Raven's POV
Kinabukasan, maaga akong gumising para magtungo sa game store na binanggit ni Yuna. Wala nga pala kaming pasok ngayon dahil sabado. Pagdating ko ay agad bumungad si Yuna sa labas ng store.
"Hi, kanina ka pa?" usisa ko. Napatingin sya sa akin.
"Hindi naman sakto lang ang dating mo" seryoso nyang tugon.
"Ano ang dahilan at pinapunta mo ako dito?" diretso kong tanong sa kanya. Tumalikod sya at naglakad papasok ng store.
"Sumunod ka" tipid nyang sagot. Sinundan ko sya sa loob gaya ng utos nya. Wala pang masyadong tao sa loob ng store dahil maaga pa.Lakad
Lakad
Lakad
Lakad
Hanggang makarating kami sa tapat ng isang kwarto. Sa pinto nito ay may nakasulat na 'Private Office'. Binuksan ni Yuna ang pinto.
"Teka Yuna, hindi ba bawal tayo dito?" tanong ko sa kanya habang nakatingin dun sa nakasulat.
"Ok lang yan." tuluyan syang pumasok sa loob ng kwarto. Kaya wala na akong nagawa kung hindi sumunod. Pagdating namin sa loob ay namangha ako sa aking nakita. Ang daming iba't-ibang klaseng game consoles at napakaraming collection ng games.
"Wow! Ang astig naman dito" ang tanging nasambit ko sa sobrang pagkamangha.
"Nagustuhan mo ba Raven?" isang boses ang biglang nagsalita. Biglang umikot yung upuan kung saan nagmula yung boses. Teka, kilala ko sya ah?Sya yung nag-alok sa akin ng virtual rift.
"Teka, kilala mo ako?" tanong ko sa kanya.
"Oo naikwento ka sa akin ni Yuna. Ako nga pala si Daisuke, kuya ni Yuna ang may ari nitong store" medyo nabigla ako sa sinabi nya. Magkapatid pala sila? Kung ganon kila Yuna pala ito?
"Anong kailangan nyo sa akin?" diretsahan kong tanong. Tumayo sya sa kinauupuan nya at naglakad palapit sa isang transparent glass box. Natatandaan ko yun, ito yung box na pinakita nya sa akin.
"Siguro nabalitaan mo na ang mga pangyayari tungkol sa mga nawawalang kabataan nitong nakaraang mga araw?" saad nya habang nakahinto sa harapan ng glassbox. Teka, oo nga pala. Sigurado may kinalaman sya sa pagkawala ng mga ito at pati si Eli.
"Sabihin mo may kinalaman ba kayo sa pagkawala nila? Pati si Eli ang kaibigan ko nawawala din" diretsahan kong tanong sa kanila.
"Relax lang Raven, wala akong kinalaman sa pagkawala nila. Pero may idea ako kung ano ang dahilan ng pagkawala nila." saad ni Daisuke.
"Tss, yang virtual rift ang dahilan ng lahat. Kaya imposibleng wala kang kinalaman" giit ko. Humarap sya sa akin ng seryoso ang mukha.
"Kagaya mo at kagaya ng iba, nawalan din kami ng isang taong malapit sa amin. Kaya ikaw, kung gusto mo kaming paghinalaan. Nasayo yan" seryoso nyang tugon. Ano daw sila din?
"Ga-ganun ba? Pasensya na. Kung ganon ano ba talaga ang dahilan ng lahat?" tanong ko. Tumalikod ulit sya at binuksan yung glassbox.
"Hindi ang virtual rift ang dahilan ng lahat, kung hindi ito" sabay kuha dun sa CD na katabi ng virtual rift. Inabot nya sa akin ito.
'Celestial War Online'
"Virtual rift is just a normal game console. But everytime, they connect this console into that game. Something strange happen." paliwanag pa ni Daisuke. sabay tingin sa CD na hawak ko. Parang unti-unti ng lumilinaw ang lahat sa akin.
"Kung ganon, bakit hindi nyo tinawagan yung developer ng game? Baka alam nya ang sagot" tanong ko.
"He's missing" tipid na tugon ni Daisuke.
"Kung ganon, wala ng pag-asang makalabas sila Elijah at yung iba?" matamlay kong tanong.
"Not really" ani ni Daisuke. Napalingon ako sa kanya. Naglakad sya pabalik sa upuan nya.
"May paraan?" usisa ko. Tila nagkaroon ako ng konting pag asa.
"Yeah, just like what we do on every game. Beat it!" paliwanag nya.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...