[ Continuation... ]
"Anong misyon?" tanong ko sa kanya. Nag-swipe sya sa hangin kaya lumabas yung virtual screen nya. Sandali nyang kinutinting ito at kinuha ang isang item mula dito—isang scroll. Inabot nya sa akin 'yon. Kinuha ko naman ito at agad na binuksan at binasa ang nakasulat.
"Isang class B-plus mission?" taka kong tanong matapos mabasa ang nakasulat dun sa scroll. Kumunot ang noo ko at nagbigay ng sigurado-ba-sila-dito look. Sa halos tatlong buwan kasi naming paggawa ng misyon ay ngayon lang kami nakatanggap ng class B+, karamihan ay C hanggang B lang.
"Marahil ay sinusubukan nila kayo. Narinig kong naghahanap sila ng bagong kapalit sa mga napaslang na Kapitan. Hindi naman siguro lingid sa inyo, na tatlo na sa Kapitan nang Einst ang napaslang ng mga Einst Slayer na 'yon." paliwanag nya. Kung gayon ay isa pala kami sa mga napili na posibleng maging panibagong Kapitan. Muli kong pinasadahan ng tingin yung nakasulat na misyon. Sa tingin ko naman eh—kakayanin namin ito.
"Alam kong kaya nyo yan kahit wala ako" nakangiting wika ni Nizu sa akin, tinignan ko lang sya ng pokerface at tumango. Akma na sana syang lalabas muli ng pinto...
"Teka, bakit nga pala nakapang battle gear ka?" tanong ko. Dahilan upang mapahinto sya at lumingon sa kinaroroonan ko. Ang sabi nya kasi hindi naman sya sasama sa amin eh, kaya nakapagtatakang nakapang bakbakan na outfit sya.
"May misyon kami, isang class A na misyon" nakangiti nyang sagot at tuluyan ng umalis.
Class A mission huh?
[ Ranz's Point of View ]
Hi!? Ranz Perigrine pala. Fourthteen. Hindi katangkaran kaya madalas ako mapagkamalang bata. But im not. I have this spiky red blonde hair. Yung katulad ng buhok ni Gaara, hindi ko alam tawag sa hairstyle na yun—basta ganun! Singkitin ang mata. Gwapo. Tch! But it's not a big deal.
Anyway...
Kanina pa kami naghihintay dito sa bukana ng Einst headquarters nitong si Max, ngunit hanggang ngayon ay wala paring dumarating na ate Yuna. Kahit kailan talaga ay napakakupad ng babaeng 'yon.
"Wala parin ba?" aburido kong tanong sa ngayon ay abalang-abalang si Max. Kanina pa kasi nya pinapraktis ang bago nyang sandata.
"Ah eh" usal nya at marahang sumilip sa loob ng entrance "Wala pa nga eh" dagdag pa nito, tapos ay bumalik na sya sa pag-eensayo. Mataman kong pinanuod ang ginagawa nyang pagsasanay. Sa nakikita ko ngayon sa kanya ay wala syang gaanong naging improvement simula nung pumasok kaming tatlo sa mundong ito. Oo, marahil ay isa na syang knight ngayon—ngunit kung pagbabasihan ang abilidad nya, ay hindi sya nalalayo sa mga class D+ na player. Habang kami ni ate Yuna ay marahil ay maihehelera na sa mga class B+ na mga player. Oo tama yun, sa loob ng tatlong buwan ay ang laki ng naging improvement namin ni ate Yuna. Salamat narin sa kaunting tulong ni kuya Nizu. Hindi naman sa pagiging rude. Pero sa totoo lang kasi, kahit wala naman sya ay kaya naming lumakas nang kusa—ay ewan ko lang pala dito kay Max. Pero syempre kailangang kasama namin sya para makagalaw kami ng malaya at magawa ang gusto namin.
Inalis ko muli ang tingin ko kay Max at tumingin sa dako kung saan sumisikat ang araw. Tirik na tirik na ito—sa tantya ko ay mga alas onse na ng umaga.
"Sorry i'm late..." sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran ko, walang iba kundi si ate Yuna. Halata sa tono nya ang kawalan ng sincerity sa sinabi nya. Marahan akong lumingon sa kanya at tinignan sya ng walang karea-reaksyon.
"Nothing's new" I said sarcasticly. Tinaasan naman nya ako ng kilay bilang pagtataray. Nagsmirk lang ako sa kanya.
Halos pareho lang kami ng ugali nito ni ate Yuna. Sya tahimik pero mataray, ako naman tahimik at suplado. But I know na hindi naman talaga sya ganung kataray. It's just her defence mechanism laban sa mga taong ayaw nya. Kunwari mataray, para nga naman hindi sya malapitan ng mga taong hindi nya feel, tulad nalang nito ni Max. Pero wala eh, sadyang matigas ang mukha nito ni Max. Kaya walang epekto ang pagtataray sa kanya ni ate Yuna. Well ako naman, kahit ayaw o gusto ko ang isang tao—pareho lang ang ipinapakita at ipinaparamdam kong ugali. Cold ako makitungo kahit kanino. I don't know. Pero ganito na ako ipinanganak eh.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...