Author's Note :
Una po sa lahat, gusto kong mag THANK YOU ulit sa lahat ng mga nag fill up ng form, malaking tulong po yung mga information na ibinigay nyo para sa storya ko. So sa ngayon po sarado na muna yung Authors announcement ko.
Ikalawa po, sa inyo na mga nag fill up, meron lang pong ilang magiging pagbabago sa mga inilagay nyo sa form nyo. Halimbawa po, gunner ang nilagay mong class tapos espada ang gusto mong weapon so kailangan kong palitan ng gun ang weapon mo, mga tipong ganun po. Sana po maintindihan nyo kung hindi ko mapagbigayan yung ibang request nyo. Kasi baka malito yung iba sa flow ng story po di ba? Pero wag kayong mag-alala konting-konti lang naman ang babaguhin ko. Yun po. Sorry, sorry po.
At panghuli, kung ano man ang mangyari sa inyo sa loob ng laro, hindi ko na kasalanan ha? Hahaha kaya please po wag kayong magagalit sa author ha *puppy eyes* haha okay that's so gay! Back to the story.
Lily's POV
Hayst ang tahimik naman dito, grabe ang awkwardness haha. Paano ba naman hindi magiging awkward? Eh narinig pala ni ate Glimpse yung sinabi ni kuya Raven sa akin, na gusto nya si ate haha. Hindi ko po pinlano yun ha. Wala akong kinalaman dyan hihi. By the way, nandito na kami sa tree house na tinutuluyan naming tatlo. At simula ng dumating kami dito halos hindi na nag-usap yung dalawa. Nagkakahiyaan siguro sila hahaha
"Hayst., makaalis na nga muna dito" sambit ko, sabay bigay ng tig-isang sulyap sa nabubuo nating lovers. Nasa magkabilang dulo kasi sila ng table, kasalukuyan kaming kumakain ngayon. Pero tapos na ako. Ni hindi man lang nagtitinginan yung dalawa, pareho silang nakatungo habang kumakain. Tumayo na ako at nagkunwaring umalis, pero hindi nila alam na nagpunta lang ako dito sa likod ng isang cabinet at pinapanuod ko pa din sila hihihi makikichismis muna ako, baka mag-usap na sila. Nakita kong medyo inangat ni ate yung ulo nya at nagsalita.
"Uhh, Raven---" sambit ni ate Glimpse, nakita ko namang natatarantang napatingin si kuya. Ayan mag-uusap na sila. Yiiieeee!!
"B-bakit Glimpse?" nauutal na tanong ni kuya Raven. Mahahalata ang kaba sa kanya.
"Ah w-wala hehe nevermind." tugon ni ate Glimpse sabay balik sa pagkain, Nyek? Ano daw yun?
Lumipas ang mga oras at napuno ulit ng katahimikan ang dalawa. Hanggang sa naghiwa-hiwalay na kami at pumunta sa kanya-kanya naming kwarto.
Ano ba naman yung dalawang yun? Akala ko pa naman magiging kupida na ako. Isang cute na kupida :) Pero hindi parin pala. Ito kasing si kuya Raven eh ang hina. Mabuti pa puntahan ko sya sa kwarto nya at kausapin ng masinsinan.
Dahan-dahan akong naglakad hanggang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ni kuya Raven. Nang marinig kong parang may kakaiba syang ginagawa.
Teka anong ginagawa ni kuya Raven? Bakit ang ingay nya?
Biglaan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa nasaksihan ko.
Si kuya Raven...
Raven's POV
Magkatabi kami ni Lily ngayon dito sa upuan sa terrace ng tree house. Grabe nahihiya parin ako sa nang-yari. Tinignan ko si Lily at nakita kong parang nagpipigil sya ng tawa. Tss, bakit kasi bigla-bigla nalang syang pumapasok sa kwarto ng may kwarto.
"Seriously kuya? ginagawa mo pala yun" natatawa nyang tanong. "Ang korni ha" dagdag pa nya, napayuko nalang ako dahil sa hiya.
Nahuli nya kasi ako na nakaluhod, alam mo yung senaryong isang lalaki na nag-aalok ng isang proposal para sa kasal? Ganun. With matching mga sweet na litanya pa haha.
Nagpapraktis kasi ako kung paano magtatapat kay Glimpse eh. Tapos bigla syang pumasok. Bakit ko ginagawa yun? Eh kasi nga di ba hindi ako marunong manligaw? Tsaka ganun yung mga napapanuod ko sa movie eh.
Hindi na napigil ni Lily ang sarili nya at napabulalas sya ng tawa.
"Tumigil ka na nga, kung tutuusin kasalanan mo 'to eh" medyo inis kong saad sa kanya. Agad naman syang tumigil sa pagtawa sabay nagpahid ng luha nya sa mata. Naiyak na yata kakatawa.
"Ano ka ba kuya ayos nga yung ginagawa mo eh, hahaha" tapos ay tumawa ulit sya. Ano ba talaga? Sabi nya kanina korni? Hayst kulit talaga ni Lily haha. Kung lalaki lang talaga to, malamang nabatukan ko na. Mabuti pa ibahin ko ang usapan.
"Maiba ako, ano nga palang nangyari sa meeting ng guild nyo?" Seryosong tanong ko kay Lily. Biglang nagseryoso ang mukha nya at nakita kong nagpout sya ng lips. Bakit ba ang hilig mag pout ng mga babae ngayon? Yan na nga ba ang sinasabi ko sa kakapanuod ng korean nobela na yan eh. *peace sign* just kidding! Haha
"Hindi ako kasali sa guild battle. Nakakainis nga eh!" matamlay na saad ni Lily. *pout*
"Ah ganun ba? Teka ano nga palang pangalan ng guild nyo?" usisa ko. Nilagay nya ang index finger nya sa ilalim ng baba nya at sandaling nag-isip.
"Hmm. Cri---Crimson ♠ Knight? Oo tama yun nga! No. 10 daw yung guild namin last guild battle" paliwanag nya.
"Crimson ♠ Knight ha, number 10 sa ranking. I wonder kung gaano kalakas ang mga player sa guild na yun" nakapangalumbaba kong saad.
"Naku kuya malakas ang guild namin, lalo na si kuya Zion yung guildmaster namin." pahayag ni Lily. Tumango-tango lang ako sa kanya. Mukhang kailangan ko talagang mas lumakas pa. Panigurado maraming maglalabasang malalakas na player sa guild battle.
"Uhh Lily? Pwede mo bang tulungan bukas si kuya?" seryoso kong tanong kay Lily. Tumingin sya ng may halong pagtataka.
"Tulungan kay ate Glimpse?" Aniya. nadulas yung baba ko mula sa palad ko dahil sa sinabi nya haha. Ano ba naman 'tong si Lily.
"H-hindi dun, I mean tulungan mo akong magpalevel" paliwanag ko.
"Ahh yun lang pala eh, Oo ba" nakangiti nyang tugon. Matapos nun ay niyaya ko na din syang matulog dahil malalim na din ang gabi.
---
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil ginising agad ako ni Lily. Sabay-sabay kaming nag-almusal na tatlo, as usual hindi parin kami nag-uusap ni Glimpse. Hindi ko kasi alam kung paano ko sya kakausapin eh. Natapos ang almusal namin na hindi ko sya nakausap. Akma na sana kaming aalis ni Lily ng biglang magsalita si Glimpse.
"Ra-raven?" malambing nyang sambit. Para akong matutunaw. Dahan-dahan namang lumayo sa amin si Lily habang kinikilig. Hanggang sa kaming dalawa nalang ni Glimpse ang naiwan dito.
"A-a-a-no yun?" Eto na naman, nagiging parang robot na naman ako.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...