Raven's POV:
"Bakit nakatayo ka lang dyan, ha Raven?" Usisa ni Fifth. "Hindi mo ba ako susugurin?" Saad pa niya habang nakabukas palad at tila naghihintay na sugurin ko siya.
Hindi ako sumagot at nanatili lamang na nakatingin sa kanya. Anu pang magagawa ko? Siguradong hindi ko naman siya masasabayan sa bilis. Magpapagod lang ako kapag sinugod ko siya.
Ngunit, hindi rin naman ako puwedeng tumunganga nalang at walang gawin.
"Kung hindi ka aatake..." Itinaas muli ng halimaw ang buntot niya at itunutok sa akin. "Ako nalang ang aatake sa iyo, gamit ito."
Mukhang alam ko na ang gagawin niya. Acid bullets na naman!
Sunod-sunod ang lumabas na likidong lason sa buntot niya. Iniwasan ko ang mga ito.
Ngunit, dahil sa walang tigil niyang pag-atake at dahil hindi narin ako ganun kabilis kumilos. Hindi naiwasang tamaan ako ng ilan sa mga 'yon. Dahil do'n, nalusaw maging ang matibay kong baluti. Bawat parteng tinamaan ng asido ay nagkaroon ng butas. Nabawasan din ako ng HP dahil sa damage na natanggap ko. Nasa 70% nalang ang HP ko.
Problema talaga yung asidong pinapakawalan niya. Sobrang delikado!
Kung mapuputol ko lang sana kahit buntot niya at mapapatigil ko ng acid skill niya. Baka sakaling kayanin ko siya sa mano-manong labanan.
Ngunit mukhang mahihirapan ako. Bukod sa mabilis siyang kumilos, sobrang tigas pa ng buntot niya. Langya talaga!
Third Person's POV
Samantala, habang patuloy nagaganap ang mainit na laban sa pagitan ni Fifth at Raven.
Isa-isa nang nagtungo sa kinaroroonan niya ang kanyang mga kaibigan na tumakas mula sa kalaban nilang royal bosses.
Ilang sandali nalang at malapit nang magkita-kita ang magkakaibigan sa pinakagitnang bahagi ng Adelbard Center...
Max POV:
Walanjo naman talaga, oo!
Kailan ba ako balak tigilan ng lintik na mga ito? Kanina pa ako takbo ng takbo habang hawak-hawak ang Red Buster Blade ni General Hell, at walang tigil na hinahabol ng dalawa kong kaguild. Jusko! Magkakampi naman kami, pero bakit nila ako ginaganito?
Why? Oh, why?
Matapos ang lahat ng pinagsamahan namin?
Matapos ang ilang buwan ng kasiyahan?
Matapos ang-
"Ay, ay, pota!" Naputol ang pagdadrama ko sa aking isipan, matapos akong muntikan ng matalisod.
Jusko namang semento 'yun! Panira ng moment...
Pero di bale, kailangan ko ng dalhin 'to sa Adelbard center, gaya ng sinabi ni miss Glimpse.
Tagaktak na ang pawis ko pagtakbo at parang malapit na akong hapuin. Jusmiyo, malayo pa ba? Hingal na hingal na ako.
Pakiramdam ko ay naging mala adonis na ang katawan ko, dahil sa dami ng pawis na lumabas dito. Parang ang payat ko na ata ah?
"Hoy taba!!! Tumigil ka!!!" Para akong hinulugan ng hollowblocks sa ulo dahil sa narinig kong sinigaw ng isa kong kaguild. Nagising ako sa katotohanan!
Huhuhu. Mataba pa rin pala ako.
"Heh! Bwisit ka! Matapos mo akong tawaging taba! Hindi na tayo friends!" Sigaw ko at patuloy na tumakbo.
Ilang sandali pa'y nakikita ko na ang Adelbard Center at kung gaano na ito kagulo. Parang dinaanan ng bagyo!
Hindi lang 'yon, meron din naglalaban-laban. Players vs. Players.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...