[ Lily's point of view continuation... ]
"Lily! Saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap ni Hajile, akala namin kung napaano ka na?" nag-aalalang si ate Franzine agad ang sumalubong sa akin.
Nandito na ako ngayon sa map kung saan naroroon ang hideout namin. Pasado ala-sais na ako nakauwi, medyo madilim na din, kaya hindi ko masisisi kung bakit gano'n nalang ang naging pag-aalala ni ate Franzine.
"Ah, eh, pasensya na ate Franzine. B-bumili kasi ako sa Hilltrook ng stock natin. Eto oh..." kabado kong usal habang inaabot sa kanya yung basket na puno ng pinamili ko.
Gusto ko sanang ikuwento sa kanya yung nangyari sa akin kanina. Ngunit siguradong mag-aalala lang sila pag sinabi ko 'yon. Kaya ang mabuti pa'y wag nalang.
"N-nasaan po si kuya Elijah?" tanong ko kay ate.
"Wala pa, baka hinahanap ka pa sa-" naputol ang sasabihin ni ate Franzine ng biglang-
"Im here..." mula sa likuran ko ay nagsalita ang isang pamilyar na boses. Si kuya Elijah 'yon, im sure.
Tumalikod ako kay ate Franzine at humarap kay kuya Elijah.
"K-kuya Eli, p-pasensya na po kung nag-alala kayo" nakayukong paghingi ko ng tawad.
Nakakahiya ang ginawa ko. Matapos nila akong tulungang magpalakas, ganito pa ang igaganti ko-ang pag-alalahanin sila.
Sandaling nagkaroon nang katahimikan, bago ko marinig ang mahinang pagsinghal ni kuya Eli. Na sinundan nya ng masiglang pag-usal
"Hay, ano ka ba Lily, wag kang humingi ng tawad. Ang mahalaga ay nakauwi ka ng ligtas" aniya
Agad akong napatingala at napatingin sa kanya. Ang buong akala ko pa naman ay sesermunan nya ako. Ngunit paglingon ko ay nakangiti sya.
Bakit hindi sya nagalit?
"K-kuya Eli?" nakakunot kilay kong tanong.
"Oh bakit? Akala mo magagalit ako 'noh?" natatawa-tawa pa nyang tanong, na sinagot ko ng marahang pagtango.
Ngumiti lang sya tapos ay ginulo-gulo nya ang buhok ko.
Napangiti nalang din ako. Buti naman at hindi pala galit sa akin si kuya Elijah.
"Im proud of you Lily" seryoso nyang sambit habang nakatitig sa mga mata ko.
"P-proud? B-bakit naman po?" nagtataka at pautal-utal kong tanong. Ang weird naman ni kuya Elijah. Paano naman syang naging proud sa akin eh pinag-alala ko nga sila?
"You're slowly become a brave woman, Lily" sabi pa niya sabay tapik sa balikat ko. Tila isang magandang himig ang narinig kong lumabas sa bibig nya. Lihim akong napangiti.
Tama ba ang narinig ko?
Tinawag nya akong WOMAN?
"G-ganon po ba? H-hindi naman po kuya Eli" kunwari pa ako, samantalang ang totoo ay lubos akong natuwa sa sinabi niya. Hihi.
"No, tama sya Lily. Biruin mo yun, hindi ka na natatakot pumunta sa Hilltrook village. Samantalang dati, ayaw mong lumalabas ng bahay na hindi kami kasama. You're brave enough to do that and I'm proud of you din sis" usal naman ni ate Franzine, kaya napalingon ako sa kanya. Nakangiti sya sa akin, kaya ngumiti rin ako sa kanya.
"T-thank you din sa'yo ate Franzine dahil hindi ka nagalit sa akin" nakayuko ko namang pasasalamat sa kanya. "Akala ko magaga-"
"Ofcourse not! Hihi Kahit kailan hindi ko magagawang magalit sa'yo. Alam mo namang ikaw ang tumupad sa wish kong magkaroon ng kapatid na babae eh, kahit na dito lang sa mundong ito" nakangiti naman tugon ni ate Franzine na syang pumutol sa sasabihin ko pa sana.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...