Chapter 61 : Gamers Comeback

1.7K 83 11
                                    

Raven's POV:

Nung masiguro kong nasa malayong distansya na silang tatlo. Agad kong kinausap ang aking kalaban, na mukhang kanina pa nakatayo sa aking likuran.

"Bakit hindi ka sumugod?" Nakatalikod kong tanong sa kanya. Ramdam ko kasing kanina pa siya doon. Ngunit hindi man lang siya gumawa ng kahit anong hakbang laban sa akin. Humarap ako at tinignan ang kanyang reaksyon. "Natatakot ka ba?" Maangas kong tanong sa halimaw.

Nag grind siya ng ngipin nung sinabi ko 'yun. Mukhang nainis yata...

Bumalik sa pagiging seryoso ang kanina'y tila kabado niyang mukha. Ngumisi ang halimaw. "Ano't tila nagyayabang ka yata? Ang akala mo ba'y natatakot ako sa mga nangyari? Haha. Nagpapatawa ka!" Anito. "Kung ano man ang nangyari sa'yo, wala akong pakialam. Itsura mo lang ang nagbago at wala naman akong nararamdamang kahit ano, na pwede kong katakutan." Saad pa nito.

Ngumisi din ako. "Talaga lang huh? Tignan natin." Ani ko.

Ibinukas ko ang aking mga pakpak at bahagya akong lumutang sa lupa.

Siya naman ay naglabas ng itim na aura sa kanyang paligid. Senyales na binibigay na niya ang buo niyang lakas, para sa laban na ito.

"Saksihan mo ang aking lakas! Ngayon, sisiguraduhin ko na ang katapusan mo!" Turan ng halimaw.
  

"Puro ka daldal. Laban na!"
     
      

Third Person's POV:

Naunang sumugod si Fifth taglay ang kakaibang bilis. Nagdash ito papunta kay Raven at sa isang iglap ay lumabas ito sa harapan ng binata.

"Ripping Claw!" Iwinasiwas nito ang mahahabang claw papunta sa dibdib ni Raven.

Ngunit...

Mabilis naiharang ng binata ang Sword of Colossus laban sa kuko ng halimaw.

Ang espada ay may malapad na blade na sapat upang sumalag ng atake. Matingkad na silver ang kulay ng talim nito na may halong gold sa bawat edges at maging sa puluhan. Kumikintab ito at tila salamin na nakikita ng halimaw ang sarili niya sa malapad na talim ng espada.

"Ang espadang yan! Isang celestial type weapon!" Puna ng halimaw. "Nakakagulat at nagawa mong makuha ang ganyang klase ng sandata. Pero wag kang umasang mananalo ka dahil dyan!" Saad pa nito, habang patuloy na ginagamitan ng ripping claw si Raven.

Ngumisi lang ang binata habang patuloy sa pagdeflect sa mga atake nito. Wala siyang ibang ginagawa kung hindi ang sundan ang galaw ng halimaw na patuloy umaatake.

Naghihintay siya ng tyansa.

Ang dating paraan niya ng pakikipaglaban ay muling bumabalik sa kanya. Hindi siya nagpapadala sa mga sinasabi nito at tanging pag-iisip ng paraan at diskarte ang nasa kanyang utak.

Sa loob ng ilang sandali ay wala kang maririnig kundi ang tunog at kiskis sa bawat pagtama ng kuko sa espada ng binata.

Ilang segundo pa'y tila napagod ang halimaw sa ginagawang pag-atake.

"Arrg! Puro ka salag!"Anito. Umatras muna ito at dumistansya.

Ngunit, 'yun pala ang hinihintay na pagkakataon ng binata upang sumugod.

"Hehe." Sinabayan niya ng pagdash paabante ang pag-atras ng halimaw.

"Anong!?" Nagulat ang halimaw dahil mabilis ang pangyayari. Hindi niya inaasahang bumalik na ang liksi sa pagkilos ng kalaban.

Walang ideya ang halimaw sa susunod na gagawin ng binata. Nakangisi lang ito at nakahandang umatake sa kanya.

Sa isang iglap ay iwinasiwas ng binata ang espada niya gamit ang dalawang kamay. Ngunit, mabilis nakapagreact ang halimaw kaya naisalag nito ang napakatigas niyang buntot. Pero kahit ganon, naramdaman niya ang kakaibang lakas, mula sa atakeng 'yun.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon