Chapter 25 : Tragedy

4.4K 165 5
                                    

(A few minutes ago)

Steve POV

"Tch! Wala akong pake sa pinagsasasabi mo. Alam ko kami ang mananalo" mariin kong tugon matapos nyang ipakita sa akin yung hawak nya na baraha. Yung joker. Binitawan nya yun at pailing-iling na bumaba mula dun sa malaking bato.

"Ganun ba talaga kalaki ang tiwala mo sa kanya?" tanong nya habang marahang pumupulot ng isang piraso ng baraha sa lupa. Ano daw? Medyo hindi nagsink-in agad sa utak ko yung sinabi nya. Kaya minabuti kong linawin ito.

"Anong sinasabi mo? Sinong kanya?" inosente kong tanong. Nag smirk sya.

"Playing innocent huh—Kilala mo ang tinutukoy ko" nakangisi nyang tugon sabay flip ng dinampot nyang baraha—sakto upang makita ko ang nakalagay dito. 'Ace of Heart' Hmm—teka, si Raven kaya ang tinutukoy nya? Minabuti ko nang tanungin kung si Raven nga.

"Si Raven ba?" seryoso kong tanong. Marahan lang syang tumango. Kung ganun ay si Raven nga. "Hehe mukhang interesado ka rin sa personalidad nya, tama ba?" nakangisi kong  tanong, ngunit hindi naman siya nagbigay ng reaksyon o opinyon. Suminghal nalang ako at muling nagsalita "Well, ang sagot sa tanong mo kanina ay OO. Ganun talaga kalaki ang tiwala ko sa kanya. Simula nung una ko palang makita si Raven. Alam kong may kakaiba sa kanya, alam kong may ESPESYAL sa kanya. Kaya nung mga oras na nakausap ko sya ay hindi ako nagdalawang isip na i-recruit sya, dahil alam kong malaki ang maitutulong nya sa guild namin at hindi nga ako nagkamali dun" mahabang dagdag ko pa.

"At inaasahan nyong mailalabas nya kayo sa loob ng larong ito? Pfft!" tanong nya na tila nagpipigil ng tawa. Medyo nainis ako dun sa part na nagpigil sya ng tawa. Pero pinilit kong ikalma ang sarili ko.

"Oo tama yun. Alam kong sya ang maglalabas sa amin dito sa loob" seryoso kong tugon. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin, ngunit agad din itong nabasag ng ngumisi sya ng nakakaloko at nagsalita.

"Very well, kung ganon humanda na kayong mamatay—ng habang buhay! HAHAHA" nakakaloko nyang usal at sinundan pa ng nakakalokong halakhak. Mamatay? Habang buhay? Ha! Nagpapatawa ba sya? Alam naman naming hindi ka pu-pwedeng mamatay sa loob ng larong ito. Dahil maging 0% man ang HP bar mo ay magrerespawn kapa rin sa huling village or town na binisita mo. Kaya anong pinagsasasabi ng baliw na 'to? Bigla naman syang huminto sa paghalakhak at tumingin sa direksyon ng kasamahan nyang healer na kanina pa nakaupo lamang at nanunuod ng laban.

"Alice—iwanan mo na ako dito. Kaya ko na tong mag-isa" utos nya dun sa kasamahan nya. Tumango lang ito at tumayo mula sa kinauupuan nya. Tapos ay marahan itong naglakad palayo.

Tch!

"Linea, ikaw d—"

"NO!!!" hindi na ako pinatapos ni Linea dahil isang nakakabinging no agad ang isinagot nya. Nangimi ang tenga ko sa lakas ng sigaw nya. "Hindi kita iiwang mag-isa dito Steve. Alam mo yan" seryoso at makahulugan pa nyang turan. Hay nako. Ang babae talagang ito. Sobra kung mag-alala.

"Oh sya sige, hindi naman kita mapipilit—kaya panuorin mo na lang kung paano ko talunin ang kalaban" nakangisi ko turan. Nginitian naman nya ako bilang tugon.

"Oh c'mon, ako—tatalunin mo? Pfft! Wag mo nga akong patawanin." sabat naman nung isa sa usapan namin. This one is getting into my nerve. Myghad! Nilingon ko sya at nginisihan. Bigla namang nagseryoso ang mukha nya, at nag-iba din ang ambiance sa paligid. Tila isang matinding sagupaan ang nagbabadyang maganap. Kasabay ng paghangin sa paligid ay dahan-dahan kong itinaas ang aking espada gamit ang aking dalawang kamay. Nag fighting stance ako habang matamang pinagmamasdan ang kanyang galaw.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon