Raven's POV
Unti-unting naglaho ang katawan ko sa tunay na mundo, isang dimension ang humigop sa akin at dinala ako sa isang lugar na puno ng mga bituin at iba pang uri ng celestial bodies, palutang-lutang lang ako. Teka outerspace ba 'to? Parang, pero may pagkakaiba. Pagkatapos ay isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa mata ko, sa sobrang liwanag ay nagkulay puti ang buong paligid, dahilan para takpan ko ng aking braso ang aking mga mata. Pagdilat ko, nawala na ang liwanag, pati ang mga bituin. Isang kamangha-manghang lugar ang ngayon ay nasa harapan ko.
"Wow, anong lugar 'to!?" sambit ko sa sarili. Halos mapanganga ako sa pagka mangha.
"Hello Raven welcome to the entrace of Aldebard Town. Im Violeta, im here to give you quick beginners guide" nagulat ako sa nagsalita kaya napatingin ako sa likuran ko. Tumambad sa akin ang isang cute na babae. Kulay violet yung buhok at suot nya, tapos may tenga sya na tulad sa pusa. Dito pumasok sa isip ko na posibleng nasa loob na ako ng game, at ang kausap ko ngayon ay isang NPC.
"Hello din. Ang cute mo naman violeta" puri ko sa kanya. Hindi ko mapigil eh, ang cute talaga nya.
"First of all, I will teach you how to open the menu" mukhang hindi nya naintindihan yung pagpuri ko. Hindi man lang nag thank you eh. Haha sabagay NPC nga pala ito, malamang nakaprogram lang yung sasabihin nya. Minabuti kong pakinggan nalang yung sasabihin nya.
"Try to swipe your hand from left to right to open the menu" ginawa ko yung inutos nya. Swipe from left to right. *mechanical sound* Isang rectangular white translucent screen ang lumabas sa harapan ko. May apat na choices ang nakalagay dito. Profile, Inventory, Friendlist and Messages/Mail.
Bale ganito yung itsura nya:
[ Profile ] [ Inventory ]
[ Friend ] [ Messages ]"Now, please open your profile by touching the screen" utos ulit nya. Sinunod ko ulit sya *mechanical sound* May limang choices ang lumabas.
[ STATUS ] [ SKILLS ] [ QUEST ]
[ APPEARANCE ] [ LANGUAGE ]"You can see your personal progress on the status tab, your skills on skills tab, see your quest on the quest tab, change your hairstyle and haircolor on appearance tab and lastly you can change your language" paliwanag ni NPC Violeta. Whoaah astig naman nito! Nice! Nice! Sinubukan kong baguhin yung language sa Filipino.
"Ngayon naman ay subukan mong pindutin ang iyong 'inventory'" wow biglang nagtagalog si Violeta, haha ibinalik ko na ulit sa english ang language. Ginawa ko yung inutos nya at may dalawang choices ang lumabas.
[ WEAPON/ARMORS ] [ ITEMS ]
"You can see your current weapon and armor status here, as well as, your all stock items. You can use them by dragging it out of the screen" paliwanag ni NPC Violeta dun sa ikalawang tab. Sinubukan ko yung sinabi nya. Tinouch ko yung Weapon/Armors tab. May apat na choices ang lumabas.
[ Weapon ] [ Armor ]
[ Shield ] [ Avatar ]Pinindot ko yung weapon at may lumabas na isang espada sa screen. Tapos nakasulat yung stats and info nya.
Bronze sword (normal) - a sword made of bronze material.
Damage : 50
M.damage : 5
Sell : 50 zellSinubukan kong idrag ito at lumabas ito sa loob ng screen. Nakalutang ito sa harap ko. Medyo malabo pa yung itsura nya pero ng hawakan ko ay mas luminaw at naging tunay na espada na.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...