A/N: continuation po ito ng chapter 6. Thank you sa mga votes nyo :)
Third Person's POV
Sa loob ng kweba kung saan kasalukuyang nakikipaglaban si Raven sa field boss ay may dumating na ilang player's upang mag farm ng ilang items.
"Pare sigurado ka bang dito nakukuha yung bat tail na yun?" ani ng isang player na may hawak na baril.
"Oo naman pare dito yun" sagot naman ng player na may hawak na staff. Maya-maya pa habang abala sila sa pagpa farm ay may nagsalitang boses. *mechanical voice*
"Field Boss defeated!"
"Narinig mo yun pare? May field boss daw dito?" tanong ng isa.
"Oo pare, kaso defeated na daw. Sino-sino kaya yung mga nakatalo na yun?" Sa harap nila ay unti-unting lumabas ang katawan ng player na si Raven. Umaagos ang dugo mula sa balikat nya.
"Uy pare may player oh!" -ani ng may baril.
"Pare ayos ka lang? Anong nangyari sayo?" Hindi sila sinagot ni Raven at dumiretso lang sya sa paglalakad habang hawak ang kabilang balikat nya.
Raven's POVGrabe yung laban na yun, akala ko mamamatay na ako.
*Flashback*
"Haaaaaa!!!" Inatake ko sya matapos kong makainom ng 3 small hp potion. Inangat ulit nya ang espada nya at iwinasiwas ito sa akin. Nakailag ako mula sa espada nya pero hindi ko inasahan ang sumunod nyang atake. Isang malakas na suntok ang pinakawalan nya, nasalag ko ito ng kalasag ko pero sa sobrang lakas ay tumilapon ako at nagpagulong-gulong sa lupa. Aray ko! Grabe ang lakas nya. '-200' tsk! Mahirap 'to. Mabagal sya pero solid yung mga atake nya. Tumayo ako at uminom ng dalawang small hp. Itinaas nya ulit ang espada nya at inatake ako, mabuti at mabilis akong nakaiwas. Nahati ulit sa dalawa yung lupa. Teka, parang eto lang din yung atakeng ginawa nya kanina ah?
Sumugod ulit ako sa kanya. Iwinasiwas nya ulit ang espada nya sa tagiliran ko at akmang hahatiin ako, pero this time umiwas na ako at hindi sinalag yung tira, delikado ako kahit masalag ko. Parang pamilyar ulit yung atakeng ginawa nya. Teka hindi kaya? Umatake ulit sya, iwinasiwas nya yung espada nya. Pag nakailag ako at sumuntok ulit sya, tama ang hinala ko. Iniwasan ko ulit yung atake at tama nga yung hinala ko, sumuntok ulit sya ng malakas. Hindi ko ito maiiwasan dahil medyo kulang sa oras para magawa ko yun. Kaya wala akong nagawa kung hindi salagin ito, *blaaaggg* sa sobrang lakas ay tumilapon ulit ako. Pero kakaiba yung atakeng yun, parang doble ang lakas nito kumpara sa una 'crit -400'. Grabe yung crit! Pero ayos lang, atleast nalaman ko na yung pattern ng pag atake nya. Alam ko na ngayon kung paano kita didiskartehan. Uminom ulit ako ng apat na small pots.
"Humanda ka sakin ngayon! Isang mata!" Pang aasar ko sa kanya.
"GRAAAAHHHHH!!!" pag ungol nya. Haha napikon?
Inangat nya ulit ang espada nya. Tss ,alam ko na yan! Tumakbo ako at inikutan sya. Sinundan nya ako ng tingin at nanatili lang sa gitna hawak yung espada. Ihinampas nya sa akin yung espada, pero dahil sa patuloy lang ako sa pagtakbo ay sa lupa tumama ang atake nya. Nakakuha ako ng pagkakataon at inatake ko sya habang nakababa pa yung sandata nya. Sinaksak ko sya sa tagiliran kaya napa-ungol sya sa sakit 'crit -315' nabawasan ng 8% yung HP nya. Haha huli ko na ang kahinaan mo. Umatake na naman sya gamit yung pangalawang style ng atake nya. Yung parang hahatiin sa gitna yung katawan mo. Umatras ako ng kaunti dahilan para hindi ako maabot nito, Nakakuha ulit ako ng pagkakataon at inatake ko sya sa tyan naman 'crit -315'. Napaungol ulit sya.
"Ano ayos ba?" tapos ay nag smirk ako sa kanya. Nainis sya at may lumabas na ugat sa ulo nya. Haha Nagalit! Iwinasiwas ulit nya yung espada, at alam ko eto na yung pangatlong style nya ng pag atake. Agad kong naiwasan yung espada at hindi ko na hinintay na sumuntok sya. Nagslide na agad ako sa ilalim nya at lumusot ako sa likuran nya. Narinig ko yung pagcrack ng lupa sa harap kung saan tumama yung suntok.Grabe ang lakas nun! Pero sorry sya dahil nasa likod nya ako ngayon. Isang saksak ulit ang ibinigay ko sa likod nya. '- 215' Umungol ulit sya dahil sa sakit.
"Tsk, matibay ka ha. Nakakatayo ka pa din!" inis kong sabi sa kanya. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang umabot nalang ng 10% yung HP nya. Naubos nadin yung small pots ko dahil may mga atake akong hindi nag sysynchronize kaya tinatamaan parin nya ako pero nasasalag ko parin naman ng shield.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Ciencia FicciónHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...