Chapter 71: Ouritsu's Beauty and the Beast

331 22 6
                                    

Samantala...

Nakarating sa ikalawang palapag ang grupo nila Raven at nakita nilang nagsimula narin ang laban doon.

Ang boss na nasa ikalawang palapag ay isang halimaw na may pitong ulo. Isang HYDRA.

HYDRA LVL. 100 [BIG BOSS]
HP: 10,000,000
SP: 300,000
P.DMG: 2,000
M.DMG: 10,000
P.DEF: 5,000
M.DEF: 7,000
TYPE: MYTHOLOGICAL MONSTER
ATTRIBUTE: ELEMENTAL

"Raven, ano, lalabanan na ba naten 'yan?" Tanong ni Max na tila kanina pa naaatat makipagbakbakan.

"Hindi pa. Wala pa ang halimaw na 'yan kumpara sa mga kakaharapin natin sa itaas." Sagot ni Raven. Malakas kasi ang kutob niya...kung ano o maharil ay sino ang kakaharapin nila sa mga susunod pang floor.

"P-pero tignan mo oh, parang hindi nila kakayanin ang halimaw na 'yan--"

"Ako nalang ang maiiwan dito. Sa palagay ko naman ay kaya na namin ng mga kasama ko ang halimaw na 'yan." Pagsingit ni Ryubii sa usapan. Napatingin sila rito. "Sa tingin ko'y hanggang ditong floor nalang kami, dahil ang mga susunod ay posibleng hindi na kaya ng level namin. Naniniwala akong totoo ang sinasabi ni Raven. Hindi biro ang mga makakalaban ninyo sa susunod na palapag. Ngunit naniniwala din akong tanging ang grupo n'yo lamang ang may kakahayang talunin sila." Paglilinaw ni Ryubii sa kanyang pahayag. Kahit masakit isipin ay tanggap nilang hindi pa sila ganun kalakas para makipaglaban sa mga susunod pang boss.

Hanga si Raven sa sinabi ni Ryubii. Bibihira lang kasi sa mga player ang marunong tumanggap sa kung anong level lang ang mayroon sila sa loob ng laro. Karamihan kasi sa mga nakasalamuha niya kahit sa mga dating online games na nilalaro niya ay puros mayayabang at sobrang laki ng tiwala sa sarili.

"Sige, sa tingin ko'y sa inyo ko na ipapaubaya ang laban dito." Wika ni Raven. Tumango naman si Ryubii.

"Elijah, sa palagay ko'y hanggang dito nalang din kami. Sang-ayon ako sa sinabi ng leader ng bandido. Hindi sapat ang lakas namin sa mga susunod pang palapag." Wika naman ni Eichiro sa aking kaibigan.

"Ganun ba? Sige pare, kung 'yun ang gusto niyo. Paghusayan nyo na lamang ang pakikipaglaban." Wika ni Eli. Tumango naman ito sa kanya.

"Okay, kung sabagay. Mas gusto ko ang malalakas na kalaban." Pag mamayabang naman ni Max. Hindi nalang siya pinansin ng mga kasama.

At doon...

Muli na silang kumilos upang tunguin ang susunod na palapag. Ngunit bago sila tuluyang umalis.

"Raven," Ani Ryubii. Sandali siyang huminto at lumingon. "Naniniwala kami sayo. Pakiusap, talunin mo siya." Dagdag pa nito.

Tumango lamang si Raven at sumunod na sa kanyang mga kasama na nauna nang umakyat sa hagdan.

"Okay mga kasama! Laban na!"

***

SA IKATLONG PALAPAG...

"Ugh! Mga kasama sa tingin ko ay hindi natin kaya ang mga 'yan. Masyado silang malakas para sa atin." Wika ng isa sa mga player na halos maubos ang mga kasama matapos makaharap ang dalawa sa pinakamalakas na boss sa laro. Ang mga Ouritsu.

"Ano ba yan? Wala naman kayong kwenta kalaban. Hanggang dyan nalang ba kayo?" Bored na bored na wika ni Dos matapos walang kahirap hirap nilang talunin ng kanyang kasama ang nasa halos twenty players na naroroon.

"Tsk! Yabang mo naman. Eh halos ako ang tumalo lahat dyan." Pangbabara ni Sam sa kasamahan.

"Whatever." Wika lang ni Dos at inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo at naglakad palayo.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon