Chapter 60: New Power and New Weapon

1.9K 74 17
                                    

Note: Pasintabi muna sa mga kumakain.

Third Person's POV:

"T-tama ba 'yung narinig ko?" Hindi makapaniwalang tanong ng binata. Ang buong akala niya ay hindi siya nakapasa sa pagsubok.

Tumango lang ang babae kasabay ng matipid na ngiti nito.

"P-pero, paanong..."

"Ito ay dahil sa pagiging determinado mo na lumaban, kahit pa alam mong posible kang mapahamak. Lubos kong hinangaan ang tapang at lakas ng iyong loob. Gayun na din ang pagiging malinis ng iyong puso. Dahil dito kaya ka nakapasa sa aking pagsubok." Paliwanag ng mahiwagang babae. "Tandaan mo lang lagi na hindi sagot ang paghihiganti upang makamit ang katarungan. Lagi mong alisin ang poot sa iyong puso at panatilihin ang pagiging dalisay nito, upang sa gayon ay makita mo ang tama at malaman mo ang dapat mong gawin." Mahabang saad pa nito.

Lubos na naunawaan ni Raven ang ibig sabihin ni Weiss, dahil iyon mismo ang napagtanto niya habang nasa kalagitnaan siya ng pagsubok.

Naisip niyang, marahil ay dahil sa kagustuhan niyang makapaghiganti kaya hindi niya magawang matalo ang kalaban na halimaw. Nakalimutan na niya ang sarili niyang paraan ng pakikipaglaban. Ngayon, nalinawan siya sa dapat niyang gawin.

"Makakaasa ka..." Matipid na sagot ng binata.

"Mabuti kung ganon." Ikinumpas muli ng mahiwagang babae ang kaniyang hawak.

Sa isang iglap ay lumiwanag muli ang lahat.

...

Napahinto sa pagsugod ang halimaw na si Fifth matapos lumiwanag ng husto ang kinatatayuan ng kaniyang kalaban. Napapikit siya dahil sobrang nakakasilaw ito.

"Anong nangyayari?" Ani ng halimaw.

Maski ang ibang nakapaligid sa binata gaya ni Max at Glimpse ay napapikit dahil sa liwanag.

           

Raven's POV:

Nakaramdam ako ng kakaibang kapanatagan sa aking sarili. Sobrang gaan ng aking katawan na para bang lumulutang sa ere.

Anong pakiramdam ito?

Ito na ba ang resulta ng pagiging isang holy knight?

"Dadsie..."

Teka, tinig ni Hayley yun ah?

"Dadsie, gumising ka po."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at sa harap ko ay bumungad ang isang...

Bata?

"H-hayley? Ikaw ba yan?" Mahina kong tanong. Nakangiting tumango lang sa akin ang bata.

Walang duda siya nga si Hayley. Ngunit ang labis kong ipinagtaka ay ang paglaki ng sukat niya. Naging mistulan na talaga siyang isang bata at nawala ang kaniyang pakpak.

"A-anong nangyari sa iyo?" Pagtataka ko. "Bakit ka lumaki, at nawala ang iyong mga pakpak?" Sunod-sunod ang aking tanong.

"Dadsie, dahil po sa pagbabago ng iyong class. Na activate ang isang skill na kung tawagin ay Fairy Mode. Kung saan pwede mong magamit pansamantala ang lahat ng aking kakayahan sa abot ng iyong makakaya at pinakamabisang paraan. Kapalit nito ay pansamantala akong magiging normal na bata at makikita na ako ng kahit na sino. Ngunit, pwede mo naman ulit itong i deactivate kung iyong nanaisin at babalik ako sa pagiging fairy. Yun nga lang aabutin ng ilang oras bago magamit muli ang skill na iyon." Mahabang paliwanag ng aking fairy. Bagamat naunawaan ko naman ang kaniyang paliwanag, hindi ko maitatangging medyo nalilito ako.

Celestial War Online [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon