Prologue :
Paalala: Ang mga pangyayari o anumang kaganapan sa kwentong ito ay galing lamang sa malikot na imahinasyon ng sumulat. Anumang pangalan, lugar o senaryo na mayroon sa totoong buhay ay pawang aksidente lamang at hindi sinasadyang isulat ng may akda.
***
Someone's POV:
*mechanical voice*"Do you want to install Celestial War?"
.
.
.
"Your answer is Yes"
.
.
.
"Game installing. This may take a few minutes. Please wait."
/////////20%///////////////////50%
//////////////////////////////////70%
///////////////////////////////////////////100%
"Celestial War successfully installed!"
---
Enter Your Username: Kyosuke
.
.
.
Enter Your Password: ********
.
.
.
"You Successfully Registered!"
.
.
.
"Logging in..."
.
.
.
"Welcome to the Celestial War Kyosuke!"
.
.
.
"Please use your Virtual Rift to connect into the game"
.
.
.
.
"Virtual Rift Connected. Be prepared you're about to transferred inside the game"
"Ahhhhh!!! Ano nangyayari!!?""In 5.."
"Bakit naglalaho yung katawan ko!!??"
"4.."
"Sh*t!! Anong nangyayari?!! Ayoko na aalisin ko na 'to!!"
"3.."
"Ahhh!! Bakit ayaw maalis. Tulong!!!"
"2.."
"Teka lang please!!! Tulong!!!"
"1"
"Tu-LOOOONNNNNNGGG!!!AAAAAHHHHHhhhh!!!"
.
.
.
.
"Player successfully transferred. Please enjoy the game!"
***
Raven's POV:
"Hanggang sa ngayon po ay hindi parin mahanap ang mga nawawalang kabataan. Palaisipan parin po kung anong dahilan ng pagkawala nila."
"Raven?"*tok* *tok* *tok*
"Raven gising ka na ba?"
"Raven? Bubuksan ko na yung pinto ha"
*door screech*
"Raven? Hay naku talaga itong batang 'to. Iniwan na namang nakabukas ang T.V"
"Ayon sa paliwanag ng mga magulang. Huli nilang nakita ang kanilang mga anak sa harap ng kanilang mga computer. Per-"*T.V OFF*
"Raven gising na anak. May pasok ka pa" Ginising ako ni mama mula sa mahimbing na pagkakatulog.
"Opo Ma" *yawn*
"Naiwan mo na namang bukas ang T.V mo" saad ni mama. Umupo ako sa higaan at nagkuskos ng mata.
"Pasensya na po mama. Nakatulugan ko pala" paghingi ko ng tawad.
"Oh sige. Bumangon ka na dyan at mag-almusal" utos niya.
"Sige po ma. Sunod na ako" tapos nun ay nagligpit na ako ng higaan. Sipag ko di ba? Matapos magligpit ay lumabas na ako ng kwarto at sumunod kay mama. Kumain lang ako ng almusal, naligo tapos ay gumayak. Tipikal na ginagawa ng isang normal na estudyante.
"Ma papasok na po ako" paalam ko kay mama ng matapos na ako sa pag gayak.
"Oh sige anak. Mag-iingat ka ha"---
Naglakad lang ako papuntang sakayan ng bus ng mapadaan ako sa isang game store. Minabuti kong pumasok muna sa loob para magtingin ng ilan sa mga latest na online games.
Wizardry Online, Kingdom of Neverland, Human vs Monsters etc.
"Ano ba yan puro nalaro ko na ito eh. Wala bang iba" sambit ko sa sarili ko habang abalang nagtitingin sa isang stand na puno ng bagong games.
"Gusto mo ba ng bago?" isang lalaki ang biglang nagtanong sa akin. Sa tantya ko ay nasa edad 20 na sya.
"Ah oo sana kuya, puro nalaro ko na kasi 'to eh" saad ko sa kanya.
"Halika sumunod ka" pagyaya nya sa akin. Sumunod naman ako sa direksyon na pinuntahan nya. Huminto sya sa tapat ng isang transparent na glass box. Sa loob nito ay may isang parang head gear tapos isang CD.
"Eto ang Celestial War." saad nya. Celestial War? Ngayon ko lang narinig 'tong game na ito ah? Napatingin ako dun sa parang head gear na katabi nito.
"Ano naman ito kuya?" tanong ko habang nakaturo dito.
"Yan ang virtual rift. Eto ang pinaka latest game console. Pwede mo syang i konekta sa computer gamit ang bluetooth. At kapag isinuot mo sya ay para kang nasa loob ng laro." paliwanag nya.
"Woah astig!!! Ngayon ko lang nakita yan ah." namangha ako dahil sa sinabi ni kuya. "Magkano yan kuya?" usisa ko. Sasagot na sana si kuya ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Elijah tumatawag.
*click*
"Hello pare. Bakit?" tanong ko.
"Nasaan ka na pare?? Late ka na. Yari ka na naman kay mam" bungad ni Eli. Pagtingin ko sa relo. Mag aalas otso na pala.
"Sh*t!!! sige pare malapit na ako! Pasabi nalang kay mam may emergency lang." tapos pinatay ko na yung call. Yari na naman ako nito! Kumaripas ako ng takbo at iniwanan na yung lalaki. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. Nagmamadali akong sumakay ng bus, muntik pa akong maiwanan nito.---
A/N: Hi everyone, this is my first story na related sa mga online games. Nainspired akong isulat 'to dahil mahilig din ako sa mga online games. So, sana po magustuhan nyo. Vote nadin po and follow. Tsaka kung nagustuhan nyo ito, please don't forget to share.
P.S: Pasensya na kung may mga typo and grammatical errors itong story. Im not a professional writter so *peace sign*
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...