Chapter 73: On The Brink Of Death

301 17 1
                                    

[ SUN COLOSSEUM 3RD FLOOR]

"Hammer Pincer!" Tumalon ng mataas ang halimaw at pabulusok na tinungo ang kinaroonan ng binatang si Elijah. Ang bilis ng pagbulusok nito ngunit nagawa naman makatalon paatras ng binata upang iwasan ang higanteng pansipit ng halimaw na tumama sa sahig  ng arena dahilan upang magcrack at magka dent ito. Para itong hinataw ng malaking martilyo dahil sa pagkadurog.

Ngunit, hindi pa pala doon nagtapos ang pag-atake ng halimaw. Mabilis nagdash ito sa direksyon na tinalunan ni Elijah at mabilis na gumamit ng isang skill. "Swissor Pincer!" Sa pagkakataong 'yon ang maliit na version naman ng panipit ang ginamit ng halimaw at nagawa nitong madaplisan ang pisngi ng binata na nakaiwas pa rin naman kahit paano matapos mag side step ng mabilis.

Huminto sa pag-atake ang halimaw upang kutyain muli si Elijah. "Ano daga, tatakbo ka nalang ba habang buhay?" Mapang-inis na wika nito. Ngunit nanatili lamang tahimik ang binata sabay hawi sa dugo nito sa pisngi gamit ang likod ng kanyang kamay.

Kanina pa pinag-aaralan ni Elijah ang bawat galaw ng kanyang kalaban. Dito niya napagtanto na ibang-iba pala talaga ito kumpara sa mga dungeon at field boss. Hindi tulad ng mga 'yon. Walang pattern ang pag-atake ng mga ito at pawang may mga sariling pag-iisip na ginagamit upang makipaglaban.

Malakas nga sila at matalino, ngunit nasisigurado kong may hangganan din ang kung ano mang kakayahang meron sila. Hindi sila perpekto. Wika ni Elijah sa isipan.

Isa sa napansin niyang abilidad nito ay ang mabilis na pagkilos nito na sinabayan ng mga makapaminsalang mga atake. Sobrang lakas ng pwersa ng kanyang malaking pincer at sobrang tigas din na nagagamit niya bilang pananggalang. Maski ang isa sa pinakamalakas niyang atake ay balewala doon. Bukod pa don napakatalim naman ng maliit na version nito na kayang humiwa ng kahit anong bagay.

Pero, pansin din niyang masyadong agresibo ang halimaw na ito makipaglaban. Tila ba nasa instinct lang talaga nito ay ang mahuli at mapatay lamang siya. Bukod doon ay mukhang masyadong malaki ang tiwala nito sa sarili at nagagawa nitong maliitin si Elijah.

Naisip tuloy ni Elijah na tila ba, maaaring magamit niya ito upang advantage sa kanyang kalaban.

Aminado siya na wala siyang ginagawa sa laban na ito kung hindi ang tumakbo.

Ngunit...

Isa talaga ito sa mga plano niya upang paniwalain ang kalaban na mahina lamang siya. Oras na makakuha siya ng tyempo at naging pabaya ang halimaw dahil sa kumpiyansa nito. Doon siya aatake.

Pero kailangan ko rin lumaban kahit konti lang upang hindi niya mahalatang plano ko ito.  Sabi niya muli sa isipan.

Kaya naman dumistansya siya sa halimaw at nagpaputok ng mga normal na atake. Walang kahirap hirap itong sinalag ng boss na parang wala lang.

"Yun na ba 'yon, bubwit?" Masayang tanong nito.

"Tch! Ingay." Sagot lamang ng binata. Dahilan upang bahagyang mainis si Dos.

"Talagang iniinis mo akong bubwit ka. Dahil dyan, humanda ka na dahil may sorpresa ako sayo." Wika ng halimaw.

Kumunot tuloy ang noo ng binata dahil sa sinabi nito. Parang may pinaplano ang kanyang kalaban kaya bahagya siyang naging alisto.

Ngunit, tila nahuli ang reflex niya sa pagkakataong ito.

Doon bigla na lamang pumulupot sa katawan ni Elijah ang mga matitigas na galamay. Anim na galamay. Hindi niya ito naramdaman dahil masyado siyang nakafocus sa bawat atake ng kanyang kalaban. Tinignan niya ng mabuti ang halimaw at doon lang napagtanto ni Elijah na tila may nawawala sa parte nito at yun ay ang mga galamay nito sa likod.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon