Chapter 23 : 0 - 3

4.2K 182 16
                                    

Third Person's POV

Naglalakad na palayo si Cliff mula sa pinangyarihan ng labanan. Sa isip nya ay tapos na ito at sya ang nagtagumpay.

Ibinigay ko na ang lahat sa atakeng yun. Sa totoo lang hindi ko inaasahan na ganun sya katibay, hindi ko inakalang aabot sa punto na mauubos ang mana ko sa pakikipag laban sa kanya. Ngayon ay halos wala na akong mailalabas pa, pero di bale..tapos naman na..

Ang nasabi nya sa isip nya.

Mababakas sa pinangyarihan na matindi ang labanang naganap dito. Halos umuusok pa ang buong paligid dahil sa lakas ng pagsabog na naganap kani-kanina lang.

...

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Cliff na tila sigurado ng sya talaga ang nanalo, ngunit may isang bagay syang nakakaligtaan...

"S-saan ka pupunta? W-wala pa namang anunsyo na natalo mo na ako ah?" mula sa likod nya ay isang pamilyar na boses ang nagsalita. Nauutal-utal ito at mahahalatang may iniindang matinding kirot sa katawan.

Lubos nyang ikinagulat ito, napahinto sya sa paglalakad at tila nanigas sya kanyang kinatatayuan.

Pero paano? Ang naitanong nya sa sarili. Unti-unti syang lumingon sa nagsalitang yun at talaga namang labis syang nagulat ng makita nya kung sino ito. Walang iba kung hindi ang kanyang katunggali. Si croxz. Labis ang natamong pinsala nito sa katawan, namumula pa ang mga braso nito sanhi ng pagkasunog. Gula-gulanit din ang kasuotan nito at may bakas ng dugo.

"Na-nagulat ka ba?" nakangising tanong nito habang nakatutok ang sandata sa kanya.

"P-paano ka nakaligtas dun?" nagtatakang tanong nito.

---

Croxz POV

*flashback*

"AAAAAAHHHHHHH!!!" wala akong magawa habang mabilis akong tinatangay ng malaking bolang apoy sa kung saang dako. Nararamdaman ko ang mabilis na pagbaba ng aking Health Bar, sa tingin ko ay nasa 15% percent nalang ito o marahil ay mas mababa pa, 10% marahil?

Hanggang dito nalang ba ako? ang tanong ko sa aking sarili. Sa puntong ito ay nawawalan na ako ng pag-asa. Tila unti-unti na ring nagmamanhid ang aking mga braso, marahil ay sanhi na rin ng pinsalang natamo ko. Kita kong sunog na ang mga ito.

Kailangan kong makaalis dito. Ngunit paano? Siguradong oras na alisin ko ang aking mga braso na syang pumipigil upang hindi ako tuluyang tamaan sa katawan ng bolang apoy na ito ay maaaring yun na talaga ang maging katapusan ko. Ngunit, kung hahayaan ko namang tangayin lang ako nito ay ganun din ang sasapitin ko. Kung ganon ay mas mabuting subukan ko kaysa basta sumuko nalang ako.

May isang segundo ako upang umalis.

Mabilis kong inalis ang dalawa kong braso at nagside step paalis sa area na hagip ng bolang apoy. Ngunit sadyang mabilis ito kaya nahagip parin nito ang kalahati ng katawan ko dahilan upang magka gula-gulanit ang aking kasuotan.

Pero

Gayunpaman

N-nagawa ko!!!

Nagawa ko pa ring makaalis dito bago pa man ito tuluyang tumama sa isang malaking bato. Pero sadyang malubha ang natamo kong tama, kritikal na ang aking kalagayan na sa tantya ko ay nasa 3% HP nalang. Natumba nalang ako sa lupa dahil sa pagod, dagdag pa ang sakit na nararamdaman ko sa katawan.

Kailangan kong tumayo...

Kahit na naghihina ay pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga. Ilang sandali lang at nagawa ko ng makatayo. Nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa lugar kung saan nandoon ang aking katunggali.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon