Chapter 79 : POWER OF DARK QUEEN Pt. 1

67 3 4
                                    

Hindi agad nakagalaw ang binata sa kaniyang kinatatayuan. Ito na yata ang pinakamasamang tagpo na pwede niyang madatnan. Bagamat alam niya ang malaking posibilidad na mangyari ito, ayaw niyang maniwala na hahantong sa ganito ang lahat.

Magkahalo ang naramdaman ng binata noong mga oras na yon. Galit, pagkalito at kalungkutan.

Tahimik lang siya at walang kahit anong salita ang gustong lumabas sa bibig niya.

"Nagulat ka ba, Raven?" Ani Taiyo.

Nakangisi pa ito at para bang nang-aasar pa. Tila ba alam na niyang ganito ang kahihinatnan nang tagpong ito.

"O baka naman marahil ay nagbago na ang pasya mo? Baka naman mas nais mo na ring manatili sa mundong ito?" Wikang muli ni Taiyo. Tatawa-tawa pa ito.

Napahigpit ng kapit ang binata sa kaniyang hawak na sandata.

Sa ngayon ay labis na naguguluhan ang isipan niya. Kanina lamang ay desidido na siyang tapusin ang larong ito. Ngunit noong makita niya muli ang kaibigang babae ay bigla na naman nagbago ang ihip ng hangin.

"Tama yan Raven. Manatili ka nalang sa mundong ito kasama ng babaeng sinisinta mo. Pangako oras na gawin mo 'yun ay ibabalik ko si Glimpse sayo.  Yun ang gusto mo, hindi ba?" Sa sinasabi ni Taiyo ay lalo lamang gumugulo ang pag-iisip ng binata.

"Oh ano Raven tatahimik ka nalang--"

"Bakit?" Pag-udlot ni Raven sa mga sinasabi ni Taiyo.

Naging seryoso ang mukha ng nakatatandang lalaki. Tinignan din ni Raven ito ng sobrang seryoso.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Bakit kailangan mong gawin ang masasamang bagay na ito?" Ani Raven.

Sandaling natahimik si Taiyo.

Maya-maya ay humalakhak na ito ng malakas. Tumawa ito ng walang humpay. . .

Nakatitig lamang ang binata sa nakakatandang lalaki, wala siyang kahit anong ekspresyon sa mukha.

Huminto sa pagtawa si Taiyo.

"Simple lang naman ang dahilan ko. Dahil masaya. . ." Anito. "Hindi mo ba ito nararamdaman, huh, Raven? Ang labis na kasiyahan sa tuwing makikita mong ikaw ang pinakamalakas kumpara sa lahat? Ang kakaibang pakiramdam kapag alam mong lahat ay pinupuri ka at halos lahat sila ay sambahin ka dahil sa taglay mong kapangyarihan? Hindi ba't napakasarap sa pakiramdam na ikaw ang pinakamakapangyarihan? Malayo sa ating mundo kung saan isa ka lamang walang kwentang nilalang." Dagdag na paliwanag pa ng nakakatandang lalaki.

Tahimik lamang si Raven dahil may kung ano sa kaniyang kalooban na nagsasabing tama ang mga sinasabi ni Taiyo.

Sa mundong ito, tinitingala siya ng ibang mga player. Habang sa labas naman ng laro ay ordinaryong teenager lamang siya na madalas pang mapagkatuwaan ng kaniyang mga kaklase.

"Pagmasdan mong mabuti ang mundong ito Raven. Ito ang mundo natin. Ito ang mundong nababagay sa atin. Kaya kung ako sayo, samahan mo ako. Magtulungan tayo upang mas pag-ibayuhin pa ang mundong ito. Lahat ng tutol ay hindi na natin kailangan." Panghihikayat ni Taiyo.

Ang tunay na mundo o reyalidad ay lubhang mapait para sa ilang taong katulad ni Taiyo. Biktima siya ng mapait na katotohanan sa mundo. Ang katotohanang hindi lahat ng bagay na gusto niya ay makukuha niya. Hindi lahat ng naisin niya ay magagawa niya. Hindi lahat ng taong nakapaligid sa kaniya ay totoo. Bata pa lamang si Taiyo ay mapait na ang karanasan niya sa tunay na mundo. Maging ang sarili niyang magulang ay nagawa siyang itakwil kaya ganun na lamang ang poot niya sa reyalidad.

Ngunit sa mundong kaniyang nilikha, natagpuan niya ang lahat nang bagay na gusto niyang mangyari.

Naiisip ni Raven na malamang ay kung nasa pareho silang sitwasyon ng lalaki ay baka pumayag na siya sa gusto nito.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon