Raven's POV
( Adelbard Upper Part )
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon dito sa upper part ng Adelbard Town. Ayoko na munang manood ng mga laban. Mas mabuti pa kung gugulin ko nalang ang oras ko sa pagpapalakas ng aking sarili. Sa nakita ko kasing ipinamalas na lakas ng mga player mula sa high ranking guild, masasabi kong wala akong ibabatbat sa kanila. Masakit man tanggapin pero yun ang katotohanan.
Sa ngayon, nandito ako sa tapat ng Skill Enhancer Shop. Una kong naisip gawin ay ang i-upgrade ang aking mga skill. Alam kong hindi ito sapat para makasabay ako sa mga malalakas na player pero kahit paano ay makakatulong parin ito sa akin. Agad akong pumasok sa loob nito.
"Hello sir do you want to upgrade your skill?"
[ yes ] [ no ]
Tanong sa akin nung babaeng NPC na sa itsura ng kasuotan ay tila ba isang witch, pero ang cute namang witch nito. Well anyway, pinindot ko yung yes at lumabas mula sa vs yung mga skill ko na pwede ng i-upgrade. Inuna ko muna yung double slash.
--Double Slash 2--
Required Mats:
- goblin club x20 ( drop from goblin mobs )
- toad skin x10 ( drop from poison toad mobs )
Upgrade Fee : 5,000Isa-isa kong inilabas yung mga mats na naipon ko na drop ng mga mobs. Mula sa isang malaking cauldron ay pinasama-sama nya yung mga materials na inilabas ko. Mabilis na nalusaw ang mga ito matapos nyang ilagay. Hinalo-halo nya ito at ilang sandali pa'y kumuha sya ng isang maliit na pansalok at sumalok sya ng malapot na likido mula dun sa cauldron. Inabot nya sa akin ito.
"I-iinumin ko??" nagtataka kong tanong. Tumingin lang sya sa akin. Tatanggihan ko sana dahil baka kung ano ang lasa nun, tsaka ayoko sa mga malapot na likido eh haha. Pero nung tikman ko naman eh--lasang--
"Choco na gatas? Oh gatas na choco?" tanong ko dun sa NPC, pero sa halip na sagutin eh ngumiti lang sya sa akin.
Infairness masarap pala sya ha. Parang iced chocomilk ang lasa. Yeah! im dead serious! Yun talaga ang lasa haha.Biglang umilaw ang katawan ko, ito na siguro yung palatandaan na naupgrade na yung skill ko. Sunod ko namang inilabas yung mga mats para sa taunt
--Taunt 2--
Materials:
- dragonfly wings x30 ( drop from fire dragonfly mobs )
- Fish scale x20 ( drop from floating fish mobs )
Upgrade Fee : 5,000At gaya ng una, ganun din yung ginawa nung NPC.
---
Lumabas na ako ng Skill Enhancer Shop matapos kong maupgrade ang mga skill ko. Sumunod ay nagpunta ako sa item shop para bumili ng maraming pots, 30 small hp pots, 10 medium at 5 large at ganun din sa mana pots. Matapos nun ay naglakad ako papunta sa isang portal dito sa Adelbard, balak ko kasing pumunta ngayon sa Locus Field.
"Kung balak mong magpalevel, sa locus field ka pumunta. Mataas ang drop na exp ng sir lettie dun. Pero mag-iingat ka din dahil nasa 1500 ang hp ng bawat isa nun"
Naalala ko pang payo sa akin ni Steve bago pa man ako umalis mula dun sa loob ng arena. Sa pagkakatanda ko, sa locus field matatagpuan yung Evil Fluffy na daily boss. Agad akong nakarating sa tapat nung portal na pinasukan namin nung kumuha kami ng guild test. Paglapit ko ay may lumabas na mensahe sa harap ko.
Choose your destination:
-Ripple Forest
-Syracuse Lake
-Libercus Swamp
-Graveyard
-Locus Field
-?????
BINABASA MO ANG
Celestial War Online [ COMPLETED ]
Ciencia FicciónHighest Rank #3 in Science Fiction as of 01/30/17. VOL. 1 : New Hero Born [ COMPLETED] VOL. 2 : The Darkest Days [ COMPLETED ] VOL. 3 : Return of the Fallen Hero [ COMPLETED ] Si Raven ay isang normal na teenager, at gaya ng iba mahilig din syang...