[ Third person's point of view ]
"Ano mga weaklings? Handa na ba kayong mamatay?" Nakangising tanong ni Mikel sa grupo ni Elijah habang pinapaikot sa daliri niya yung hawak na baril.
Sa kabila no'n
Matatalim at nanlilisik na tingin lang ang makikita sa grupo, na tila ba hindi nasisindak sa sinabi ng heneral.
"Oh, bakit ang tatahimik n'yo?" Nanunuring tanong pa ng heneral.
"Pasensya na, pero wala kaming balak mamatay dito" Seryosong sabi naman ni Elijah.
Nakangising nagkatinginan ang mga heneral, na tila ba binubuska ang sinabing 'yon ni Eli.
"Alam n'yo, puro kayo satsat eh. Bakit hindi nalang natin simula ng magkaalaman?" May pang-aasar na saad naman ni Franzine.
Biglang naging seryoso ang mukha ng mga heneral at muling nagsalita si Mikel.
"Kung 'yun ang gusto n'yo. Mga kasama, simulan na natin ang kasiyahan" Isa-isa niyang tinignan ang mga kasamang heneral, bago muling humarap sa grupo ni Elijah. "Patayin silang lahat, at walang ititirang buhay!"
[ Elijah's point of view ]Naganap na nga ang laban sa pagitan namin at ng mga heneral na Einst.
Nagsimula ito sa paghahagis sa amin ng isang itim na bolang apoy nung Dark Sorcerer na heneral.
Boooggsh!
Mabuti nalang at nakalayo kami agad sa lugar na kinatatayuan namin kanina, kaya sa semento tumama yung itim na bolang apoy.
Napuno pa ng usok ang lugar na 'yon dahil sa pagsabog.
Pansamantala kaming nagkahiwa-hiwalay, at nakita kong sinundan ang bawat isa sa mga kasama ko, ng mga heneral.
Mukhang pinag-usapan nila kung sino ang magiging target nila sa amin.
Sino kayang makakalaban ko?
Nabaling ang atensyon ko sa kinaroroonan namin kanina. Puno parin ng usok ang lugar dala ng pagsabog.
Ilang sandali pa...
Mula sa usok ay lumabas ang napakaraming itim na bolang apoy, at bumubulusok akong tinungo nito.
Agad naman akong nagcast ng skill gamit ang aking isipan. Ginamit ko ang Aerial Walk. Isang skill na kayang gawing parang hangin ang katawan mo, dahil sa sobrang taas ng agility na bigay nito.
Ito ang upgraded version ng Wind Walk, kung saan wala nang time limit. Maari mo kasing magamit ang Aerial Walk hanggang may mana ka.
Ok, enough of explanation.
Agad kong naiwasan ang sangkatutak na bolang apoy ng walang kahirap-hirap.
At habang umiiwas ako, hinanap ko yung taong umatake sa akin.
Hanggang sa makita kong yung Dark Sorcerer.
Tch! Sabi na eh, siya lang naman pwedeng gumawa no'n. Kung gano'n, siya pala ang lalabanan ko...
Agad kong tinakbo ang kinaroroonan niya ng sobrang bilis.
Ilang sandali pa'y, nasa harap na niya ako. Halatang nagulat pa siya ng bigla akong bumungad sa harapan niya habang nakatutok ang aking baril. Ngunit, mabilis din siyang ngumisi na bigla kong ikinabahala.
May binabalak siyang gawin. Shit!
"Terra Spike!" Mula sa semento ay lumabas ang napakaraming patusok-tusok na lupa.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...