Clyte's POV
Gabi gabi hindi ako makatulog sa kakaisip kung paano ako makakapag aral sa Affinity High. Gabi gabi rin akong nanaginip na isa kong magical girl.
Para akong timang. Clyte, gising! Gising! Matanda ka na Clyte! Matanda ka na Clyte!
Isa lang ang gusto ko sa buhay, ang makilala ko yung mga tunay kong magulang. Pinamigay kasi ako nila kanila Mama Jonah at kay Papa Remi.
Bata pa lang naman, sinasabi na sa akin nila mama na hindi nila ako tunay na anak. Pinaalagaan lang daw ako ng tunay na mama at papa ko sa kanila. Pagdating ko raw sa tamang edad, ay babawiin daw ako mula sa kanila.
Sabi nila mama at papa, parehas daw na magaling sa magics ang tunay kong mga magulang. Hindi lang basta magaling, parehas pa daw silang Pinaka magaling ng magkalabang school.
Kaya daw ako nabuo dahil sa Love story nilang ala "You and I against the world". Si mama daw kasi taga Affinity High. Samantalang si papa taga Deathfire Academy, ito yung nag o-offer ng mga black magics.
Sabi nila Mama Jonah, si Mama ( 'Yung taga Affinity High ) daw ay hindi daw inaasahan o sabihin na natin na hindi sinasadya na ma-inlove kay Papa. Bawal kasi magkatuluyan ang magkalabang wizards.
Nang malaman daw na may relasyon sila, ay agad naman akong tinakas ni Mama dito sa Human World. Para daw sa kaligtasan at para daw hindi malaman na nagka anak si Papa kay Mama.
At ito daw ang reason kaya ipinimagay ako kanila Mama Jonah.
Pero kung tutuusin hindi ko naman ramdam na may dugo ako ng isang magaling na magician. Edi sana, hindi na ako nag aaral sa normal highschool. At sana nagrereynahan na ako sa school na yun. Joke! napaka ambisyosya ko no? Hahaha.
Satisfied naman ako sa pagtuturo ng "normal" school ko. In the field of learning etc. etc.. Sa katunayan nga consistent honor ako. Hindi naman kasaya pero hindi rin kalungkot ang highschool life ko.
Pero... Alam mo na, sa buhay mo may isang tao ang laging naninira ng araw mo. Mga bwiset. At isa na dito Seiji.
Isang matalinong lalaki, may itsura, mayaman kaso nga lang... Alam mo yun, may katangian s'yang hate na hate ko. Lagi kasi s'ya yung sentro ng atensyon, kaya kaming mga "dukha" ay echepwera na lang.
Halos lahat ng sports kasi kapag nabanggit mo lang ang salitang basketball, sasabihin nila Seiji. Kapag badminton, sasabihin nila Seiji. At kapag in terms of arts, sasabihin rin nila Seiji.
At ang nakakainis lagi na lang akong 2nd at sya ang 1st. Kainis 'di ba? At ang lalong nakakainis, wala s'yang paki sa mga ganitong bagay. Pa famous si kuya.
Paano naman kami!? Kaming mga normal na mamamayan ng bansa na 'to. Hindi ko alam, pero kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya! Wala naman s'yang ginagawang masama sa akin pero... Kapag nakikita ko lang si'ya, nasisira na talaga ang araw ko.
Kapag ako nakapasok sa Affinity High, who you ka sa akin! Seiji Galvez.
Kaya lang naman gusto kong makapasok sa Affinity High ay dahil doon sa competition nila.
Sabi kasi ni Mama Jonah, every year, may nagaganap daw na Wish Battle or competition para makuha yung wish. Kaya daw kasi nila ibigay yun, kahit ano pa naman ang hilingin mo.
Kaya ako, si simple girl ay nagaaral ng mabuti. Nasali sa ibat ibang competition, syempre para mapansin. Pinagmamasdan lang daw kasi kami ng Principal ng Affinity High. Pinagmamasdan yung mga taong may kakayahan na makapag aral dito.
Gusto ko kasi padalhan someday ng magic envelope. Para makita ko na rin sila mama at papa. Mga tunay kong magulang.
*****
BINABASA MO ANG
Affinity High
Fantasy[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partner. Almost of the magics kasi dito kailangan ng Affinity ng bawat magpartner sa isa't isa. The more...