[ Franzine's point of view ]
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Agad kaming kumilos at tinungo ang Centro ng Adelbard Town...habang yung mga pinakawalan naman naming preso ay tinungo ang armory, kung saan nakaimbak ang kanilang mga sandata na kinuha sa kanila ng mga Einst.
Kung saan man 'yon...wala na akong pakealam.
Dahil ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang mailigtas ang kapatid ko.
Huhuhu.
Diyos ko, sana po wag n'yong hayaang mapahamak ang kapatid ko. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kapag nawalan pa ako ng isang kapamilya. Si Ranz nalang ang natitira sa akin, kaya pakiusap, wag n'yo po s'yang kukunin sa akin.
Dasal lang ako ng dasal sa aking isipan, habang binabaybay namin ang daan patungo sa Centro.
Ni hindi ko na namamalayan kung gaano na kami katagal tumatakbo, dahil sa sobrang pag-iisip ko sa aking kapatid.
Sabi ni Yuna, halos dalawampung minuto lang ang layo no'n mula do'n sa kinaroroonan namin kanina. Ngunit pakiramdam ko ay napakalayo parin nito sa amin. Tsk!
"Franzine...ayos ka lang ba!?" Tanong muli ni Hajile. Kanina ko pa naririnig ang paulit-ulit na pagtatanong niya sa akin, ngunit hindi ko siya magawang mapansin dahil sa pag-aalala ko kay Ranz.
Gusto ko mang sabihing ok lang ako...hindi ko magawa. Dahil ang totoo'y hindi talaga ako maayos.
"Franzine wag kang mag-alala ha. PINAPANGAKO KO. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kapatid mo" Mariin at may determinasyon niyang wika.
I know. Alam ko yun Hajile. Pero hindi ko lang talaga magawang ikalma ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.
Siguro mapapanatag lang ako, kapag yakap ko na ang kapatid ko. Huhuhu.
Ranz...hintayin mo ako. Ililigtas ka ni ate...
5 Minutes Left Before The Execution...-ADELBARD TOWN CENTRE PART-
[ Third Person's point of view ]"Makinig kayo mga mahihinang nilalang. Ngayong araw, masasaksihan ninyo ang isang kahindik-hindik na pangyayari. Isang pangyayaring tiyak na hindi ninyo gugustohing maranasan. Kaya sana'y maging leksyon ito sa inyong lahat. Lalo na sa mga gustong sumuway sa batas naming mga Einst." Umalingaw-ngaw sa gitnang bahagi ng Adelbard Town ang tinig ni Mikel.
Nasa itaas s'ya ng isang platform, kasama ang apat pang heneral.
Sa ibaba nila ay makikita ang mga normal na manlalaro ng CWO na piniling tanggapin nalang ang kanilang kapalaran.
Habang sa mas mataas na platform naman sa gawing likuran ng mga heneral. Naroon ang binatilyong si Ranz kasama ang dalawang lalaking parehong may hawak na espada. Nakatutok sa binatilyo ang hawak na espada ng mga ito habang nakaumang ang talim sa kanyang leeg.
Nakayuko lang si Ranz habang nakaluhod sa platform. Nakatali ng bakal na kadena ang dalawang kamay. Wala kang makikitang kahit anong emosyon sa mukha niya. Madilim ito at animo'y nawalan na ng pag-asa. Tila ba tinanggap na niya ang kanyang katapusan.
Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Mikel sa mga manlalarong saksi sa magaganap na pagbitay. Patuloy ang pananakot at pagbibigay niya ng babala sa mga ito.
Napuno ng komosyon at bulungan ng mga tao ang buong Sentro ng Adelbard. Halo-halong reaksyon at opinyon ang nangibabaw. May natuwa, nagalit at hindi maiwasan ang may matakot.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Ciencia FicciónHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...