[ Max point of view ]
Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa inutos sa akin ni miss Glimpse.
Hindi ko alam kung susundin ko ba siya o hindi...
Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng iutos niya, bakit 'yun pa?
Para daw mapatawad at pagkatiwalaan ulit ako nila Yuna? Tch! Malabo 'yun. Sigurado hindi na nila ako mapapatawad kahit magawa ko yung utos ni miss Glimpse.
Sa bigat ba naman ng kasalanang nagawa ko sa kanila eh... *sigh*
Tsaka, ang tanong...bakit kaya gustong ipakuha ni miss Glimpse 'yung espada na 'yon? Hmm.
Sandali kong pinag-isipan kung bakit nga ba.
Hanggang sa...
"Tsk!" Di bale na nga lang. Wala naman akong balak kunin 'yun eh. Oo tama, ano bang pake ko dun? Baka mamaya mayari pa ako kapag kinuha ko 'yun. Siguradong iihawin ako ni miss Hell.
"Hay. nako..." Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung may patutunguhan ba ako, basta ang alam ko lang—lakad lang ako ng lakad.
Ilang sandali pa'y huminto na ako sa paglalakad.
At gayun na lamang ang pagtataka ko nung nasa harapan na ako ng punong bulwagan.
Ewan ko kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko...
Napakamot nalang ulit ako sa ulo.
"Ano bang ginagawa mo dito Max?" Mahinang tanong ko sa aking sarili habang sinusuri ang paligid.
Mabuti pa makaalis na. Baka mamaya may makakita pa sa akin dito. Isipin naman nila balak kong kunin 'yung espada ni miss Hell.
Hinding-hindi! Oo! Bully ako. Pero hindi ako magnanakaw 'noh?
---
"Wooow! Ang astig talaga ng espadang 'to. Grabe, ang ganda" Sabi ko habang hinihimas ang Red Buster Blade ni miss Hell.
Uhh... Nandito kasi ako sa loob ng punong bulwagan. Hehe. Sumilip ba ako, tapos nakita kong wala namang tao...kaya eto, nagmasid-masid nalang ako sa loob.
Tapos nakita ko yung espada ni miss Hell, kaya sinuri ko lang. Ang ganda kasi talaga nito eh hehe.
Pero, wag n'yo akong pag-isipan ha. Hindi ko balak kunin 'to.
"Hoy!!!"
"Ay!" Matinis kong sigaw dahil sa pagkagulat. "Potek! Ano ba?" Sabay lalim muli sa boses ko.
Lumingon ako sa sumigaw sa akin. Pag tingin ko, may dalawang vice captain na Einst ang nasa likuran ko.
Napalunok ako sa kaba. Patay...
"Anong ano ba? Bakit mo hawak yang espada ni miss Hell?" Tanong sa akin ng isa sa kanila.
"Ah...eh...eto ba? Haha, wala. Uhm ano kasi. Pinapakuha 'to sa akin ni miss Gl—ni miss Hell hehe. Oo tama, ganun nga" Pagpapalusot ko.
Nagkatinginan 'yung dalawa na tila ba may pagdududa pa sa sinabi ko.
"Ipinapakuha? Nasa Sentro si General Hell at kasalukuyang nakikipaglaban. Kaya anong pinagsasasabi mong ipinapakuha?" May pagdududang tanong muli nito.
Tsk! Ano ba yan, mukha ba akong sinungaling?
"Ah..eh... Yun nga, kaya nga niya ipinapakuha 'to sa akin. Kasi gagamitin niya sa pakikipaglaban..." Whoo. Sana naman lumusot na 'yun.
Nagkatinginan muli sila. Tapos ay dahan-dahan silang tumingin sa akin ng mga seryoso ang mukha.
Naku po. May mali ba sa sinabi ko?
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Science FictionHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...