahil sa nalalapit na kaganapang ito.

Tsk! Ano ba Raven? Hindi ito ang oras para maduwag!  Pilit kong kinalma ang kabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Ngunit dahil dito ay nakuha ko ang atensyon niya. Si Yuna.

"Okay ka lang, Raven?" Aniya habang walang emosyong nakatingin din sa ibaba. Tumingin ako sa kanya at tumango ngunit mula sa kanyang peripheral vision niya lamang ako sinulyapan.

"Ok lang ako." Maikli kong tugon.

"Mabuti. Walang puwang ang maging duwag ngayon." Cold niyang tugon. 

Ewan ko ba pero pakiramdam ko sa nakalipas na tatlong araw ay bahagyang nag-iba pakikitungo niya sa akin. Parang bumalik 'yung pagiging medyo suplada at masungit niya. Siguro nainis siya dahil iniisip niyang nag-aalinlangan ako sa pagtapos ng larong ito dahil sa inamin ko sa kanya noong gabing 'yon.

Hindi naman ito gaanong napapansin ng mga kasama namin dahil hindi naman talaga kami ganun ka-close ni Yuna. Nito ko nalang talaga siya medyo nakikilala.

Siya 'yung klase ng taong concern, pero at the same time straightforward. Alam mo 'yun, although concern siya sa nararamdaman mo...hindi niya papagaanin 'yon sa pamamagitan nang kalokohang payo. Sasabihin niya talaga kung ano ang sa tingin niyang tama kahit makasakit siya ng damdamin.

Tsaka siya din pala 'yung tipong ayaw ng hindrance sa mga plano. Aminado siya don dahil pinagdiinan niya 'yon kanina sa pagpupulong namin bago kami pumunta dito. Marahil galit nga siya dahil iniisip niyang baka mabulilyaso ang plano namin dahil sa akin.

Siya muna ang nagtake lead sa grupo namin dahil hindi ko rin alam kung ano sasabihin sa mga kasama ko. Nagpapasalamat nadin ako sa kanya dahil siya ang nagboboost ngayon sa grupo namin para tumaas ang morale. Hindi masyadong napapansin ng mga kasama ko ang pagiging medyo balisa ko dahil sa tulong ni Yuna. Ewan ko lang pala kay Elijah. Alam ko pansin niya 'yon pero hindi niya lang ako tinatanong.
   

***

"Raven, mabuti at dumating kayo." Ani Ryubii noong makarating kami sa puwesto nila. Inabot niya ang kamay niya sa akin, tinanggap ko naman ito bilang respeto.

"Nangako ako kaibigan, hindi ko puwedeng baliin 'yon." Nakingiti kong sagot at nakipagkamay.

"Salamat kaibigan." Tugon niya.

"Siya nga pala. Narito ang mga kasamahan ko." Pagpapakilala ko sa mga tao sa aking likuran. "Malalakas na player ang mga 'yan at nasisigurado kong napakalaki ng maitutulong nila sa event na ito. Baka nga isa sa kanila ang tumapos ng laro at hindi ako."

Pagkasabi ko non ay tila ba naging awkward ang lahat.

Noon ko lang napagtanto na medyo nagkamali ako sa nasabi ko. Palagay ko kasi ganun kalaki ang tiwala nilang lahat sa akin at dahil sa sinabi ko, naramdaman siguro nilang hindi buo ang kumpiyansa ko sa plano naming ito. Baka bumaba ang morale nila at mawalan ng pag-asa.

"Ehem..." Ani Yuna. "Huwag ka ngang magbiro, Raven. Alam naman namin lahat nagpapahumble ka lang. Ikaw parin ang nakikita naming tatapos nito." Pagpapatuloy niya. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya o lalong ma pepressure dahil sa sinabi niya.

"H-haha. Aba syempre! Sinabi ko lang 'yon dahil alam kong magkaka pareho na ang level natin sa lakas. Pero pagdating sa diskarte sa pakikipag laban, ako padin." Pagmamayabang ko habang nakataas pa ang braso, para kahit paano'y mawala ang pagdududa nila.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon