Chapter 72: Sweetest, Toughest and Smartest

295 21 0
                                    

RAVEN'S POV:

"Raven, sigurado ka bang ayos lang iwanan silang dalawa doon?" Tanong ni Yuna sa akin habang binabaybay namin ang spiral na hagdan patungo sa susunod pang palapag.

"Huwag kang mag-alala. Kilala ko na si Elijah simula palang noong bata pa kami. Lagi ko siyang kalaro sa mga mmorpg games na nilalaro namin at nasisiguro kong pambihira din ang isip niya at diskarte pagdating sa ganitong mga bagay." Paniniguro ko naman kay Yuna. "Magtiwala tayo sa kanila." Saad ko pa. Tumango lamang si Yuna at tila nagkaroon ng tiwala sa aking tinuran.

"Malapit na tayo sa susunod na palapag. Nasisiguro kong ouritsu muli ang makakaharap natin." Wika ni Yuna dahilan upang maalarma na naman si Max.

"O-ouritsu parin? Oh no!" Anito.

"Teka nga kuya Max. Bakit ka ba takot na takot? Akala ko ba handa kang ipagtanggol kami sa lahat ng oras gaya nang sinabi mo sa Heavens Town?" Biglang natigilan sa pag papanic si Max noong sabihin 'yon ni Lily.

"Ah, eh, sinabi ko ba 'yon?" Anito na kakamot kamot pa sa ulo.

Mula sa peripheral vision ay kita kong masama na naman ang tingin ni Ranz at Yuna sa kanya.

"Ah, oo, sinabi ko nga 'yon! Haha. Aba syempre. Totoo 'yun! Tsaka hindi naman ako natatakot Lily. Natatakot ako sa puwedeng mangyari sa kalaban natin oras na gamitan ko na siya ng aking bagong sandata. Hehe." Pagmamayabang bigla nito.

Ang bilis magbago ng ihip ng hangin ah? Loko talaga 'to si Max eh.

Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa ikaapat na palapag.

At doon isang malambing na tinig ang sumalubong samin.

"Pasensya na, pero hanggang dito nalang kayo." Sabi nito.

"Wow, sobrang cute naman ng boses na 'yun. Sino kaya 'yun?" Puna ni Max. Tama siya, napakahinhin nga ng tinig na 'yun kaya masasabi mo talagang cute nga ito. Pero, hindi kami pwedeng magpadala sa tinig.

"It can be deceiving. Huwag kang magpadala." Babala ko kay Max.

Iginala ko ang mata ko sa paligid at agad ko rin naman nakita ang pinanggalingan ng boses. Nasa isang mataas na platform ang babae, kasama pa ang isang maskuladong lalaki.

Seryosong nakatingin sa amin ang mga ito.

"Gaya ng inasahan ko. Pero dalawa lang ulit sila" Puna ni Yuna.

Ibig sabihin, may isa pang naghihintay. Malamang nasa susunod na palapag siya. Ang leader ng Ouritsu.

"Kuya Raven, anong plano?" Tanong ni Lily sa akin.

Sandali akong nag-isip kung ano bang magandang gawin sa laban na ito.

Sa tingin ko, hindi nila kakayanin kung dalawa o tatlong katao lamang maiiwan dito para lumaban. Ibang level ang boss na 'yan kumpara sa mga nakakalaban namin sa field.

Isa pa, pagdating sa experience. Medyo hilaw pa ang kay Max at Lily kung ikukumpara sa amin.

Si Yuna at Ranz naman, sabihin na nating magaling sila sa diskarte at pakikipaglaban. May experience. Ngunit sa tingin ko'y hindi sapat ang lakas nila upang talunin ang mga ouritsu. Kakailanganin nila ng susuporta sa kanila.

Kaya naman.

Sa tingin ko, mas safe kung silang apat ang lalaban sa dalawang ouritsu na naririto.

"Sa palagay mas makakabuti kung kayong apat ang makikipaglaban sa dalawang 'yan."

"Huh? S-sigurado ka ba, Raven?" Takang tanong ni Max.

"Oo nga kuya, mawawalan ka ng kasama pag kaming apat ang naiwan." Segunda naman ni Lily.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon