Raven's POV:
"Una sa lahat, gusto ko lamang ibalita sayo ang umuugong na usapan ngayon. Marahil ay hindi mo pa naririnig ang tungkol dito." Paliwanag ni Ryubii. Nakuha agad no'n ang interes ko kaya naman tinanong ko siya tungkol dito.
"Umuugong na usapan?" Ani ko.
"Kung ganon, mukhang hindi mo pa nga alam." Ngumisi siya ng matipid. Bago muling nagpatuloy sa pagkukwento.
"Buweno. Limang araw mula ngayon, isang event ang gaganapin." Pasimula niya.
"Isang event?!" Medyo nabigla ako sa aking narinig. Tumango siya ng marahan.
"Tama ang pagkakadinig mo. Isang event." Pagtitibay niya.
Although natural lang naman na magkaroon ng event dahil isa itong game. Nakakabigla pa rin. Dahil simula noong binago ni Taiyõ ang larong ito, ni minsan hindi na muli nagkaroon ng event. Nakakapagtaka at nakakapagduda din kung ano ang motibo niya upang ibalik ito.
Ewan ko ba. Masama ang kutob ko dito.
"Anong klaseng event naman 'yon?" Tanong kong muli. Nais kong maging malinaw sa akin ang impormasyon tungkol sa event na ito.
"Ayon sa narinig ko. Tatawagin daw ang event na ito bilang Rise of the Dark Queen." Pagsali ni Adamantine sa usapan.
Rise of the Dark Queen? Ang astig naman pakinggan. "At tungkol saan ito?" Tanong kong muli.
Tumingin si Adam kay Ryubii. Tila ba humihingi ito ng pahintulot upang ipagpatuloy ang pagkukwento. Tumango naman ang leader ng bandido. Kaya muling nagpatuloy si Adam.
"May nakapagsabing. Isang bagong boss ang magpapakita sa larong ito. At hindi lang ito isang simpleng boss. Dahil, mukhang siya na ang magiging bagong final boss ng laro. Ibig sabihin posibleng mas malakas sa mga Ouritsu ang boss na ito." Ibayong pagpapaliwanag niya.
Panibagong boss? At mas malakas pa sa mga Ouritsu? Masama talaga ang kutob ko dito.
"At ang pinakahuli kong narinig..." Pahabol pa ni Adam. Kaya muling natuon ang atensyon ko sa kanya. "Sinasabing sa boss na ito malalaman ang sikreto nitong laro at kung papaano ito tatapusin." Pagsisiwalat niya ng buong nalalaman.
Hindi ko alam pero sa sinabi niyang 'yon. Mas lalong sumama ang kutob ko. Tila ba, sa event na 'yon. Duon na magtatapos ang lahat. Hindi ko alam kung napapraning lang ba ako o talagang tama ang kutob kong may masamang motibo si Taiyõ upang ibalik ulit ang ganitong klase ng senaryo sa laro.
Matapos ang pagpapaliwanag ni Adam. Nabalot ng panandaliang katahimikan ang paligid. Maski ako hindi muna nagsalita at sandaling nag-isip.
Ilang sandali pa'y nabasag din ito.
"Matapos ang isiniwalat ni Adam sa iyo. Marahil may ideya ka na kung anong kondisyon o pavor ang hihingin namin. Tama ba?" Tanong ni Ryubii.
Tinignan ko siya ng diretso.
Nababasa ko sa mata niya ang gusto niyang mangyari. Alam kong nais nilang pamunuan ko sila at tulungan sila sa pag clear nitong game.
Marahil ay nararamdaman nilang ang event na 'yon na ang pagkakataon upang i-clear ang larong ito at mukhang desidido silang lahat na makilahok doon.
Kahit na tila may masamang pwedeng mangyari.
Sandali akong nag-isip...
Wala naman akong nakikitang masama sa pabor na hinihingi nila. Hindi naman siguro kalabisan kung pamunuan ko sila dahil sila naman mismo ang humiling nito.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Fiksi IlmiahHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...