Third Person's POV
[ DOS VERSUS ELIJAH FINAL BATTLE ]
Natakpan ng makapal na hamog ang buong paligid. Dahil dito, walang makita ang Royal Boss na si Dos.
Nagpalinga-linga siya sa kaniyang paligid. Mababakas ang bahid ng pagkainis sa kaniyang mukha.
"Lagot ka sa akin oras na mahuli kita. Magsisisi ka sa ginawa mo." Wika nito. "Lumabas ka, bubwit!" Saad pa niya.
Nakiramdam siya, ngunit, bigo siyang maramdaman ang presensiya ng binata.
"Lumabas ka na, huwag ka nang magtago." Anito.
Unti-unti sa loob ng makapal na hamog, naaninag nito ang isang pigura.
Napangisi ang nilalang.
Mabilis siyang sumibat patungo sa pigura at inatake ito. Ngunit, tila sa hangin lamang dumampi ang kaniyang atake.
Isa lang din pala itong hamog.
"Huh?" Nagtataka ang kanyang reaksiyon.
Muli siyang nagpalinga-linga upang hanapin ang pigura.
Sa hindi kalayuan ay muli na naman niya itong naaninag, kaya mabilis niya itong sinugod.
"Hindi ka na makakawala!" Sigaw ng nilalang.
Ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay tila sa hangin na naman tumama ang kaniyang atake.
"Paanong..." Hindi makapaniwala ang royal boss.
Ilang beses pa ay ganun lamang ang nangyari. Hindi ito maintindihan ng royal boss. Lingid sa kaniyang kaalaman ay sumailalim siya sa isang ilusyon
Isang special item ang ginamit ni Elijah na tanging sa royal boss lamang may epekto.
Ang mist of illusion.
Ang item na ito ay ibinigay sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan bago magsimula ang event.
Flashback
"Para saan ito?" Tanong ni Elijah sa kaibigan.
"Isang special item. Kakailanganin mo yan sa isa sa mga royal boss. Isa yan sa magpapalabas ng kanyang kahinaan." Paliwanag naman ni Raven.
"P-pano mo nalaman at saan mo nakuha ang bagay na ito?" Nagtatakang tanong ni Elijah.
"Sa isang kaibigan. Siya ang nagbigay sa akin lahat ng impormasyon na kailangan upang matapos ko ang larong ito." Nahalata ni Elijah na medyo nag iba ang reaksyon ng kanyang kaibigan. Mukhang nahulaan niya kung sino ang tinutukoy nito.
"Ganun ba, kung ganon, malaki pala talaga ang naitulong niya..."
Ngumiti lamang ng matipid si Raven.
Kinuha ni Elijah ang special item at hinawakan ito ng mahigpit.
Sabay wika "Huwag kang mag-alala Raven. Tatapusin natin ang larong ito, alang-alang sa lahat ng ginawa niyang tulong sa atin..." sandali siyang huminto sa pagsasalita.
Bago nagpatuloy...
"Makakalabas tayo sa mundong ito."
End of flashback
Unti-unti ay tila nauubusan ng pasensiya ang royal boss. Hindi siya sanay ng ganito.
Hindi siya sanay na pinaglalaruan.
Bilang isang maharlikang nilalang sa mundong ito. Pinaniwala sila ng kanilang creator na walang makakatalo sa kanila. Binigyan sila ng sariling isip na tanging isang bagay lamang ang nilalaman.
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Ciencia FicciónHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...