Chapter 26 : New Players

4.4K 170 30
                                    


Hi? My name is Yuna—Yuna Yamamoto. And yes, based on my surname. I am half filipina and half japanese. Im 16 years old and currently 4th year highschool student. I have this long black hair na hanggang likod ko ang haba. Maputi, bilugang mga mata na bumagay sa cute at medyo chubby kong pisngi. But anyway, im not here to describe myself. Nandito ako para sa isang importanteng bagay.

Tatlong buwan na ang lumipas simula noong pasukin ko ang mundong ito. Ang larong Celestial War Online. Ngunit hanggang ngayon ay bigo parin akong mahanap ang aking kapatid.

Noong una ay wala talaga akong balak pumasok sa mundong ito. Sa pag-aalalang baka pati ako ay mapa sama lang din sa mga kabataang na trap sa loob nito. Kaya ipinaubaya nalang namin ni kuya Daisuke ang pagtapos ng larong ito sa isang taong kakilala ko—I know him very well pagdating sa paglalaro ng mga online games. Lagi ko syang nakikita bilang isang top player at alam ko sya yun dahil hindi naman sya nag-iiba ng IGN sa kahit anong online games. Bakit ko alam? Well hindi ako stalker FYI. Alam ko lang yun dahil ako mismo ay naglalaro din ng mga online games, yun nga lang aminado akong noobs pagdating sa mga ganun. Trip ko lang kung baga, pero wala naman ako balak maging magaling at top player. Pero sya—masasabing kakaiba sya. Tila ba passion na nya talaga ang paglalaro ng mga online games. Alam kong walang ganun, pero parang ganun.

~Flashback~

"I want you to play the game" seryosong sagot ni kuya Daisuke sa tanong nya. Halatang nagulat sya dahil sa sinabi ni kuya. Well, kahit sino naman siguro di ba?
  
"Ba-bakit ako?" nauutal nyang tanong na halatang naguguluhan sa nangyayari. Tumingin ako sa reaksyon ni kuya, ngumiti sya at muling nagsalita.
    
"I know you're really excellent on playing online games. Nasabi sa akin ni Yuna" sagot naman ni kuya Daisuke. Bigla syang tumingin sa akin at nakakunot ng noo. Marahil ay iniisip nyang stalker nya ako? Sus! Asa sya! Taasan ko nga ng kilay. Nakita kong na intimidate naman sya sa ginawa ko. Good. Bumaling ulit ang tingin nya kay kuya.

    
"Sorry, alam ko mahirap 'tong hinihiling ko. Pero ikaw lang ang alam kong makakatalo sa game. Gusto mong mailigtas ang kaibigan mo di ba? Pareho lang tayo, gusto kong makalabas ng ligtas sa larong yun ang kapatid ko" seryosong paliwanag ni Daisuke. Walang syang naging sagot sa sinabi ni kuya—bagkus ay nanatili lamang na tahimik. Mukhang hindi namin sya makukumbinsi. 
    
"Hahayaan kitang pag-isipan muna ang lahat. Pero sana tanggapin mo 'to. Para kung sakaling nakapag-isip ka na at buo na ang loob mo. Anytime pwede mong magamit yan" dagdag pa ni kuya. Ibinigay nya kay Raven ang isang virtual rift at ang CD installer ng CWO. Nung una ay parang ayaw pa nya itong tanggapin. Pero hindi rin naman nagtagal at tinanggap nya ito.

Matapos yun ay umalis na sya ng shop dala yung virtual rift at CD installer.

"Sa tingin mo ay gagawin nya kuya?" tanong ko kay kuya Daisuke matapos umalis ni Raven. Ngumiti lang si kuya. Naniniwala talaga syang gagawin ni Raven. Well me? Im not so sure, pero hindi naman masamang umasa...

~End of Flashback~

Then the next monday, hindi narin sya pumasok ng school. Marahil nga ay nilaro nya ang CWO. Kahit paano'y nagka pag-asa ako ng mga panahong iyon.

Pero halos wala pang isang linggo ang lumilipas simula nun...

~Another Flashback~

Naglalakad na ako nun pauwi galing school. Nang biglang mahagip ng mata ko ang kakaibang balitang nakalathala sa isang dyaryo. Agad akong lumapit at binasa ito

"MGA KABATAANG ILANG ARAW NANG NAWAWALA NATAGPUAN PATAY" mahina kong pagkakabasa sa headlines. Agad kong binuklat ang page kung saan nakasulat yung article tungkol dun. At nang makita ay agad ko itong binasa ng buo. Halos hindi ako mapakali dahil sa sobrang kaba—habang binabasa ang article na yun. Sabi kasi dito, ay marami sa mga nawawalang kabataan ang ngayon ay natagpuan na. Yun nga lang, lahat ito ay natagpuang mga wala ng buhay sa kanilang mga kwarto pa mismo. At ang kahindik-hindik ay ang brutal na sinapit ng mga kabataan. May ilang butas ang tyan, wala ng ulo, maraming hiwa sa katawan at kung ano-ano pang brutal na pagkamatay. Sinasabi rin na wala man lang daw lead ang mga pulis kung paano nangyari ito. Pero ako mayroon. At kung totoo nga itong balita—marahil ay may hindi magandang nangyayari sa loob ng CWO.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon