Chapter 75: Pendant of Hope

465 29 20
                                    

THIRD PERSON'S POV:

[SUN'S COLOSSEUM 1ST FLOOR]

Magkakasabay na inatake ng mga natitirang player ang Queen Arachnid gamit ang lahat ng skill na mayroon sila. Ang mga magic caster ay halos ubusin na lahat ng mana nila para lang tuluyan nang mapabagsak ang halimaw.

Dahil nga sa naisip na plano ni Kyosuke. Hindi na nagawang mag-regenerate ng HP ang BOSS. Ilang minuto na rin nilang walang humpay na inaatake ito, at sa itinagal-tagal ng kanilang laban, unti-unti nang bumababa ang buhay ng halimaw...hanggang sa umabot nalang ito sa sampung porsyento.

"Malapit na mga kasama! Ibigay niyo na lahat ng mayroon kayo!" Sigaw ni Kirov habang sunod-sunod na atake din ang ginagawa niya mapa-normal attack man o gamit ang kanyang mga skill. "Haaaa!!! Bumagsak ka na!"

Maging ang ibang player na umaatake ay napasigaw nadin sa kagustuhang mapabagsak na ang halimaw.

Maya-maya pa'y, sumigaw ang isa sa mga HEALER na sumusuporta sa mga TANK.

"Guys, bilisan ninyo na. Malapit na akong maubusan ng mana!" Anito. Bahagyang nabahala si Kirov, kaya naman mas lalo pa niyang tinodo ang lakas ng kanyang mga atake.

Ngunit hindi pa man ay nakarinig na muli sila ng sigaw.

"Mga kasama, unti-unti nang nauubos ang HP ng ilan sa mga Tank. Nawala na yata ang epekto ng damage immunity nila. Baka mamatay sila!" Wika naman nito.

"Wala na akong mana!" Sigaw naman sa kabilang dako.

"Ubos na rin ang potions ko!" Tinig muli sa kabila.

Magkahalong pressure at takot na ang naramdaman ng mga damage dealer dahil sa sigaw ng kanilang mga kasama. Ang sampung porsyentong buhay ng boss ay tila humirap pababain dahil sa pressure.

At sa kasamaang palad, pagdaka'y biglang bumigay na ang ilan sa mga damage dealer na naroroon lalo na ang mga player sa partido nila Adam at Kirov, dahil tila naubos na ang kanilang mga mana at stamina. Pagod na silang kumilos kahit na simpleng atake lamang.

"K-Kirov, hindi ko na kaya pang umatake. Nanginginig na ang katawan ko sa pagod." Pag-amin ng isa sa mga miyembro.

Maging ang ilan ay ganun na rin ang nararamdaman. Lalo tuloy siyang nabagabag.

"Ako rin master Kirov. Napapagod na ang katawan ko." Dagdag pa ng isang myembro.

"M-mga kasama, huwag muna kayong sumuko. Pakiusap, kailangan natin magtulong-tulong! Para ito sa kalayaan nating lahat!" Panghihikayat nito sa mga kasama.

Ngunit halos wala na talagang lakas ang mga ito upang gumalaw pa. Napaluhod nalang ang ilan sa sementadong sahig habang ang ilan ay hinihingal.

Tinitignan niya isa-isa ang kanyang mga kasama at nakita niyang tila ubos na nga ang lakas ng mga ito. Nakaramdam siya ng lungkot at pangamba. Nag-alala siyang baka mabigo sila sa plano nila upang makabalik sa tunay na mundo.

"Pakiusap..." Dito unti-unti lumalabas ang luha sa kanyang mga mata. "Gusto ko nang makita ang pamilya ko...Ayokong mamatay sa mundong ito. Alam ko ganun din ang nararamdaman ninyong lahat." Isa-isa niya muling tinignan ang kanyang mga kasama na halos nakaluhod na sa canvas. Ilan sa mga ito ay napapikit at tila nagpipigil narin ng luha.

"K-Kaya nga tayo nandito, hindi ba? K-kaya nga pinili natin mag-tulungan at magkaisa dahil iisa lang ang ating layunin. Ngayong abot kamay na natin ang layuning iyon. Ngayon pa ba tayo susuko?" Litanya muli nito habang walang humpay ang pagtulo ng kanyang luha. Ang ilan sa mga kasama niya ay umiyak narin, dahil gaya niya, halos iisa lang sila ng nararamdaman. Gusto na nilang makabalik sa tunay na mundo at makasama ang mga mahal nila sa buhay.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon